MAGNIFICO

8 0 0
                                    

Umikot ang buong pelikula sa buhay ng isang batang nagngangalang Magnifico. Isinilang siya at lumaki sa isang pamilyang lugmok sa kahirapan at walang permanenteng trabaho upang pagkuhanan ng pera. Ang kanyang ama ay isang hamak na karpentero habang ang kanyang ina ay nagbuburda lamang upang pagkakitaan. Ngunit sa kabila ng kahirapan, lumaki si Magnifico na matulungin at bukas palad partikular na sa kanyang lola na may taning ang buhay, ang nakababatang kapatid na may "cerebral palsy" at ang kuyang natanggalan ng iskolarship sa pag-aaral sa Maynila.
Naging malaking pasanin sa pamilya ang pagkakasakit ng kanyang lola na dinagdagan pa ng pagkakatangaal ng iskolarship ng kanyang kuya na tanging inaasahan ng ama na mag-aahon sa kanila sa kadukhaan. Sa sobrang kahirapan at sa pagnanais ng makatulong, gumawa ng maraming preparasyon si Magnifico para sa pagpanaw ng kanyang lola. Siya, kasama ang kanyang kaibigan, ay gumawa ng ataol at nag-ipon ng pera upang ipambili ng bulaklak sakaling mamatay ang lola.
Naging mabigat din para sa pamilya lalong lalo na kay Magnifico ang kapatid na may kakulangan sa pag-iisip. Naglaan siya ng panahon at oras upang matiyagang alagaan at turuan ang kapatid. Sa paglipas ng mga araw, natutunan nito ang ilang salita tulad ng "nanay" at "tatay" na bahagyang inibsan ang kalungkutan ng pamilya
Bukal sa puso ni Magnifico ang kabaitan at pagtulong. Lahat ng tao ay nasasalamin ang kanyang kabutihang taglay kahit na ang babaeng itinuturing ng lahat sa kanyang lugar na masungit. Ngunit isang araw, sa pagpunta niya sa bahay ng isang lalaki upang kuhanin ang wheelchair para sa lola, ay nasagasaan siya ng humahagibis na sasakyan na nagwakas sa kanyang magandang buhay. Lahat ng preparasyon na kanyang inihanda para sa burol ng lola ay naging pangunahing pundasyon sa kanyang libing. Maraming tao ang dumalo sa burol at tila bagang nagluksa ang buong bayan sa pagpanaw ng isang batang lubos na nagpabago sa buhay ng bawat isa.

Based on a true storyWhere stories live. Discover now