Chapter 4

3 0 0
                                    

Maricar's P.o.V


"Baguhin mo 'yang number 3 mo!" Inis kong sabi sa kaniya.


"Ayoko nga! Kailangan natin 'yan. Ako nga 'di nagreklamo sa number 6 mo!"


"Bakit may sinabi ba akong 'wag ka magreklamo? Bastaaaa palitan mo 'yan!"


"Tanga ka ba?! 'Pag hindi tayo nagpakita ng affection sa isa't isa magtataka 'yung anim na 'yun!" Inis nitong sambit sa'kin.


Natahimik naman ako. Wala pang nagsabi sa'kin ng gano'n. Ni magulang ko hindi ako sinabihan ng tanga tapos sa kanya ko lang maririnig 'yun? Hindi ko napansin na kumawala 'yung luha ko kaya agad kong pinunasan. "Wag na kasi 'yang do's and dont's. Sampung rules nalang." Pagsuggest ko at tahimik siyang tumango.


"Sige sampung rules."


Nagsimula na ulit ako mag-isip ng puwedeng rules at napansin kong seryoso rin siya sa pag-iisip.


Mga kalahating oras din ang tinagal bago kami nagkaintindihan sa rules naming dalawa.


10 rules of Jimin and Maricar's pretend.


1. Showing affections in public is a must: Hugging, holding hands and kisses.

2. Bawal makipagusap sa ibang lalaki si Maricar, as well as Jimin bawal rin makipagusap sa ibang babae.

3. Update each other everytime!

4. Should date twice a week.

5. Hatid sundo ni Jimin si Maricar.

6. Never interfere or ask any personal questions.

7. Make it real in people's eye and especially to the six guys.

8. Never get caught.

9. Have fun pretending.

10. Don't ever let yourself fall in love.


These are the rules that needs to be followed, once you break one of these rules, one will taste hell. At sa oras na matapos ang isang buwan na pagpapanggap. Kailangan kalimutan lahat ng pinagsamahan at bumalik sa kanya kanyang buhay.


Nang mapagkasunduan na namin pareho ang rules, pareho kaming natahimik ulit at nakatingin pareho sa malayo. Seryoso na pala talaga 'to.


"I'll start courting you on monday. 'Yun kasi ang sabi ni Namjoon." Biglang salita ni Jimin kaya napatingin ako sa kanya at nakita kong nasa malayo pa rin ang tingin niya.


"Okay."


"Let's discuss tungkol sa pretend natin. I'll tell you simple facts about me. I'm Jimin Rodeo Park, alam mo naman na siguro 'yan. Sinigaw mo pa nga. I like joing contest, events dahil gusto ko ang pagkanta at pagsayaw. Kilala ako bilang malandi? I don't know why. Kaibigan ko rin si Elly, magkaibigan kasi ang tatay naming tatlo ni Namjoon."

A Dare That I KnewWhere stories live. Discover now