を- 04 ♪ - Unfamiliar and Familiar.

2 2 0
                                    

• [ Julianne Point Of View ] •

" Ikaw ba yung girlfriend ng anak ko? " gulat akong napatingin sakaniya. Tumingin naman saakin yung babae.

" Hindi po... Student po ako. " sabi ko. " Baka may gf si sir josh, nakipag-tanan ata po siya. " sabi ko.

" Ikaw ba si Julianne? " tanong nung babae tumango-tango ako. " Ikaw lang ang babaeng nabanggit ni josh saamin, sabi nya ay pupunta siya sa coffee shop nung 6:30am at ngayon 10 na ay hindi na siya dumating. " sabi nung babae at napaiyak.

Babaeng nabanggit? Ako Lang? Bakla ata si sir josh. Hayyst! Sorry na nagalit ako kanina.

" S-sorry po... Hinihintay kopo siya pero hindi siya dumating. " sabi ko.

Tumayo ako para yakapin siya ng mahulog ang box na ibinigay saakin ni Ms. Concepcion.

Pinulot ko iyon.

I need to know about my parents' death.

Tiningala ko ang nanay ni sir josh. " Tutulongan kopo kayo hanapin siya. " sabi ko sakanila.

———


It's already 12pm at patuloy parin ako sa paghahanap sakaniya.

" Hayyst! Saan ba pumunta si sir josh? " Inis na bulong ko sa sarili ko. Hindi ko na alam kung nasaan ako at hindi pa ako nakakain.

Walang masyadong tao sa kinaroroonan ko. Mga puno lang.

Hayyst. Parang gubat.

Umalis ako sa motor ko at tiningnan kung gumagana ba ang net rito, pero puta wala! Nasaan ba si sir josh? Hindi ko na matandaan kung saan ako dumaan ayts.

Inis kong sinabunutan ang sariling buhok dahil di ako makatawag. Ayts. Ayts. Nakakainis.

Kinuha ko sa bulsa ng jacket ko ang box na ibinigay saakin ni Ms.Concepcion.

Binuksan ko iyon at may nakita akong nakatupi na papel. Kinuha ko iyon at tiningnan. It's a picture... A forest. Napatingin ako sa harap kong mga puno. Napatingin ako ulit sa picture na ito. They looked the same.

Naglakad-lakad ako sa gubat nato, naghahanap ng bahay kubo. Nakasulat kasi sa likod ay “ bahay kubo ”.

Tahimik rito, tanging mga ibon lang ang naririnig ko. Habang nag-lalakad ay may naririnig akong.....wait, tubig? Lawa? What is it?

Agad ako tumakbo sa right direction ko. And yes! May lawa! Nakaramdam ako ng uhaw kaya agad ako uminom rito.

Napaupo ako ng dahil sa pagod at nauuhaw rin ako. Napatingin ako sa langit. Ang ganda ng langit. It's already 3pm. Napatingin ako sa cellphone ko at wala parin net rito.

Napatingin ako sa puno ng saging... May bunga ito. Bigla naman tumunog ang tiyan ko. Napatingin ako sa medyo mahaba na kahoy kinuha ko iyon at pilit na hinuhulog ang saging

———


I'm eating banana now. Hayyst buti at nakakain ako kahit saging lang. Habang naglalakad ay kinakain ko yung natirang saging ko.

Napatigil ako ng may makita akong bahay kubo, agad ako tumakbo roon at walang sabi-sabi na pumasok.

Wala naman akong nakita rito, except sa long dress na nasa sahig at ang dumi-dumi. Pinuntahan ko ito at tiningnan. Diko alam pero feel ko dugo itong kulay red sa white long dress na Ito.

Biglang na-alala ko yung sinabi ni Nay Lianne.

" Nagpakamatay ang iyong ina sa isang gubat, nahanap siya sa isang bahay kubo, sa ikatlong araw matapos siyang mamatay. " Nay Lianne.

SAVE MY PARENTS by KangVillain ( Villain'spen )Where stories live. Discover now