Chapter 6

9 0 1
                                    

Jimin's P.o.V


Nasa practice room kami ngayon at nagp-practice ng lumang sayaw namin. Ewan ko ba kay Namjoon at naisipang sayawin daw namin sa magaganap na event sa school ang choreo namin sa blanket kick, just one day at i need you.


"Dali. tatlong oras pa tayo magtatagal dito." Paga-anunsyo ni Hoseok. Tangina, tatlong oras pa? Eh kanina pa kami ritong 6 am. 'Pag talaga si Hoseok ang namumuno lalo na 'pag usapang may event or competition, grabe kung maging strikto sa'min. Pero ayos lang naman, It always gives us a perfect results.


"Ayoko na!" Sigaw ni Jeongguk at humiga sa sahig.


"Oo nga. Ayoko na! Ano ba kasing event 'yan at kailangan praktisadong praktisado tayo?" Tanong ko habang nakatingin kay Namjoon.


Tinawanan niya lang kaming anim, "Wala naman talagang event. Nanghingi lang ng favor ang principal na mag-perform tayo para sa monday." Sagot niya habang nagpupunas ng pawis.


"Tsk. At pumayag ka talaga? 'Di man lang nagtanong kung gusto namin." Biglang sabat ni Yoongi.


"Hayaan niyo na. Ngayon lang naman nanghingi ng favor 'yun." Natatawa ani ni Nj kay Yoongi 'tsa inabutan ng bottled water.




"Yesssss natapos din!" Sigaw ni Jungkook.


Napaupo nalang ako sa sahig dahil sa pagod at dahil rin sa hinihingal ako. Putsa. Pagod na talaga ako. Gusto ko nalang mahilata sa kama at matulog.


Napatingin naman ako sa wall clock, at nakitang ilang minuto nalang din dismissal na ng klase. Bigla ko tuloy naalala si Rica. Hindi ko man lang nakita dahil sa sobrang pagka-focus namin mag-practice. Masyado rin mahigpit itong si Nj at Hoseok at bawal raw muna gumamit ng phone hangga't hindi pa kami tapos.


Tumayo ako at kinuha 'yung towel ko 'tsaka dumaretso sa shower room. Kailangan ko maligo dahil basang-basa na ako ng pawis.


Pagkatapos ko maligo ay agad akong nagbihis at inayos gamit ko. Sana hindi pa umaalis si Rica para mahatid ko pauwi. Pero okay lang din naman sigurong hindi dahil alam ko nagsasabay naman sila minsan ni Darylle o kaya nung kapatid niya.


"Ano tapos na ba kayo lahat? Sabay-sabay na tayo lumabas ng school." Tanong ko sa kanila. At tumango naman sila lahat.


Habang naglalakad kami papuntang corridor, maraming nagtatakbuhan na estudyante.


"Anong meron?" Tanong ni Taehyung at may hinigit siyang isang babae. "Miss bakit nagtatakbuhan kayo?"


"A-ah eh.. Si Maricar at Darylle binubully nila Stacey at pinagtulungan nila." sagot ng babae na halatang kinakabahan kay Taehyung.


"Thanks." At ngumiti si Taehyung.


"Tara na, Marycris. Subukan natin pigilan 'yang step sister mong bruha!" At hinila siya ng kasama niyang babae.

A Dare That I KnewWhere stories live. Discover now