Chapter Fourteen

145 14 0
                                    

Jael's Point of View

"Jael, may nag hahanap sayo." ani ng guro. Tiningnan ko kung sino ang kumatok. Si Elkayne. Sinenyasan nya akong kailangan na namin bumaba habang naka turo sa relo n'ya.

"Taray, hatid-sundo supremacy." kumento naman ni Ivy habang naka tingin kay Elkayne na naka talikod na ngayon.

Nag paalam na ako sa room at nag excuse na rin, kinalabit ko si Elkayne. "Tara na," sinilip nito ang dala ko at tinanong kung anong laman. "Slippers."

This time kase, nag dala na ako ng tsinelas para hindi ako mahirapan mamaya.

"Katabi mo pala si red hair," I nodded. "Oo si Ross, sya ba yung nag kwelyo sayo?"

He laughed. "Oo," ilang segundong napa hinto si Elkayne. "Sounds familiar," itinagilid nito ang kanyang ulo na wari'y may iniisip. "Ah! S'ya yung laging nasa bakbakan!"

"Huh?"

"Oo, sya nga tama. Ang daming may galit don, nakikipag bugbugan 'yon kasama mga tropa nya. Kaya pala sabi ko nung una ko syang nakita, familiar yung face n'ya kase sya yung nakita kong binubugbog isa sa mga kaklase ko."

Lumalim ang pag kunot ko ng noo. Hindi ko alam kung maniniwala ako sa sinasabi ni Elkayne o hindi. Aware naman ako na lapitin ng gulo si Ross pero hindi ko inexpect na ganitong gulo pala napapasok n'ya.

"At saka, ang dami nang naloko 'non. Changgala. Last year yata 'yon, may mga nag laslas tapos gusto tumalon dyan sa building kase iniwan daw sila nung Ross na 'yon."

Biglang bumilis ang pag tibok ng puso ko sa hindi ko malamang dahilan. Tahimik lang akong nakikinig kay Elkayne habang tinatahak namin ang daan papuntang Gymnasium.

"Papalit-palit ng babaeng kasama 'yon. Magugulat ka nalang kinabukasan, iba na yung kasama. Lagi rin laman ng guidance 'yung Ross na 'yon, tamo, pag nakita mo yung log book ng school matatawa ka kase puro pangalan n'ya naka lista... teka, close ba kayo 'non?" tanong nito. Nag dalawang isip ako sa isasagot ko, hindi ko naman alam kung close kami. "We're friends... i guess?"

"Di nga? Pero sabagay, seatmate kase kayo eh." huminga sya ng malalim. "Bakit parang naiilang ka? Na bobother ka ba sa sinabi ko?" Agad akong umiling. Hindi ako sakanya na bother, kay Ross.

"Gusto mo ba 'yon?" Out of nowhere nyang tanong.

Pabiro ko syang hinampas at pilit na tumawa. "Hindi 'no, kaibigan lang talaga. Nagulat lang ako kase, he seems good... to me? to us?"

"What do you mean to you? Ano 'yan may special treatment sya pag dating sayo?" Nag kibit balikat ako sa tanong ni Elkayne.

"Bakit ba si Ross topic natin," Pag lilihis ko ng mga kung ano pang kuryusidad sa isip nya.

"Eh kase eh na bri--oh," dahan-dahang kinuha ni Elkayne ang kanang kamay ko. Kumunot ang kanyang noo at pinag masdang mabuti ang pasa sa aking daliri. "Sa pag kakaalam ko, paa mo lang napuruhan sa practice, saan galing 'to?" aniya. Binawi ko sakanya ang kamay ko at ipinasok saaking bulsa. Hindi naman na ito masakit pero litaw na litaw pa rin yung naiwang pasa dahil sa nangyare kahapon.

"Na ipit ako sa pinto." Sagot ko sakanya. Bumuo ng hindi naniniwalang ekspresyon ang mukha ni Elkayne. Ang kamay na nasa bulsa ko ay kinuha n'ya ulit ngunit mas marahan kumpara kanina. Tiningnan nya ang bawat gilid at hinawakan ang pasa sa daliri.

"Parang hindi naman 'to galing sa pinto, parang sa bakal 'to, bakal ba pinto n'yo?"

Tumango ako. "Weh? Di nga?" tinawanan ko si Elkayne dahil may naalala akong meme ng bata na katulad sa sinabi nya. Gayang-gaya nito ang tono ang boses.

Embracing the TroublemakerWhere stories live. Discover now