Chapter 11: Sick

72 2 0
                                    

[LUKE POV]

"Thank you sa comfort Luke.."

"Sige. Mauna na ako" binuksan ko na ang pinto ng kotse ko papasok na sana ako ng bigla iharap ako ni Stella sa kanya.

"Mahal pa rin kita Luke"

Lalo ako nagulat ng bigla niya ako halikan pero inalis ko kaagad. Bumalik na ako sa kotse ko at pinaandar na iyon.

Hays! Tama na Stella!

Huminto ako sa isang convience store at pumasok doon. Naghanap ako ng magazine na favorite niya, matagal na niya kasi gusto bilhin yun ang kaso wala siya sa budget. Dami kasi gastos sa school namin kaya naisipin ko na iregalo ito sa kanya.

Kinuha ko na ito, bumili pa ako ng mga pagkain na kakainin namin sa bahay niya at ibinigay na ito sa counter. Matapos mabayaran, bumalik na ako sa kotse at tinawagan si Aubree. Pero kanina ko pa siya tinatawagan at ayaw niya sagutin.

Bakit kaya ayaw niya sagutin?

Habang nagmamaneho ako sinusubukan ko pa rin siya tawagan baka sakali masagot niya. Baka kasi natulog lang nung hinatid ko siya kanina.

It's already 4:15pm. Pero ito nasa Taguig pa rin ako. Pag ganito oras kasi dapat nasa bahay ako ni Stella, siya lang kasi mag-isa dun at ayaw niya maiwan mag-isa kaya nagpagdesisyunan namin na lagi ako pupunta doon.

Wait babe. Punta ako dyan.

I texted her pero wala siya reply. Kaya tinawagan ko ulit at doon na ako kinabahan.

"Sophie, kasama mo ba si Aubree?" Sabi ko sa linya

"What? No. Nandito ako sa mall. Kanina ko pa nga tinatawagan yun wala pa rin respond" inis na sabi nito.

"Sige thank you..."

"Teka? Bakit? Di ba kayo magkasama?"

"Sorry...hinatid ko na siya sa bahay niya"

"Sige puntahan ko na lang siya doon"

"Thanks Sophie" then call ended

Naisipan ko itabi ang kotse dahil ang lalim ng iniisip ko hindi ko kaya na magmaneho na ganito ako, di mapalagay. Kung sakali wala siya sa bahay, saan naman kaya siya pupunta? Saan siya pwede pumunta?

Jake.

Agad agad ko dinial ang number ng pinsan ko. Buti naman sinagot agad.

"Hey..." sabi ko agad

"Oh bakit insan?"

"Kasama mo ba si Aubree?"

"Ay shit! Nakalimutan ko...Sorry kuya" taranta nito sabi.

"What do you mean?"

"Kasama ko siya kanina ang kaso bumaba siya sa kotse at may pupuntahan. Dapat nga kokontakin na ko nun..."

"Bakit ba kasi sinama mo pa siya? At bakit ba kasi pinayagan mo bumaba ng hindi ka man lang kasama? Paano kung may mangyari masama sa kanya ha? Ha?"

"Sorry na insan. Teka tatawagan ko.."

"Kanina ko pa siya tinatawag wala respond. Teka! Saan ba siya bumaba?"

"Sa...sa...parang hospital yung binabaan niya eh. Babalikan ko siya dun kuya.."

"Saan ba kayo?"

"Nasa Taguig kami... tatawaga ko ulit siya. Bye" then call ended

Pinaharurot ko agad agad papunta sa sinasabi niya hospital pero teka? Nasa Taguig sila? Then Hospital? Baka? No no way!

He DiedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon