11

163 9 4
                                    

11: Thanks

Bumalik na ako sa room at nakitang kumakain si Max at Casey sa study table niya.

“Saan ka galing? kumain ka na?” tanong ni Max nang makita niya ako.

“Ah oo,” sagot ko. Lied again. Gutom na nga ako. Kaso wala akong dalang wallet eh.

“Okay na si Casey!”

Ngumiti lang ako tapos tumango bilang sagot. Hindi ko alam kung bakit. I was excited at first pero ngayon natatakot ako.

Natatakot akong masaktan.

Nong yinakap niya ako, doon ko napagtanto na gusto ko talaga siyang makasama. Iba na itong nararamdaman ko. Kung ipagpatuloy ko lahat ng mga na-search ko through internet baka hindi ko kayanin.

This is not just a happy crush anymore. I really  want to be with her.

Alam ko namang imposible.

“Matutulog na ako,” sabi ko.

Natulog nalang ako para tumigil ako kakaisip. Pero natapos nalang silang kumain at tumahimik na ang paligid tapos patay na ang mga ilaw hindi pa rin ako nakakatulog.

Napaupo ako at nagulat ako sandali dahil akala ko multo na ang nasa window seat, si Casey lang pala. She's still wearing her jacket and hugging a pillow.

Okay na ba siya?

Bumaba ako para sana pumunta ng banyo nang tawagin niya ako. Napasilip naman ako kay Max at tulog na ito.

“I’m sorry,” sabi niya nang makalapit ako sa kanya. Napaupo tuloy ako sa tabi niya.

“Bakit?” tanong ko.

“About earlier…”

“Ah okay lang ‘yon, busy si Max at available naman ako para samahan ka sa health center at alagaan ka. okay lang–”

“I mean sorry for hugging you…I’m sorry for pulling you closer to me.”

Natulala ako sandali.

‘Yon ba?

“I’m sorry. I know it upset you. I’m sorry. I didn't mean to…it's just I’m cold and…but still it was not right. I’m sorry.”

“Ah okay lang,” sagot ko.

“No you're mad. I know. I’m sorry. You can report me or–”

“Ayos lang talaga.”

“No–”

“Ayos lang.”

Umiwas na ako ng tingin nang tumahimik na siya. Naiinis ako.

“I’m sorry for making you feel uncomfortable. I can transfer to another room or dormitory.”

“Wag!”

Parehas kaming nagulat sandali sa sigaw ko. Tumingin ako kay Max at mabuti nalang hindi ko nagising.

“Hindi na kailangan,” sabi ko.

Iba naman kasi ang rason kung bakit malungkot ako. Naramdaman siguro nila kanina. Natatakot lang ako masaktan.

Natatakot pero tinutuloy ko pa rin naman.

“Do you want to have lunch with me tomorrow at school?”

Natigilan ako sandali sa tanong niya. Lumingon ako sa kanya at seryoso lang siyang nakatingin sa akin.

“Ah…hindi ba nakakahiya?”

“Anong nakakahiya?”

“Wala naman,” sagot ko. Kailangan ko na ba ‘tong sabihin sa mga kaibigan ko?

“Ah nahihiya ka sigurong malaman nila na kilala mo ako? Siguro, weird akong tao.”

“Ha? hindi ah…hindi.”

Natulala naman ako sandali sa pagtawa niya.

“Just kidding.”

“Sa lunch?”

Nagbibiro lang pala siya? I saw her smirked before answering.

“About the joke.” tapos tumawa ulit siya. Siguro hindi ko siya ma-gets dahil kinakabahan ako at kinikilig sa kanya.

Kung alam lang niya.

“Malapit na pala ang awit sayaw, kakanta ka ba ulit?” bigla kong tanong na hindi ko dapat itanong. Itong bibig ko talaga. Bakit kasi biglang napunta sa awit sayaw.

“You heard me sing before?”

“Ah good night,” sagot ko at tumayo na. Muntik pa akong madulas dahil sa slippers ko.

“Careful.”

Tumigil naman ako sa paglalakad nang mapagtanto kong may sakit pala siya tapos gusto niyang makipagsabay sa lunch? Humakbang ako paatras at humarap sa kanya.

“Yes po?” Rggh! bakit ang cute niya!

“Ah okay ka na ba?” tanong ko at nang makalapit ako sa kanya ay nilagay ko ang likuran ng palad ko sa noo niya.

“Saan ka ba napagod at nagkasakit ka.” Natigilan ako sandali nang magsalita ako. Ang feeling close ko naman. Kasi naman bakit ba bigla siyang nagkasakit?

“Sorry…”

Natigilan ako nang magsalita siya. Napatitig rin tuloy ako sa mga mata niya.

“Hmm?”

“It seems that I can't keep my hands to myself.”

Pagkatapos niyang sabihin iyon ay naramdaman ko ang kamay niya sa bewang ko at napagtanto ko kung gaano ako kalapit sa kanya ngayon.

Para akong naging yelo sa kinatatayuan ko. Hindi ko nga maibaba ang kamay ko. Nakadikit pa rin ito sa noo niya.

“Para po!”

Parehas kaming nagulat sa sigaw ni Max tapos natawa ng mahina.

“Someone's having a dream already.” Natatawa niyang sabi. Tumango ako bilang pagsangayon.

Pero pati rin yata ako nananaginip lang.

I mean how can I be this close to her?

Parang kailan lang tinutulak ako ng mga kaibigan ko para lang makuha atensyon niya.

“Hindi ka na mainit,” sabi ko. “Magaling.”

“Thanks to you.”


Captured by the beat (GXG)Where stories live. Discover now