Chapter 26

59 3 1
                                    


Third Person.

"Teka! Aubree! Saan ka pupunta?" hingal na hingal na si Sophie sa kakahabol kay Aubree na kanina pa tumatakbo kakahanap kay Luke dahil paggising nito ay wala na sa tabi niya si Luke.

Alalang-alala si Aubree ng di niya makita sa tabi si Luke at maski sa tawag di siya macontact. Kinakabahan siya na baka kung ano na nangyari sa kanya na baka magkatotoo yung panaginip niya tungkol kay Luke.

Ayaw niya mawala si Luke

Mangiyak-iyak na si Aubree kakahanap kay Luke, ayaw niya magiskandalo sa kalsada pero mukhang nagagawa na niya dahil sa kaba at takot na nananaig sa puso't isip niya.

"Tekaaaa!" panay pa rin takbo si Sophie. Pinipilit niya maabutan si Aubree para pigilan ito sa paghahanap kay Luke.

Hindi alam ni Sophie kung bakit siya sumunod kay Luke. Hindi niya alam kung bakit ganon ang inaakto ng binata. Gulong-gulo din siya tulad ni Aubree. Lalong di pa pinaliwanag ni Luke ang balak niya.

Huminto si Aubree sabay harap kay Sophie "Sophie! San si Luke?!" mangiyak-iyak na ito.

Nang maabutan na niya si Aubree ay kinuha muna niya ang kanyang hininga baka kasi ikamatay niya ito. Mahina pa naman siya sa takbuhan.

Nang maayos na si Sophie ay nagsalita na ito. "Nakakainis ka alam mo ba yun?! Ako na bahala kay Luke bumalik na tayo sa bahay mo"

"Hindi! Hindi, kinakabahan ako Sophie. Nasaan ba siya?!" inalog-alog niya si Sophie para umamin ito.

"Kalma girl, safe siya. Trust me" ngumti siya pero may halong kaba din. Parehas sila ng nararamdaman.

"Paano kung hindi? Paano kung totoo yung napanaginipan ko? Sophie! Paano?" halos napapasigaw na ito sa kaba.

"Aubree, just trust me please" pinipilit pa rin ni Sophie ngumiti para lang kumalma ang kanyang kaibigan.

"Uwi muna tayo" sabay tango ni Aubree.

----

"Kain ka na Aubree. Sige na" malungkot na sabi ni Sophie.

Kanina pa sila nasa coffee shop pero hanggang ngayon ayaw pa rin kumain ni Aubree, wala pa rin siya sa katinuan. Nababaliw na siya sa sobrang pag-aalala kay Luke.

Bigla na lamang umiyak si Aubree habang kinakain na ang cupcake.

"Kumain ka nga, pero umiiyak ka naman. Aubree.." napahinto na lamang si Sophie ng mas lalong umiiyak pa ang kaibigan niya.

Umalis ito sa kinauupuan niya at hinagkan si Aubree.

"Don't worry. Just trust me like a sister.." pati si Sophie napapaiyak din sa nakikita niya.

Luke? Nasaan ka ba? Ano ba pinaggagawa mo sa kapatid/kaibigan ko?

Bulong sa sarili ni Sophie. Ilang oras din niya dinamayan si Aubree sa nararamdaman nito.

----

"Talaga? Sige sige" ngiting-ngiti si Aubree ng ibaba niya ang tawag galing sa kanyang kaibigan.

Saglit na nawala ang kanyang pag-aalala kay Luke ng malibang niya ang sarili niya sa tulong ni Sophie at mas lalo nawala sa isip niya ng bigla tumawag sa kanya ang kaibigan niya na nasa Taguig, si Celine.

"Pupunta tayo Taguig? Seryoso ka?" gulat na sabi ni Sophie halos mabuga na niya ang kinakain nito.

"Oo. Bonding ulit kay Celine. Sige na Sophie. Samahan mo ko" ngisi sabi ni Aubree habang nagmamakaawa.

Natatakot si Sophie sa mangyayari, alam niya na sa Taguig tinatago ni Stella ang mama nila. Natatakot siya dahil baka makita ni Aubree ang lahat at baka ito ang ayaw malaman ni Luke. Kaya nais niya gumawa ng paraan.

He DiedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon