Chapter 2:Introduction

7 0 0
                                    

5 minutes na lang ay matatapos na ang time ni ma'am Villena na filipino subject, gusto ko nang mag recess. Hindi na ata hihintayin ni JC yung recess, nakain na eh.

"Sige class, maaari na kayong mag recess" ma'am Villena.

...

Magkakasama kaming lima nakain sa table dito sa canteen, nahihiya kami kay ralph, lamon kami ng lamon dito tapos siya nagbabasa ng libro.

Malakas na pagbagsak ang nagpa agaw ng pansin naming lima.

" Ano yun?" tanong ko.

" yung babaeng transferee" nginuso ni cly habang may hawak na fried chicken ang direksyon kung saan may isang babaeng nakaupo sa sahig nililinis ang natapon nitong pagkain. Makikitang pinagtatawanan siya ng grupong mga babae na nakapwesto sa gawing kanan niya.

Agad akong humingi ng basahan sa tindera ng canteen at dumiretso dun sa babaeng transferee at pinunasan ko ang soup na natapon sa sahig.
Tinignan ko siya at nahuli ko siyang nakatitig saakin, naku na starstruck ata sa kapogian ko, nagkatitigan kami at nabigla ako ng hablutin niya saakin ang basahan na hawak ko.

"Bat mo kinuha?!" tanong ko na may bakas na pagtataka sa mukha.

Hindi niya ako pinansin at patuloy na pinupunasan ang soup na natapon gamit ang basahan na kinuha niya saakin. Tumingin ako kila cly na tinatawan ako kaya pinakyuhan ko sila.

Tumayo ako at kumuha ng mop at detergent, nang imomop ko na ay bigla nanaman niyang hinablot ang mop na hawak ko

~_~

"Tinutulungan lang kita" sabi ko at kinuha ang tray kung saan niya nilagay ang pinagpunasan niya ng natapong pagkain. Baka hablutin niya pa to sakin, naku talaga.

Dalawang hakbang palang ang nagagawa ko papunta sa kitchen ay naramdaman ko na ang hakbang niyang patakbo kaya humarap ako sakanya, agad agad ko siyang sinalo gamit ang isa kong kamay ng madulas siya sa pinagmop-pan nitong sahig.

Kung tatanungin niyo kung ano ang itsura namin ngayon ay ang kaliwa kong kamay ay hawak ang tray at ang kanan naman ay nakahawak sa bewang niya, naka bend ng kaunti ang tuhod ko at ang mukha niya ay nakasubsob sa dibdib ko.

                    ___
---(・ω・)ノ

" Okay ka lang?" tanong ko. Tinulak lang ako nito papalayo at naglakad nalang ito paalis ng canteen.

Napansin kong nagtatawanan na pala ang mga tao dito sa canteen kaya iniligpit ko nalang ang pinag gamitan niya. Nang matapos ay dumiretso na ako sa table namin, lumamig na yung burger and soup ko.

Nag kwekwentuhan sila at nagtatawanan habang ako ay iniisip yung babae kanina, binalewala niya ba ang kabutihan ko? Siya na nga tinulungan eh, sungit niya naman. Ay? Siguro may boyfriend siya dito sa school na nasa canteen kanina at inisip niya na baka mag selos yun dahil tinutulungan ko siya kaya parang ayaw niya na tulungan ko  siya, noh? Eh bat hindi siya tinulungan ng boyfriend niya kanina? So hindi.
Ay? Baka independent lang talaga siya? Or else...nahihiya lang talaga siya saakin kasi sobrang pogi ko para mag linis ng natapon niyang pagkain diba?

ヽ(´∀`)ノ

"vaugn"

Kinilig siguro yun masyado kanina kaya nagpakipot muna siya sakin, haha!

"vaugn?"

Sinadya niya yata yung pag dulas niya kasi alam niya na masasalo ko siya, hahahahaha!

"vaugn!!!" nakakarinding sigaw ni JC ang nagbuhay sa naliligaw kong isip.

"may natawag sayo!" sigaw saakin ni JC.

" muka kang tanga kanina, nakatingin sa malayo tas natawa" sabi ni cly at nagtawanan naman ang mga tubol...

Eternal Bonds: The Tenth GradeWhere stories live. Discover now