Page 21

2.7K 147 58
                                    

Morgan Grace

PS: THIS IS UPDATED/LONGER UPDATE

I pulled the pillow closer to me para mas yakapin pa ito. I tried to fall back to sleep pero mabilis akong napabangon ng maramdaman ko kung gaano kalambot ang kama at unan kung nasaan ako.

Mabilis akong umupo sa kama at inikot ang paningin ko. Kumunot ang noo ko dahil hindi ako pamilyar sa kung nasaan ako. What did I do?

Sakto ng pumasok sa isip ko ang mga nangyari kagabi ay sya ring pagbukas ng pintuan ng kwarto.

Naging mabilis ang pagtibok ng puso ko ng makita ang bagong paligong si David, his hair is still dripping water. Ang aga pa pero nakakunot na ang noo nito.

"Nasaan ako?" tanong ko dito.

"It's rude not to remember your own house"

Hindi ko alam pero kusang sumikip ang dibdib ko.

"I wouldn't know, hindi pa ako nakatulog kahit kailan sa guest room ng bahay na to" mapait kong sabi sa kanya pero nag smirk lang ito sa akin.

"Did you expect to sleep in the master bedroom?"

"No" I stood up, mabilis kong sinuot ang blazer ko at dinampot ang bag ko. "I expected to be home sa condo na nirerent para sa team ko"

"Well, you passed out bago mo pa masabi kung saang condo ka tumutuloy and as a decent human being, hindi naman kita pwedeng hayaang matulog sa kalsada"

Huminto ako sa pag aayos ng bag ko at mabilis na humarap sa kanya.

"I don't need your pity" I told him, ibinaba nito ang tingin sakin pero I pushed him to the side para makaalis.

The moment I stepped out of the room, mabilis na binalot ng matinding lungkot ang puso ko.

I was welcomed by the house we built together, the chandelier I personally picked, the paintings we both love so much still hangs around.

I cleared my throat and immediately went downstairs. Ayoko sa lugar na ito.

"Morgan!" he called me at ramdam ko ang pagsunod nya pero mas binilisan ko ang paglalakad ko pero mabilis akong napahinto ng mabilis nya akong hawakan sa braso at iharap sa kanya.

"What?!" I spat at him.

He seem a little loss for word, nanatiling hawak nito ang braso ko.

"Hindi tamang umiinom ka ng kagaya kagabi" he told me.

Mabilis akong pumiglas sa pagkakahawak nya.

"Hindi na ako bata, David! Ano bang pakielam mo? Hindi ka na nga dapat nakielam pa kagabi, and now I will have to explain sa mga taong nakakita satin"

"And you have the time to explain to them?"

"I will need to explain to them dahil kung ano ang iisipin nila!" I am glaring at him already pero parang wala lang sa kanya.

"Why do you care about what they will think?" he then moved a little away from me. "Ah, you are scared na makakarating doon sa kabit mo?"

Sincerely Yours, Your Ex-WifeWhere stories live. Discover now