11.

724 37 10
                                    



Roni's POV

Today is borj's birthday...

Ang saya ko sana ngayong araw ng birthday kaso hindi pa din talaga ako kinikibo ni borj.

Nandito lang ako sa kwarto nagmumukmok habang sila busy sa pag aasikaso sa baba. Even matteo busy sa pakikipaglaro sa pet niya. Kaya mag-isa lang ako dito sa kwarto at nakahiga.

Napalingon ako sa pinto ng makita ko mula doon si mommy na nakasilip at malungkot akong tinitignan.

"Hindi ka ba pupunta sa baba para samahan si borj mag celebrate?" aniya.

"Hindi na po mommy. Mukhang hindi naman na niya ako kailangan doon.." malungkotng sabi.

"Hindi pa rin ba kayo nagkakausap?" tanong nito. Naramdaman ko namang hinawakan nito ang tiyan ko.

"Paano naman po kami mag-uusap sa tuwing mag aattempt akong kausapin siya iniiwasan niya ako." nangingilid luha kong sabi.

"Ano ba kasi pinag-awayan niyo?" usisa nito.

"Eh kasi po si borj tuwang-tuwa pa na naasar ako nung time na hinatid niya ako sa school dahil pinagpapantasyahan siya ng mga girl students." paliwanag ko.

"Yun lang? Yun lang kinagalit ni borj??" tanong nito.

"Nagalit siya mommy nung nakita ko siya nun sa labas ng school nung uwian namin then di ko siya pinansin.." dagdag na sabi ko pa.

"Roni, maliit na bagay lang 'yang pinag-awayan niyo. Pinalaki niyo pa ng ganyan.." naramdaman ko namag may tumulo ng luha sa pismgi ko.

"Hindi ko alam mommy. Nasasaktan ako sa tuwing dadaanan lang ako ni borj. Para akong hangin lang dito. Kahit tapunan man lang niya ako ng tingin hindi niya magawa." umiiyak kong sabi.

"Don't worry everything will be alright." I smiled at her. Hinawakan ako ni mommy sa mukha at pinunasan ang mga luhang pumatak sa pisngi ko. "Bababa na ako dun. Sure ka ba na ayaw mo bumaba?"

"Hindi na po mommy. Medyo masama na rin po kasi ang pakiramdam ko." matamlay kong sabi.

"Bakit? Anong nararamdaman mo?" nag aalalang tanong nito.

"Nahihilo lang po ako. Mommy pasensya na po kayo. Pwede po bang iwan niyo po muna ako?" pakiusap ko dito. Nginitian naman niya ako.

"Okay, anak. If you need someone to talk? Nandito lang si mommy, okay?" nakangiti naman akong tumango sa kanya. Tumayo na ito mula sa kama.

Pinagmasdan ko pa si mommy hanggang sa makalabas ito ng kwarto namin.

Agad naman akong tumayo at lumuhod para silipin sa ilalim ng kama namin ang regalo na tinago ko dun para sana kay borj.

Inabot ko ito at bumalik ulit sa pagkakahiga sa kama. Tinitigan ko lang ito at iniisip kung ibibigay ko ba ito or hindi.

Dahil sa nahihilo ako kanina pa minabuti ko na lang na mahiga at magpahinga mag-isa dito sa kwarto.

Borj's POV

Masaya akong nakikipagkwentuhan sa barkada habang ang isip ko lumilipad dahil kay roni. Iniisip ko kung okay lang ba siya kasi nandun lang siya sa kwarto mag-isa.

Naiinis ako sa sarili ko kung bakit ko siya natitiis ngayon. Kahit madalas naririnig konsiya sa gabi na umiiyak.

Miss na miss ko na yung mga lambing niya sa akin..

Sa buong maghapon na ginanap ang birthday ko hindi man lang nagpakita si roni. Sa katunayan hinahanap siya sa akin ng mga bisita lalo na sina lolo at lola pati na ang barkada.

The Unconditional Love Book 2: Through the Years [COMPLETED]Where stories live. Discover now