04

4 0 0
                                    

Sam is a brave man. He's never afraid of stepping out from his shell and trying new things. Siya itong laging gusto ng bagong experience. Siya ang laging willing to take risk. Kahit na hindi sigurado ang kinalalabasan ay handa siyang sumubok. Kabaligtaran sakin. I always prefer to be inside my comfort zone. I don't like taking risks. I don't like risking my sanity. 

We started as friends and he developed special feelings for me as time passes. And when he's sure about his feelings, he confessed. 

It's whirlwind. 

Marami akong what ifs nong panahong iyon. At ayokong sirain ang pagkakaibigan namin. Paano nalang kung maghiwalay kami? Awkward iyon masyado. Lalo na at sa iisang bubong kami nakatira. Takot akong manibago sa pakikitungo niya sakin. But his perseverance and sincerity won my heart. Kaya pala niyang lamangan ang friend material. Alam ko na mabait siya, pero mas may ibabait pa pala. Sweet na rin siya simula palang noong una pero nadadagdagan pa iyon nong naging kami na. He is extra. And he makes sure that I'll never forget his feelings for me.

Siguro gusto ko na rin siya noon pero hindi ko lang nabigyan ng pansin. Nakatago lang sa ilalim ng puso ko. Hindi pala talaga natin kayang kontrolin ang ating damdamin. 

He's my risk. He's my trill. 

Minahal ko siya noong nanliligaw palang siya at minahal pa noong naging kami na. Mas lumalim ang pagmamahal ko sa kaniya habang tumatakbo kami kasama ng oras at panahon.

Palalim nang palalim hanggang sa nalunod na nga ng tuluyan.

Naging pahingahan namin ang isa't isa. Kasama sa lungkot at saya. Kasamang manood ng pelikula, kumain ng sorbetes. Kasamang mamili. Kasama namin ang isa't isa palagi. Naging sandigan ang isa't isa.

Marami kaming pinag-awayan pero nalampasan rin namin iyon. Siguro dahil kilala na namin ang isa't isa. We are willing to adjust to each other. 

But our fourear relationship ended in an instant. 

Ayoko nang balikan ang alaalang iyon pero hanggang ngayon ay masakit pa rin. Years have passed but the wound never made it as a scar. It's still freshly carved.

He is my everything but I ruined him.

Hindi naman lahat ng nang-iwan ay hindi nasasaktan. It killed me when I saw him begging. It killed me when he almost jumped off the bridge. It killed me when I saw his tears flowing.

Alam kong malaking pala-isipan sa kaniya ang biglaang pagkaputol ng relasyon namin. Alam kong karapatan niyang malaman ang dahilan. Pero alam kong hindi ko kayang sabihin sa kaniya ng isang bagsak lang.

Kailangan ko ng maraming oras. Kailangan ko ng maraming panahon. Kailangan ko ng maraming lakas ng loob. Marami.

"Nagkabalikan na kayo?" Tanong ni Debbie. Hindi na ako nagulat kung bakit niya nalaman. Bago kami maging magkaibigan ay kapatid niya muna si Sam.

Uminom ako ng beer mula sa bote. Gumihit ang pinaghalong lamig at init nito sa lalamunan ko.

Today is Debbie's day off. Nasa balcony lang kami ng apartment at nililibang ang sarili. Buhay na buhay ang mga ilaw.

"Hindi ko ba siya masisira ulit?" I asked while staring at the bubbles going up and disappearing inside the bottle.

Namayani ang katahimikan sa aming dalawa. Open question. Oo o hindi ang sagot.

"Nasa iyo iyan. Sisirain mo ba siya ulit?"

Debbie's question lingered. Hindi sa hindi ko alam ang sagot. 

I drank from my bottle.

Nagdududa ako sa sarili ko. Hindi ko siya sisirain ulit, pero malaking epekto sa aming dalawa ang mga sekretong nakalibing sa ilalim ng puso ko. Alam ko namang darating ang panahon na malalaman niya iyon. But not now. I can't break him again.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 24 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Young and Wild: Samuel DeanWhere stories live. Discover now