𝐃𝐑𝐔𝐍𝐊
YUIJI MOIRA VERDIN POV
“W-what?” Kitang kita ko ang pagkagulat at pagkainis sa mukha nito.
“Sabi ko MABAHO ka” Usal ko.
“Are you insulting me miss verdin?”
“H-hindi” Napakagat ako sa ibabang labi ko.
Napapitlag ako ng malakas niyang ipatong yong librong may mga picture ng ibat ibat gwapong lalake sa misa na gumawa ng malakas na tunog.
“Then..Care to explain paanong naging MABAHO yong M.B?!”
“E-eh kasi” Napalunok ako sa nakakamatay na tingin nito sa'kin. “M stand for MA and B stand for BAHO kaya kapag—”
“BULLSHIT!”
Napapikit ako, Galit nga siya!
“B-bakit kaba galit? Ako ngayong dapat magalit dito dahil sa ginawa mo kanina sa mga sinabi mo about kay ivan” Lakas loob kong sabi ko.
“Tks! Leave!!”
“Huh?”
“I said leave!”
“O-oo na!” At mabilis nga akong umalis.
Ang OA pwede namang sabihin na lang kong ano talaga yong ibig sabihin ng M.B pero nagalit agad?
Umalis na lang ako ng kwarto at dumeritso sa kusina para ipag luto yong mag kambal pero imbis na pagkain ang nakita ko ay isang mamahaling alak!
OH MY GOSH!
Matagal tagal na akong hindi nakakainom.
Kinuha ko ito at nagsalin sa baso. Wala namang masama kong uminom ako kahit isang baso lang? Diba? Diba?
Agad ko itong ininom at gumuhit ang mapait na lasa ng alak sa dila ko.
Shit! Ang sarap!
Dati nong hindi pa ako nakikidnapped ng bwes*t na 'yon lagi kaming nasa bar ni sabrina, my best friend.
Wait? Bakit ang bilis namang maubos yong isang baso ko?
Napailing na lang ako at nag salin ulit sa baso, last na 'to.
Ang sarap talaga!
Nang maubos ulit ay nag salin ulit ako, last na talaga ito promise!
Hanggang sa hindi ko na malayang nakakalahati ko na pala yong bote ng alak.
Nakaramdam na din ako ng hilo ng may marinig akong yapak ng tao papunta sa gawi ko kaya agad kong itinago sa likuran ko yong alak.
“Yuiji”
Mabilis ko itong nilingon at muntik ng matumba dahil sa hilo kong hindi lang ako nakahawak sa Isang upoan na malapit sa pwesto ko.
Shit!
“Oyy knight?” Medyo malabo na kasi yong paningin ko kaya hindi ako sure kong si knight ba ito pero dahil sa amoy niyang.. Mabango.
Alam kong si knight ito.
“Hindi ko alam pero ilang araw ko na itong nararamdaman, kakaiba.” Panimula nito.
Hala! Anong ibig niyang sabihin? May sakit ba siya?!
“Alam mo bang galit na galit ako—NO! Hindi pala ako galit. Selos na selos ako nong tinatanong mo Kong single si Ivan! Hindi ko alam kong bakit ko ito nararamdaman pero gusto Kong malaman mo yong totoong ako. Yong totoong KNIGHT QUANTUM” Humakba ito papalapit sa'kin. “I am a Mafia, A Mafia Boss moira..”
Natigilan ako.
“M-mafia boss?” Tumango ito sa tanong ko.
Titig na titig ito sa'kin na parang tinitimbang yong magiging reaksyon ko.
”Pftttt.... G*GO HAHAHA!!” Hindi ko alam pero bigla akong natawa.
Lasing na talaga ako!
“M-mafia boss? Ikaw? Hwag kang mag alala ako nga fairy galing sa mars HAHAHA” Tawang tawa talaga ako.
“What the?” Napatingin ito sa likuran ko at mukhang nakita niya yong alak “You're drunk? Seriously? Bakit ngayon pa?!”
Biglang tumunog yong cellphone nito kaya agad niya itong kinuha at tumalikod sa'kin.
Mafia boss daw HAHA!
“What?” Iritang usal ni knight.
Hala mukhang may ka video call siya.
“Yeah why?” umupo ito sa may misa at ipinatong yong cellphone sa lamisa kaharap niya.
Lumapit naman ako at pumunta sa likuran nito kaya nakita ko kong sino yong kausap nito.
Medyo luminaw na yong paningin ko.
Hala! Yong mga kaibigan niya yong kausap niya!
“HI!!!!!” Sigaw ko sa kanila at nag wave pa.
“Oyy hi miss verdin!”
“Hala bat nandyan 'yan boss?”
“HI EVERYON! M-MAFIA BOSS DAW SIYA HAHAHA! P-PAARANG TANGA LANG” peace sign pa ako.
Ang cute ko talaga!
“Pftt..” Pagpipigil ng tawa ng isa sa kanila.
“FUCK! SHUT UP!” Pilit nitong inaalis yong mukha ko.
Aray naman!
“Boss anyare d'yan?” tanong nong isa sa kanila.
“She's drunk” Usal nito at parang hiyang hiya sa mga nangyayari.
Tumayo naman ako ng maayos at lumayo sa kanya.
Ang sakit ng mukha ko dahil sa pagkakahawak niya!
Nag simula na akong maglakad paalis ng marinig ko itong magsalita.
“Hey!! We're are you going?!”
Sumigaw pala! tss!
“Lalayas! Babalik na akong mars!!” At pagiwang giwang na naglakad.
What? Pati ako hindi ko na din maintindihan pinag sasabi ko. Damn!
Lakad lang ako ng lakad hanggang sa marinig ko ulit itong sumigaw.
“Fuck! Wait!”
Huh? Sasama daw siya? Nilingon ko ito.
“SASAMA KA SA MARS? HWAG B-BAWAL MABAHO D-DON HAHAHA”
Hindi ko alam pero may pakiramdam ako na bukas pag sisisihan kong nagising pa ako.
END OF CHAPTER 31!
YOU ARE READING
Abducted By A Mafia Boss
Mystery / ThrillerKNIGHT QUANTUM (MAFIA BOSS SERIES ONE) UNDER EDITING!!