CHAPTER NINETEEN

7 4 0
                                    

NABALIGWAS ako ng tayo ng makita ang liwanag mula sa bintana, kinusot ko pa ang mata ko. Nakita ko ang damit ko na nakatupi sa tabi ng kama.

Napakapa ako sa sarili ko at inalala ang nangyari kagabi, hindi ko naman nakalimutan iyon.

Hindi pa ako nakakababa sa kama ko ramdam ko yung sakit sa pagitan ng hita ko. Napaimpit ako ng labi at naglakad papuntang banyo.

Pagkatapos ko maligo ay nakita ko ang kulay pula sa higaan ko, kailangan ko na namang magpalit ng bed sheet.

Naghanap pa ako ng ipapalit do'n, nakita ko ang floral bed sheet kaya't ayon ang ginamit ko.

Napalabas ako ng kwarto nang marinig ang ingay mula sa sala, It was Kych and Kurei.

"Ayoko! I'll stay here, umuwi ka na!" Pagmamatigas ng kaibigan ko.

"Kych, we need to-" Hindi na ito natapos ng tutukan sya ni Kych ng baril, natahimik si Kurei at napalunok.

"Damn, Kych! ibaba mo 'yan," Awat ko rito. Nakita ko na dinala ni Genesis si Lola at Jace sa kwarto ko.

"Baby, please. Stop doing this, you're pregnant." Mahinahong sabi ni Kurei na ikinagulat namin.

"I'm not, ang aga pa para mag delusion, Kurei!"

Hinawakan ko ang kamay ni Kych at dahan dahang ibinaba ang kamay nya. "Kych, either yes or not, itigil mo 'yan."

Nilingon ko si Kurei, "kakausapin ko na muna sya." Tumango naman ito.

Kinuha ko ang baril at inabot iyon kay Kurei, inalalayan ko lang ang kaibigan ko papuntang guess room.

Malakas kong pinitik sa noo ang kaibigan ko, hindi nya manlang iyon ininda. Sino ba naman 'to? Dakilang Amazona ng Lucban Quezon.

"Ano bang nangyari?" Paunan kong tanong rito, she starts to cry.

"Frustrations, anxiety, stress. That's what I feel. Mariana, gusto ko na munang umuwi sa'min." I hugged my bestfriend, hinakod ko ang likod nito.

"Shh...kung ando'n ang peace of mind para sa'yo, tatawag na ako sa inyo."

Malimit na lang kasi umuwi si Kych sa kanila, simula nung nagtrabaho sya sa Gusanagi, hindi na sya gano'n nakakauwi.

Hanggang sa maging mag-jowa sila, hindi naman din sya malayo kay Kurei dahil sa trabaho nilang dalawa, sila na kasi ang nahawak ng business ng Family ni Kurei.

Hinayaan ko lang na magpahinga muna si Kuch sa kwarto ko, lumabas ako para kausapin ni Kurei. Nadatnan ko sila ni Genesis na nag uusap.

Naptingin sila sa gawi ko, "Let her stay here, Kurei. Nagpapahinga sya sa guess room."

Napayuko ito, I feel bad for him. "Okay. Please, call me if something happen." Bahagya ko itong nginitian at tumango.

Nagpaalam na si Kurei sa amin bago umalis, napabuntong hininga ako at tamad na ibinagsak ang sarili sa sofa.

Ang aga ng ganito, sumasakit ang ulo ko.

"How are you? masakit ba?" Manuyo akong tumango rito.

"Then you should rest too," Ani nya tsaka patakbong pumunta ng kusina, nantiling kunot ang noo ko hanggang makabalik sya.

May dala dala itong tray, may carbonara and Iced tea. Napaayos ako ng upo nang ilapag nya ang plato sa desk.

"It's for you," nakangiting sambit.

Hindi na ako nag-atubili na tikman iyon, it's my favorite.

Too Loud to Love YouWhere stories live. Discover now