Roni's POVIt's been 4 years since borj and I broke up. I discovered that there was going on between him and Sarah more than just a friendship. I thought he really loved me, but it's all a lie.
Masakit.
Masakit dahil mahal na mahal ko siya kaya hindi ko maimagine, kung bakit nagawa niya pa akong lokohin. Halos lahat naman sinakripisyo ko.
I just heard that Sarah and Borj went to New Zealand.
Yeah, After I broke up with him he went to New Zealand with Sarah.
I don't know why?
Pero isa lang ang nasa isip ko. They are happily living there together.
Hindi ko alam kung bakit sa loob ng apat na taong nakalipas na pinapadala ko ang annulment papers para papirmahan sa kanya ay ni isa walang nakabalik.
Mahirap maging mommy and daddy para kay Matteo, pero lahat nang 'yon kinakaya ko para sa kanya. Alam kong darating yung araw na hananapin ni Matteo ang daddy niya at hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa kanya kapag nagtanong siya sa akin about Borj.
Araw-araw akong nahingi ng tawad sa anak ko dahil hindi ko nagawa ang isang bagay na dapat para sa kanya. Iyon ay ang mabigyan siya ng masaya at buong pamilya.
Ginawa ko naman na ang lahat para lang mabuo ang pamilya na pinapangarap ko kasama si Borj, siguro hanggang doon na lang talaga ang meron sa aming dalawa.
I will admit that until now the pain in my heart is still here.
Kahit nandito pa rin yung pain, hindi ko naman nakakalimutang maging masaya dahil na rin siguro sa tulong nila mommy at ng barkada.
Hiwalay man kami ni Borj lagi naman nandyan sina Lola seling at Lolo miyong para kamustahin kami ni Matteo.
"Lalim niyan ha?" napalingon naman ako sa likuran ko at napangiti ako nang makita ko kung sino ito. "Ano ba 'yang iniisip mo at kanina ka pa tulala? Malayo pa lang ako, tanaw ko na 'yang pagkatulala mo dyan?" nakangiting sabi pa nito.
"Ah wala naman." naiilang kong sagot.
"Sure ka?" natatawa nitong tanong sa akin.
"O-Oo." sagot ko sabay iwas ng tingin.
Kung yelo lang ako, siguro kanina pa ako tunaw sa mainit na titig niya.
"Okay, sabi mo e."
"B-Bakit ka nga pala nandito? May klase ka pa di'ba?" kunot noo kong tanong dito at tinignan ko ng maigi ang mukha nito.
"Maaga natapos class ko sa Biochemistry e. Ikaw? Anong ginagawa mo dito sa tabi ng puno?"
"W-Wala nagpapahangin lang." tinignan ko pa ito at kita ko ang matamis niyang ngiti.
"Baka naman matunaw ako n'yan Jimenez." napairap naman ako sa kawalan ng banggitin niya na naman ang 'Jimenez'.
Trip na trip niya talaga akong tawagin sa apleyido ni Borj.
"Oh? Magsusungit ka na naman?" natatawa nito akong tinignan at ginulo ang buhok ko.
"Eh kasi naman ho. Ang dami-dami mong ipang-aasar sa akin. Bakit pa yung last name ng husband ko!" bulyaw ko sa kanya.
"Bakit ba ayaw mo? Eh bagay naman sa'yo ang apelyido na 'yon? Mrs. Ronalisa Salcedo Jimenez!" napaiwas ako ng tingin at napangiti ako sa sinabi niya.
"Isa pa!" natatawa naman itong napakamot sa braso dahil sa pagpalo ko sa braso niya.
BINABASA MO ANG
The Unconditional Love Book 2: Through the Years [COMPLETED]
ParanormalSequel of "The Unconditional Love" This story is all about a married couple who have pure love for each other. But one thing will destroy their relationship... How far and when will they fight for the love they have for each other? Mabubuo at maayos...