Multo sa Dagat

347 6 0
                                    

"Multo sa Dagat"

"Hello mga ka-spookifiers, Happy Halloween.
Marahil hindi natin naiisip na mayroon rin palang mga ganitong uri sa dagat. Ang kwentong ito ay kahit matagal na ay sariwa pa rin.

Ang aking asawa ay isang mangingisda, Isang gabi sinamahan ko s'ya sa dagat. Tahimik na ang paligid no'n wala ng nag ni-night swimming nagsi-uwian na. Maya maya'y malayo na ang aming narating. Napag isip isip namin na magpahinga kaya naman kami'y humiga muna habang payapa ang dagat tanaw ang bituin sa langit nakakagaan talaga ng pakiramdam ang ganitong scenario. Ngunit ang payapang pakiramdam ay napalitan ng kaba habang paidlip na kami ng asawa ko. Ang asawa ko'y nakalingon sa left side, samantalang ako naman ay sa right side. Mga ilang segundo lang ang lumipas ay tila may isang babaeng dumungaw sa amin ng asawa ko, Wala s'yang mukha ang tanging suot n'ya ay  isang mahabang bistidang puti. Tulala ako sa mga sandaling iyon at tinatanong ang sarili ""papaano s'ya makakadungaw sa amin e mataas ang aming bangka at lagpas tao iyon""? Doon ko napagtanto na nakalutang s'ya matagal n'ya akong tinititigan, habang tinititigan ako ng multo ay dahan dahan kong ginalaw ang aking mga kamay sa likod para kalibitin ang asawa ko ngunit ang akala ng asawa ko ay tao kaya sinundan n'ya ito ngunit sa kabilang banda bigla na lamang ito naglaho na parang bula. Kaya naman napagdesisyunan namin ng asawa ko na bumalik na at para maka uwi na dali dali na n'yang pina andar ang makina, mabuti na lamang at naka uwi kaming ligtas.

Sa palagay ko po ang multong aming nakita ang sanhi ng kanyang kamatayan ay pagkalunod, at hindi matahimik ang kan'yang kaluluwa dahil sa sinapit n'ya sa dagat.

-Angie


📜Spookify
▪︎2023▪︎

[7] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora