Chapter 7 - Kidnap

17.2K 73 22
                                    

LIRA

"bye Jell" kaway ko pa sa bestfriend ko. As usual lumabas kami at ako ang taya, nanuod kami ng movie at namili ng ilang damit para sa kanya.

Gumaganti lang ako sa napakabait kong kaibigan, Jell is my one and only friend. At wala syang alam sa relasyon namin ni Sir Mike.

Basta ang sabi ko ume-extra ako mag trabaho kaya meron akong ipon.

Mas maiging wala itong alam. Naglalakad na ako sa kahabaan ng kalye palabas ng lugar nila Jell.
Ginabi na din kasi kami sa kakakwentuhan, dahil sobrang namiss na namin ang isa't isa.

Nakatayo ako ngayon sa waiting shed sa labas ng kalye nila Jell. Bakit kaya konti lang ang dumadaang pampasaherong jeep ngayon. Napatingin tuloy ako sa wristwatch ko it's exactly eleven thirty na ng gabi, grabe kaya pala kokonti nalang ang tao.

Umupo muna ako sa upuang naroon dahil sa nangangalay na din ang mga binti ko kakatayo. Medyo may kadiliman pa naman ang lugar na ito, pero ilang beses na rin naman akong ginabi dito ngunit ngayon lang na kokonti ang dumadaang sasakyan.

Halos mag iisang oras na akong nag aantay ngunit wala pa ding dumadaang sasakyan, kung meron man ay punuan naman. Tumayo ako at tinanaw ang pinanggagalingan ng mga sasakyan ngunit walang paparating.

Medyo kabado na din ako kasi madilim nga ang lugar na ito, wala akong ibang kasama at iilan lang ang dumadaang sasakyan.

Napapitlag ako nang may huminto na isang itim na motorsiklo sa harapan ko.

Agad ang pag bundol ng kaba sa dibdib ko kung sino man o ano man ang pakay ng taong ito, baka isang holdaper at hablutin ang bag ko o di kaya baka rapist ito o di naman kaya ay isang kidnappers.

Agad akong napatayo dahil tumayo ito mula sa pagkakasakay sa motor nito at akmang lalapit sa akin, sa takot ko'y patakbo akong papasok sana sa lugar nila Jell nang marinig ko ang pamilyar na boses na tumatawag sa pangalan ko.

"Lira! Lira! Ako to!" Napalingon ako at nakita ko ang driver ng motor na tinanggal na ang helmet nito.

"Leandro? ikaw ba yan?" nagkaroon ako ng pag asa at wala sa sariling napangiti na muling lumapit dito. "Ako nga" sagot nito. Halos mapayakap ako dito dahil sa saya, akala ko may masama nang mangyayari sa akin sa lugar na ito.

Agad kong pinasadahan ang suot nito - Black waterproof jacket, black pants, combat shoes, black helmet na hawak hawak nito, black din pati gwantes nito. Tinanggal niya ang kanyang black mask kaya mas nakilala ko ito.

Infairness gumwapo lalo si Leandro sa paningin ko ngayon at mukhang mabango pa plus factor ang kanyang black motorcycle. Teka nga meron pala syang motor di ko alam.

"Pauwi ka na ba? Ihatid na kita." muling saad nito at ngumit ng pagkatamis tamis. Agad napadako ang mga mata ko sa mapuputi at pantay pantay na ngipin ni Leandro.

Tumango lamang ako dahil sa abala ang mga mata ko sa kakatitig dito at wala na naman sa sariling inabot ang extra helmet nito na kulay black din. Sumakay ito sa motor at inantay akong makasakay dito.

Gosh! ang macho niya. Parang kinikilig yata ako.

"There" saad nito nang hilahin nito ang dalawang kamay ko at pinulupot ito sa magkabilang bewang nya.

"Hug me tightly sweetheart" tama ba ang rinig ko?

"Anong sabi mo!" nanggigil na tanong ko, kahit sabihin pang sobrang gwapo niya ngayon at sya ang night in shining armor ko mahirap pa din sya at hindi ko pa din sya gugustuhin!.

"Humawak ka ng mahigpit baka malaglag ka" muling saad nito. Tumalima nalang ako para wala nang gulo tutal naman iniligtas nya ako kaya pagbibigyan ko ito.

Leandro's Obsession | R18Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon