ᴄʜᴀᴘᴛᴇʀ 34

53 5 0
                                    

K̆̈ĕ̈n̆̈z̆̈ŏ̈'s̆̈ p̆̈ŏ̈v̆̈

Nakatingin lang ako sa jar na may laman ng abo ni eliza "tingin mo si kenji ang pumatay kay eliza?" Tanong ni lawrence niyukom ko ang kamao ko "hindi ako sigurado... Pero kung sya nga talaga hindi ko sya mapapatawad. " saad ko una ang nanay ko... Pangalwa si zeke... At ngayun si eliza? Sino pa sa pinakamahalagang tao sa buhay ko ang kukunin nya?

Kaninong buhay pa ang mawawala? Ano ba talagang purpose ng mga ginagawa nya? Hindi naman ganito si kenji dati ehhh anong nangyare sa kanya?

••••••• flashback••••••••••

"Kuya... Look oh ang daming ants" saad ko habang nakatingin sa mga langam na nasa baba "bakit sila kumukuha ng pagkain sa baba kuya?" Tanong ko sa kanya ngumiti lang sya "para may ipakain sya sa reyna" saad nya tiningnan ko sya "reyna?" Tanong ko sa kanya

"Ang reyna ang pinagsisilbihan nila... Parang si mama..." Saad nya tumango naman ako "nanganganak din ba ang reyna nila kuya?" Tanong ko tumango naman sya "oo naman... Kasi yun ang purpose ng reyna... Ang magpadami ng lahi nya" saad nya ngumuso naman ako "kapag ba pinatay ko yung langam magagalit sakin yung reyna kuya?" Tanong ko sa kanya ngumiti lamg sya "iiyak ang reyna kenzo... Kapag namatay ang anak nya iiyak sya " saad nya "ikaw kuya kapag ba namatay ako or si mama iiyak ka?" Tanong ko sa kanya pero hindi sya sumagot napatingin kami sa paglapit ni mama

"Mama..." Sigaw ko at tumakbo palapit sa kanya "uya" maigsing saad ni zeke... Ang bunso namin isang taon pa lang sya "kuya kenji tingnan mo kakulay nya ang mata ni mama... Parehong pareho sila" saad ko napangiti ako ng hawakan ni zeke ang daliri ko ganun din si kuya kenji "uya..." Saad nya tiningnan ko naman si kuya na nakatingin lang kay zeke habang nakangiti "pangako ko sa inyong dalawa... Poprotektahan ko kayo at iingatan... Kahit kapalit nun ay ang buhay ko" saad nya hindi ko sya maintindihan

•••••••••••  end of flashback ••••••

Kung hindi ako nagkakamali... 14 years na ang nakalipas mula ng patayin ni kenji ang mama namin... Si papa naman pinatawad si kenji ng ganun kadali... At nakapag asawa ng bago.... Tapos ang asawa nya gustong makuha ang kayamanan na iniwan ni mama kay zeke... Na hindi ko hahayaang mapunta sa kanila kahit buhay ko ang kapalit iingatan ko ang natitirang kayamanan ni mama

Z̆̈ĕ̈ă̈n̆̈'s̆̈ p̆̈ŏ̈v̆̈

Huminga ako ng malalim bago pumasok sa school kaya ko to... Pagpasok ko pa lang sa room "zean..." Bati ni holiday sakin ngumiti ako at naupo sa tabi nya... Kahit anong mangyare dapat walang magbago sa pagkakaibigan nyo "so kamusta ang weekends mo!?" Tanong nya ngumiti lang ako "ok lang... Masaya kasi nakakasama ko na si nanay" saad ko habang nakangiti

Ang totoo malungkot ang weekends ko kasi hindi ko nakikita si yohan... Hindi ko man lang sya nakakausap. Hindi nagtagal ay nagsimula na ang clase namin mag dadrawing lang naman kami ulit... Huminga ako ng malalim at sinimulan ang pag guhit

Kahit naman anong gawin ko... Wala ng magbabago ehh si holiday na ang kasama ni yohan ngayun at si holiday din ang first love ni yohan kaya wala akong magagawa kundi ang hayaan na lang silang maging masaya... Nakakalungkot lang pero wala na naman akong magagawa... Kundi ang maging masaya para sa kanila kahit masakit... "Hayyyyy" gusto ko ng yakapin si yohan...

ʏᴏʜᴀɴ ᴍᴀʜᴀʟ ᴋɪᴛᴀ...

"Gah..." Biglang saad ko ng maalala ko na sinabi ko kay yohan ang nararamdaman ko nung araw na sinaksak ko ang sarili ko sa harapan nya "GAHHHHHHHHH" Sigaw ko dahilan para pagtinginan ako "mr. Garcia may problema ba?" Tanong ng teacher namin awkward naman akong ngumiti "wala po sir sorry po"

Pinag patuloy ko ang ginagawa ko... Nakakahiya ka.zean... Matapos kong mag drawing pinasa agad namin yun umubob naman ako sa desk ko "sure kang yun ang ipapasa mo?" Tanong nya marahan naman akong tumango habang naka subsob ang ulo ko sa desk "o-ok... Pero dapat yata ihanda mo na legal guardian mo" saad nya hindi ko naman sya maintindihan "bakit?" Tanong ko sa kanya

"Zean garcia pinapatawag ka sa deans office" saad ng isang teacher tumayo naman ako "padalwang beses na to ahhh" saad ko baka tangalin na nila ako huminga ako ng malalim "good luck zean" saad nya tumango naman ako para kong zombie na naglalakad papunta sa deans office...

Ng makarating ako sa office "zean siguro naman may idea ka kung bakit ka namin pinatawag" saad ng dean umiling naman ako "wala po" saad ko huminga ng malalim ang teacher namin "ijo kung may problema ka pwede mo akong kausapin hindi yung dinadala mo sa school nawawalan ka ng focus nak" saad nya tama naman sya nawawala ako sa focus dahil kay yohan binigay sakin ni maam ang sketch ko "hindi na ako natutuwa zean" saad nya kinuha ko yun at tiningnan

"EHHHHHHHHHHHH" Sigaw ko ng makita ang nasa drawing nanaman?

As usual pinatawag ni sir.principle ang legal guradian ko naghihintay lamg ako sa labas ng office habang kinakausap ni yohan ang mga guro sa loob nakakahiya ka talaga zean... Hindi naman nagtagal ay lumabas na si yohan "pasensya na... Naabala tuloy kita" saad nya tumango lang sya at naglakad sumunod naman ako

"Anong napag usapan nyo?" Tanong ko "about you... As your punishment hindi ka nila papapasukin sa loob ng one week " saad nya "swerte pa din at hindi ako na kick out diba ?" Saad ko lalakad na sana ako paalis ng hilahin nya ako at isandal sa locker "aray" daing ko "y-yohan" nilapat nya ang ilong nya sa ilong ko "yohan..." Saad ko akma nyang ilalapit ang labi nya sa labi ko ng pigilan ko sya

"Yohan mali to... Bukod sa nasa school tayo ayokong masaktan ni holiday" saad ko umayos naman sya ng tayo "what do you mean?" Tanong nya sakin huminga ako ng malalim "si holiday ang first love mo hindi ba? At sigurado akong mahal ka nya" saad ko

"Ayokong masaktan ang damdamin nya dahil kaibigan ko sya yohan " saad ko "si holiday lang ang kaibigan na meron ako kaya hindi ko kayang saktan ang damdamin nya " saad ko huminga ako ng malalim "kaya nakikiusap ako. Kalimutan mo na ako" saad ko pinitik nya ako sa noo

"Holiday is yanna's only daughter" saad nya dahilan para tingnan ko sya "ha?" Tanong ko ngumiti naman sya "kung anak ni ate yanna si holiday... At si ate yanna ay kapatid mo... Si holiday ay..." Tiningnan ko sya marahan naman syang tumango "yup..." Napapikit naman ako sa kahihiyan bakit hindi sinabi sakin ni holiday na tyuhin nya si yohan? Baliw talaga sya...

My Heartless HusbandWhere stories live. Discover now