CHAPTER EIGHT

8 4 0
                                    



Lunch time na at naririnig ko na naman sila Melaria at Jude na nag babangayan sa Hallway.



Kinausap ko na rin sila tungkol sa pag iwas ko, sinabi ko na nadamay lang din sila sa mood ko no'n. Hindi ko na sinabi ang totoo, 'yoko na madamay pa sila.



"Pupunta ka ba Jude?" Rinig ko na agad ang boses ni Melaria sa labas ng Hallway, "Oo, inimbita ako e. Nakakahiya naman kung tatanggi ako, 'diba?" Pag susungit nito.



Nailing ako, ayan na naman sila. Mag iingay at mag aaway.



"Sungit, baka mag uwi ka ng handa ha?" pang aasar ni Melaria, "Baka ikaw ang mag uwi." Palagi silang nag babardagulan.



Naalala ko na biniro ko sila, nasabi ko na bagay sila. Para silang tsnga dahil sa kadiri raw HAHAHA



"Ang ingay nyo." Saway ko sa dalawa, niyaya ako ng mga 'to sa Cafeteria.



"Libre ni Jude hehe." Ani ni Melaria na nakinang ang mata, Natawa naman ako sa reaksyon ni Jude.



"Sino ba mas mayaman satin ha? sa'kin ka pa talaga nag palibre." Reklamo ni Jude.



"Ako na!" Prisinta ko, "Bago 'to, 'di mo ugali 'yan. Nasa'n ba ang kaibigan namin? ilabas mo nga" Pang aasar ni Melaria, sabay naman silang tumawa ni Jude.



"Okay fine, madamot na ulit ako." Irap ko sa kanila. Nagbago na pala ang isip ko.



Hinila ako ni Melaria sa Cafeteria at umorder and the end ako pa rin ang nag bayad ng mga inorder namin.



"Akala ko naman pinagpalit mo na kami ro'n sa taga-stem!" Ungot ni Mela, yung taga stem na sinasabi nya ay si Kych.



Minsan kasama ko si Kych pati boss nya, loner daw kasi si Kurei dahil nga masungit tapos madaming natatakot. Baka nga mas lalong matakot mga students do'n pag nalamang apo ng yakuza iyon.



"Mabait naman si Kych, bff ko 'yon sa probinsya pa lang." Sagot ko.

-


4pm na ng makauwi ako, medyo marami na ring tao sa Lobby dahil nga birthday ni Jizzel, today is 17 years old na sya. Bata tapos maganda huhu. Tumaas na ako sa unit ko mara mag pahinga at maligo, need ko na rin mag bihis at bumaba.



Nilapag ko ang gamit ko sa kwarto at hinanda ang mga susuotin ko. Mabuti naman na wala na munang susulpot dito sa unit ko, bago ako maligo ay nilock ko ang pinto ng unit ko.



"Mahirap na e." bulong ko at pumasok sa CR.



After 15yrs, choss! pag tapos ko maligo ay nag bihis na ako, naka dress ako yes yes!! Peach color, nag make up din ako pero light lang. Then inayos ang buhok.



After kong mag ayos ay bumaba na ako sa Lobby, and so on madami na talagang tao. Samo't saring mukha ang nakikita ko, "Kinakabahan ako." Ani ko, natanaw ko si Melaria, naka Light blue na dress.



"Ang ganda mo!" Sabay naming sabi, lumapit naman samin si Jude may table raw na bakante.



"You both are beautiful!" puri ni Jude sa'min. "Bawal mainlove!" pang aasar ni Melaria. "Asa ka naman." Ani ni Jude.



Bumaba na rin si Jizzel and naka red cocktail gown ito. "Stunning!" ani ni Melaria.



We all greet her and nag bigay ito ng message to all to her Family. After no'n ay inabot naming lahat ang gift namin for birthday girl and kumain na ang lahat at nag party party.



Too Loud to Love YouWhere stories live. Discover now