Bagat

163 4 0
                                    

BAGAT 

Hello admin and to all avid readers of spookify! Good day! I just want to share this experienced of my mother and her sister  wayback high school palang sila noon. Nakatira sila mama noon sa bukid and malayo talaga sa paaralan kaya nilalakad pa nila pababa ng bundok kapag pupunta sa paaralan and also nilalakad din nila paakyat naman ulit sa bundok kapag pauwi na sila. One time hapon na nakauwi sila mama mga bandang 6pm na so medj madilim na iyon. Ginabi sila kasi hinintay pa ni mama ang kapatid niya kasi sabay sila umuuwi at dalawa lang sila non.. habang naglalakad sila parang may bumubulong kay mama na kumuha ng bato at bigla nalang din pumulot si mama ng mga bato... habang naglalakad sila biglang may humarang na malaking aso as in sa harapan nila at sa sobrang taranta nina mama binato nga niya gamit ng batong pinulot niya yong aso at biglang nagtago sa mga puno yong aso pero ramdam nina mama na nagmamasid parin ang aso sa kanila. Sa sobrang takot nina mama kasi ang babata pa nila noon halos ramdam nila ang pagtatayo ng mga balahibo nila at buhok pero hindi sila tumakbo at nagpatuloy lang sa paglalakad at ramdam talaga nila ang pagsusunod din ng aso sa kanila at bigla naisipan ni mama na mag galit galitan siya sa kanyang kapatid na babae na kung bakit daw antagal pa kanina kaya ginabi na sila ng uwi tapos nag drama si mama na may mga dala daw siyang garab ( pang gamit sa pag garden or ginagamit sa palayan) sa bag niya na ginamit niya sa paglilinis sa eskwelahan at di siya natatakot na isaksak yon sa kapatid niya na babae  sinabayan din siya ng kapatid niya na babae na meron din daw siyang garab na dala at di din siya natatakot sa ate niya. Habang nagdadrama silang nag aaway alam nilang nakikinig laang ang asong malaki na bumagat sa kanila. Nung makarating na sila malapit sa bahay nila doon na sila kumaripas ng takbong dalawa at sinumbong kay lola ang nangyare. Ang sabi daw ni lola ay yong nakasalubong daw nila na nag anyong aso ay ang kilalang aswang daw doon sa kanila at sabi pa nila kadadaan lang daw niya don sa bahay nila  at kaya nakasalubong daw nila mama kasi pauwi na daw iyon at sila ay tinakot. Hanggang dito na lamang muna ang aking kuwento. Maraming salamat sa mga bumasa neto.

-yanna20


📜Spookify
▪︎2023▪︎

[7] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Where stories live. Discover now