Chapter 19 - Agreement

844 22 5
                                    

LIRA

Salamat sa Diyos at nakarating ako ng ligtas sa bahay. Nabungaran ko si Tiya na may inaasikaso sa kusina, i looked at her, hanggang ngayon hindi ko pa din naipaparanas kay Tiya ang medyo maayos na buhay na pinangarap ko noon para sa kanya.

Si Tiya ang isa sa pinaka importanteng tao para sa akin, lahat ay gagawin ko masuportahan lang ang gamutan nito.

Nanghihina akong napaupo sa naghihintay na silya sa may kusina, napalingon ito at bakas sa mukha nito ang pag aalala.

"Lira, anong problema?" umupo ito sa tabi ko at pinagmasdan ako.

"Tiya, gustong kunin si Gabby ng papa nya" nanghihinang saad ko.

"Si Leandro ang papa niya, hindi ba?" tanging tango lang ang isinagot ko.

"Pumayag ka na kunin si Gabby sayo?" muli na naman akong umiling habang ramdam ko ang panlalabo ng aking paningin.

"Hindi Tiya, hindi ko kaya mawala sa akin si Gabby. Sabi niya ilalaban nya sa korte ang custody ng anak ko. W-wala akong pera pa.. saan ako kuku-" hindi ko natapos pa ang sasabihin ko nang agad akong yakapin ni Tiya. "Kumalma ka anak, naiintindihan kita. Ina din ako alam ko ang nararamdaman mo" bulong nito habang patuloy pa din ang paghagod nito sa likod ko. hindi ko na napigilan pa ang mahinang hikbi na kumawala sa labi ko.

Kahit ngayon lang, magpakatotoo ako. In this very moment, all I want to do is to have someone I can run to, lalo sa ganito ka sensitibong usapin I need a mother figure at napaka swerte ko na andito palagi ang Tiya Corazon.

___

KINABUKASAN

"Excuse me, Can i talk to Mr. Monteverde?" Tanong ko sa isang lalakeng naka uniporme na nabungaran ko pagbukas ng elevator door sa pinaka taas na palapag ng building na pag mamay ari ng pamilya ni Leandro, napatda pa ako nang iangat ang mukha nito at makita ko ang pamilyar na mukhang iyon.

"Lira? anong ginagawa mo dito?" I was in full shock nang magsalita si Kuya Martin. Hindi ako agad makapagsalita as it was unexpected to see him mismo dito sa opisina ni Leandro.

"K-Kuya, Uhm, can I talk to M-Mr. Monteverde?" halos magkanda utal utal ako sa pagsasalita dahil bakas sa gwapong anyo nito ang pagtataka.

"Magkakilala kayo?" Hindi ako agad nakasagot, ano nga ba ang isasagot ko? na ama ng pamangkin nya ang boss nito?

"Oh..sorry. I mean, do you have an appointment with him?" Muli itong ngumiti, he tried to compose himself and be as professional as can be.

"Wala kuya, pero kung wala sya babalik na lang ako" Maikling tugon ko. Kung alam ko lang sana na sya pala ang secretary ni Leandro hindi nalang sana ako nagpunta dito at nakipag kita nalang sa labas.

"I see. he is in the meeting right now Ma'am, but" he looks at me intensely at nagpatuloy.

"but, if it's urgent you can wait him here. do you want juice or coffee" offer nito. Hindi nakatakas sa akin ang pagsipat nito sa tyan ko. Maybe he is thinking kung isa ba ako sa mga flings o naanakan ng boss nito.

"S-Sige kuya mag aantay nalang ako. busog pa naman ako." Tumango ito at nagpatuloy sa ginagawa. halos kalahating oras na akong nag aantay within that span of time, ilang beses kong napapansin ang pagsulyap ni kuya Martin sa akin. maya maya pa ay tumayo ito mula sa office desk nito at umupo sa gilid ng upuan ko. He hold my hands at nagsalita.

"Lira, may ginawa ba sayong hindi maganda ang boss ko?" Napamaang ako. Ramdam ko ang pag aalala ni Kuya sa akin, Parang gusto kong isumbong sa kanya ang lahat ng kasamaang ginawa sa akin ng boss nya, pero lahat ng iyon at parte na ng nakaraan kaya't umiling nalang ako.

"Mabuti naman, kamusta si Gabby?" Muli nasilayan ko ang ngiti nito nang mabanggit ang pangalan ng anak ko. sasagot na sana ako nang biglang nagsalubong ang kilay nito at napatingin sa akin.

"What's happening here?" Agad nabitawan ni kuya ang kamay ko at sabay pa kaming napatayo nang marinig namin ang maawtoridad na boses ng boss nya.

"Sir, Ms. Gomez wants to talk to you" and by that his eyes drop on me.

___

"What?" He looks at me. Nakatayo ako sa harapan nito dito mismo sa loob ng opisina nito. His office is walled in gray, black and white paints. Sa likod nito ay isang malaking salamin na tanaw ang nagtataasang gusali mula sa labas.

Nanlamig ako sa paraan ng pagtitig nito, he roamed his eyes freely from my head to toe.

I am wearing a loose shirt and maong pants.

"Tungkol kay Gabby" i saw he twitch his right mouth ang looked at me.

"Yes, what about my son? have you decided to-"

"I heared your engagement with.." ano nga ba ang pangalan nung babae. I struggled to remember her name.

"with Miss Trixie Sanchez" he lightly nod his head.

"have a sit, bakit di ka maupo?" itinuro pa ng mga mata nito ang nagaantay na swivel chair sa tapat ng mesa nito. Pero hindi ko sinunod. tinatagan ko ang mga binti ko, i gathered all my energy para makausap ko ito tungkol sa anak ko.

"I-I mean, you can..have a child with her. hindi mo na kailangan pa si Gabby sa buhay mo. Please let my son stay with me." ngumisi ito ngunit hindi nagsalita. Mas lumalakas ang kaba ko sa ginagawa nito. Ibinaba ko ang aking paningin dahil hindi ko kaya makipagtitigan sa kanya ng matagal para bang kinukuha nitp ang enerhiya ko.

"Anong kapalit?" Napaangat ako ng tingin na may halong pagtataka. Kapalit saan? ako ang mama ni Gabby dapat lang na sa akin sya.

"Anong ibig mong sabihin?" naguguluhan ako sa mga sinasabi nito.

"I am a businessman Lira, lahat ng agreement na pinaguusapan dapat may kapalit." for the nth times he roamed his eyes freely on my body at naaasiwa ako sa ginagawa nito.

"Kung papayag ako sa suggestion mo, anong makukuha ko in exchange?" he looks so amused in me. Papatulan ko kahit ano pa, basta makasama ko lang ang anak ko.

"There's nothing I can offer to someone who has everything" Naguguluhan man sa takbo ng usapan namin ay mas nanaisin ko ito kesa ang mawalay sa anak ko.

"Dalawa lang ang gusto ko mula sayo, Lira. Una ang anak ko, pangalawa ang katawan mo. Which one you can offer to me?" Naghahamon ang tingin nito. Hindi ako makapag salita.

___

Please vote and comment. 😍🎄

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 29, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Leandro's Obsession | R18Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon