CHAPTER 42

2.1K 48 0
                                    

𝗠𝗔𝗙𝗜𝗔 𝗕𝗢𝗦𝗦

YUIJI MOIRA VERDIN POV

Tahimik 'kong dinidiligan ang mga halaman dito sa garden.

Pagkatapos namin kumain dumaretso agad ako dito.

“B-bakit niya ba sinabi 'yong ganon?” Tanong ko sa sarili ko.

Mas masarap daw ako?

“G-g*go ba siya?! Dapat hindi siya sinabi ang ganoong bagay! Na mi-misinterpret kasi ng tao!” maktol ko.

Nakakahiya kanina kay clark!

Nang matapos kong diligan ang mga halaman ay naupo ako sa upoang nasa gilid lang ng garden.

Huminga ako ng malalim at pinag masdan ang tanawin.

“Totoo kaya 'yong sinabi ni knight kanina? Na ako lang 'yong gusto niya?” mahinang bulong ko.

Pero mag gusto 'yong Tess na 'yon sa kan'ya! Kahit hindi sabihin ng babaing 'yon ramdam ko sa bawat tingin niya kay knight!

Kong totoo man 'yon eh ano naman ngayon yuiji? Bakit ka nagseselos eh wala namang kayo diba?

“Oo hinalikan ka niya! Umamin siya! Pero niligawan kaba? Hindi diba? So ano 'yong point mo? Bakit ka nagseselos wala namang kayo?!” Bulyaw ko sasarili.

Mahina kong sinabunutan ang sarili ko dahil sa Inis.

Baka parte lang 'to ng plano ni knight! Baka Hindi ka niya talaga mahal, nag sisinungaling lang siya sa'yo!

Napatayo ako at malakas na napabuntong hininga.

“Pero bakit nararamdaman kong totoo 'yong sinasabi niya? AYYSSS MABABALIW NA AKO!”

Nakaka stress kana knight ha!

Naupo ulit ako at pinag isipan ang mga sinabi sa'kin ni knight at ang mga ipinapakita nito sa'kin.

~

Lumipas ang ilang oras hindi ko namalayang inabutan na ako ng gabi dito sa pag iisip.

Napag pasyahan kong umalis na pero bago yon, pumitas muna ako ng isang piraso ng bulaklak.

“Pwede na 'to, Dito ko mapapatunayan kong mahal talaga ako ng lalaking 'yon” ngumiti ako at nagsimula ng maglakad.

Tinitigan ko ang bulaklak at sinimulang tanggalin ang isang piraso ng petal nito “He loves me” Usal ko.

Tinanggal ko ulit 'yong isa pa “He loves me not"

Habang nag lalakad pabalik sa mansyon iyon ang ginagawa ko.

“He loves me”

“He loves me not”

“He loves me”

“He love me not”

“He loves me”

“He loves me not” Natigilan ako sa paglalakad ng isang pirasong petal na lang ang natitira.

Napangiti ako bago dahang dahang tinanggal iyon.

“He love m—”

“BILIS HANAPIN NIYO SIYA!”

“G*GO BILISAN NIYONG HANAPIN 'YON, GALIT NA GALIT NA SI KNIGHT!”

Napatingin ako sa paligid at na pagtantong nagkakagulo ang lahat.

Napatingin ako sa mga kaibigan ni knight na nasa gilid at seryosong nag uusap.

Anong nangyayari? B-bakit nagtatakbohan 'yong mga tao?

Bigla akong nakaramdam ng takot ng makitang may mga baril sila at seryoso ang mga mukha.

“Sa may kwarto ng kapatid ni knight baka nandon” Rinig kong sabi ni Clark sa mga kaibigan niya

“Wala siya dun tinignan na namin”

“Nasaan naman kaya 'yon? Baka kinuha na ng mga kalaban” Sabi ni Andrew na nag paseryoso sa kanilang lahat.

“Tss pag nangyari 'yon kawawa naman sila, kinuha nila ang importanteng tao sa buhay ni knight hindi nila alam kong anong kayang gawin ng isang 'yon” Nakangising sabi ni David.

“Demonyo pag nagalit” Usal pa ni devor

Pero teka nga sino ba ang hinahanap nila? Sinong importanteng tao?

Nasa madilim na parte ako kaya hindi nila ako makita.

Naglakad ako palapit sa kanila.

“Anong n-nangyayari?” Kinakabahan kong tanong.

Sabay sabay silang tumingin sa'kin na may nanlalaking mata.

“Miss Verdin!” Sigaw ni Clark at hinawakan ang mag kabilang balikat ko.

“Ok ka lang? May nangyari ba sa'yo? Sino ang mga kumuha sa'yo?” Tanong nito at pinasadahan ako ng tingin tinitignan kong may galos ba ako o ano.

Pinag kunutan ko siya ng noo.

“Ok lang ako”

“Good! Patay talaga kami ni knight kapag may nangyari sa'yong masama” mas lalong nangunot ang noo ko.

Ano bang nangyayari?!

“Saan kaba galing?” Pag singit ni devor

“Sa may g-garden lang t-teka nga! Ano bang nangyayari?” Nagugulohan kong tanong.

Nagkatinginan silang lahat bago sabay sabay na tumingin ulit sa'kin.

“Akala ni knight may kumuha sa'yo bigla ka kasing nawala”

Napalunok naman ako.

“N-nasaan na siya ngayon? g-gusto ko siyang makausap”

Ang OA naman niya, kaya ba lahat ng tao dito nag kakagulo dahil hinahanap ako?!

“Nasa kwarto niya” Wika ni devor.

Tumango naman ako at napag pasyahang puntahan sa kwarto si knight

Kailangan ko siyang makausap!

Pero bago pa ako makalayo sa kanila tinawag uli ako ni Clark.

Lumingon ako dito.

“Mag iingat ka miss verdin, iba magalit si—ARAY!”  Napawak ito sa braso dahil malakas siyang siniko ni andrew.

“Manahimik ka nga” Bulong nito sa kanya bago tumingin sa'kin “Sige na miss verdin puntahan mo na siya tatlong tao na kasi ang napatay non kanina dahil sa paghahanap sa'yo baka madagdagan pa ng isa” Ngumiti ito sa'kin na para bang wala siyang sinabing ikakatakot ko.

T-tatlong tao na ang napatay niya? Eh na sa garden lang naman ako ah! Hindi ako nawala!

Natagil ako sa pag-iisip ng may mapagtanto..

Isang 𝑴𝑨𝑭𝑰𝑨 𝑩𝑶𝑺𝑺 pala si knight kaya hindi imposible ang sinabi ni Andrew.

Anong gagawin? Paano ko papakalmahin ang Isang 𝑴𝑨𝑭𝑰𝑨 𝑩𝑶𝑺𝑺?!

END OF CHAPTER 42

Abducted By A Mafia BossWhere stories live. Discover now