ᴄʜᴀᴘᴛᴇʀ 28: ᴇʟɪᴢᴀ's ᴘᴀɪɴ

59 7 0
                                    

Z̆̈ĕ̈ă̈n̆̈'s̆̈ p̆̈ŏ̈v̆̈

Lumipas panga ang ilang lingo at halos naging ok na ako bumalik ang lahat sa dati at walang nagbago maliban sa isa kay Eliza mula ng bumalik ako dito napansin ko na lagi na lang syang nagagalit sakin hindi ko sya maintindihan pero unang punta ko pa lang dito galit na sya hindi nya pinapakita yun pero nahahalata ko sa kanya na parang ayaw nya na andito ako naglalakad ako papunta sa kusina ng makasalubong ko sya "hi eliza... Magandang umaga" bati ko sa kanya umirap lang sya at naglakad na paakyat

Agd ko syang hinabol "eliza sandali... Pwede ba tayong mag usap?" Tanong ko sa kanya "ano bang pag uusapan natin zean?" Tanong nya sakin huminga ako ng malalim "kasi napapansin ko na parang may problema ka sakin ano ba yun?" Tanong ko sa kanya pero tiningnan nya lang ako "wala" maigsing saad nya lalakad na sana ulit sya ng hawakan ko sya sa kamay "eliza... Kung may problema ka pwede mo naman sabihin sakin eh" saad ko sa kanya iwinaksi nya ang kamay ko

"Gusto mong malaman ang problema ko? Ikaw... Ikaw zean ang problema ko" saad nya dahilan para tingnan ko sya "dumating ka dito sa mansion para bigyan hustisya si emely pero anong nangyare? Andito ka pa din sa harapan ko" saad nya "buhay ka..." Saad nya "ano bang kasalanan ko? Wala naman akong kinalaman sa pagkawala ni emely ehhh" saad ko sa kanya huminga ako ng malalim "eliza bata lang ako... Hindi ko nga alam na ganun ang ginawa ng tatay ko kay emely ehhh nagulat na lang ako na bigla kayong dumating sa buhay ko"

Saad ko sa kanya "kunwari kapa... Gusto mo din naman lahat ng nangyayare diba? Kase umaayon sayo lahat..." Saad nya umiling ako "eliza hindi ko alam... Ano ba kasi talagang ginawa ko?" Tanong ko sa kanya "dahil sa tatay mo hindi ko na mayayakap si emely dahil sa ginawa ng ama mo hindi ko na makikita pang muli ang maamo nyang mukha at dahil sa ginawa ng demonyo mong ama hindi ko na maririnig pang muli ang tawa ng anak ko" saad nya dahilan para magulat ako

"A-ano??" Tanong ko sa kanya kita ko ang paglandas ng luha sa pisngi nya "ako ang ina ni emely zean... Pinagkait nyo sakin na marinig man lang na tawagin nya akong mama na mayakap ko sya bilang isang ina" saad nya parang kumirot naman ang dib dib ko "akala ko makakamit ko na ang hustisya ng pagkamatay ng anak ko pero hindi ehhh" saad nya umiling ako hinawakan ko sya sa pisngi nya "eliza... Wala akong kasalanan sa pagkawala nya... Nung namatay si tatay dun palang... Dun palang nakamit nyo na ang hustisya na nararapat para sa kanya " saad ko sa kanya inalis nya ang kamay ko

"Tingin mo sapat yun? Namatay yung anak ko ng hindi man lang nya ako kinikilala bilang ina" saad nya "nalulungkot ako para sayo... Pero Eliza hindi gugustuhin ni emely na magkaganan ka" saad ko ngumiti ako at hinawakan ko sya sa kamay nya "Sigurado ako na gugustuhin ni emely na mabuhay ka ng masaya at mahahanap mo yung sayang yun kapag natuto kang magpatawad..." Saad ko sa kanya hinawakan ko sya sa pisngi nya "eliza patawarin mo na ang tatay ko at ang sarili mo sa namgyare..."  Saad ko sa kanya umiling sya sakin at inalis ang kamay ko  "ganun kadaling sabihin sayo kasi hindi ikaw ang nawalan ng anak"  saad nya at naglakad paalis napaupo naman ako tumulo ang luha ko hindi ko akalain na ganun kahirap ang pinag daanan nya  na ganun kasakit ang nararamdaman nya...

Ĕ̈l̆̈ĭ̈z̆̈ă̈'s̆̈ p̆̈ŏ̈v̆̈

Nakaupo lang ako sa pinto ng kwarto ko habang yakap ang tuhod ko napaiyak na lang ako dahil sa nangyare

Nakaupo lang kami ni emely sa kama nya "eliza bakit wala akong mama?" Tanong nya pumikit naman ako para pigilan ang pag patak ng luha ko "kasi ms.emely ang mama mo nasa malayo sya" saad ko andito ako anak yakap yakap mo "eliza tingin mo ba mahal ako ng mama ko?" Tanong nya marahan naman akong tumango

"Oo naman ms.emely mahal na mahal ka ng mama mo higit pa sa buhay nya"  saad ko sa kanya tumulo naman ang luha nya "pero kung mahal nya ako nasaan sya? Bakit nya ako iniwan?" Tanong nya sakin tumulo ang luha ko dahil sa sinabi nya mahal ko andito ako sa tabi mo hindi ako nawala... Hindi kita iniwan. Kung maaari ko lang sabihin sayo ang lahat... Pero anak hindi pwede kapag sinabi ko sayo ang totoo ilalayo ka nila sakin hindi na kita makikita pang muli

Kaya mas ok na ganito... Hindi mo man alam na ako ang mama mo at least magkakasama pa tayo "eliza kilala mo ba ang mama ko?" Tanong nya sakin umiling naman ako... Ako anak... Ako ang iyong ina  "hindi..." Maigsing saad ko "sana kahit picture nya man lang meron ako "  saad ni emely na ikinadurog ng puso ko wala ng mas sasakit pa sa isang ina na hindi man lang matawag na mama ng sarili nyang anak.

Kung pwede lang bumalik sa nakaraan sana hindi na ako umalis sa tabi mo anak ko... Lumapit ako sa aking kama at kinuha ang larawan ni emely sa gilid ng kama ko nung nawala ka sumumpa ako sa puntod ko na ipaghihiganti kita kahit buhay ko ang maging kapalit...

Hindi ko matangap na ganun ang ikinamatay mo mahal ko. Kahit kailan hindi ko matatangap...

Pinunasan ko ang luha ko at lumabas ng kwarto ko nakita ko dun si zean na nakatayo   " what are you doing here?"  Tanong ko sa kanya tiningnan nya ako nagulat ako ng yakapin nya ako  "alam ko na mahirap para sayo na tangapin ang nangyare... At masakit yun para sayo" bulong nya habang nakayakap sakin "pero eliza gusto ko lang sabihin sayo na hindi gugustuhin ni Emely na makita kanv ganito" saad nya bakit hindi ko sya itulak? Kusang tumulo ang luha ko

"Gugustuhin ng mga taong nawala na na mabuhay ang mga naiwan nya na masaya..." Saad nya "kung andito si emely gugustuhin nyang makita kang nakangiti" saad nya "kung nagagalit ka dahil sa nangyare tatangapin ko lahat ng galit mo" hindi ako makagalaw ng maramdaman ang yakap ni zean sakin "emely" bulong ko ang yakap nya... Parang si emely

My Heartless HusbandWhere stories live. Discover now