chapter 30:Stay strong

184 2 0
                                    

Steven:

Bakit ang tagal naman niya?
Maaga pa naman ako umalis ng office para lang makapagusap kami ng matagal pero hanggang ngayon wala pa din siya inabot na ako nang gabi dito.
Tinatawagan at tinetext ko din pero hindi niya naman sinasagot.
Ano kayang nangyari dun,??kinakabahan na tuloy ako eh..
Umupo ulit ako sa bench malapit sa ilog na tinatambayan namin nuon its been a long time din na hindi kami napunta dito dahil andun kami sa farm nila.
Tumingin ako sa relo ko ilang oras nalang din pala malapit na din magsara ito.
Sisipot pa kaya siya ?

. . . . . . . . . . . . . . .

Mahal. .
Parang may tumawag sakin?
Hindi ko pa rin nililingon baka guni guni ko lang yun,.
Nagulat ako ng may bigla tumabi sakin sa upuan napangiti ako dahil alam ko namang siya na yun base sa amoy ng pabango niya at dinig kong parang humihingal pa siya.
Mahal,are you okay?
Ng lumingon na ko sakanya nakita ko siyang nakahawak pa sa may dibdib niya na parang tumakbo lang ng ilang daang metro kaya nahingal siya.
Y-yes,i'm okay. .
Nakangiti niyang pagkakasabi..
Hinawakan ko kamay niya at dinala sa aking mga labi namiss ko siya ng sobra.
At parang hindi ko 'ata kakayanin na paghiwalayin kami ng mama niya.
Mahal,si mom kumuha ng mga body guards.
Pagsisimula niya..ibubuka ko na sana ang bibig ko para may sabihin kaso pinigilan niya akong pagsalitain.
Gusto niyang huwag na akong makipagkita pa sa'yo kahit kailan.
But,i can't.,hindi ko siya kayang sundin.
You think i am not a good daughter?
Paghihisterya niya na niyakap ko muna siya para kumalma.
Sshh. . . .
Pinapatahan ko habang hagod hagod ko ang likod niya nagsisimula na kasi siyang umiyak at hindi ko kayang makita siyang nahihirapan.
Napapatingala nalang ako sa langit hindi ko alam kung bakit pinagtagpo pa kami tapos paghihiwalayin lang pala kami.
Sshh. . .tama na mahal,Everything's will gonna be alright.
Okay. .?
Pagpalakas ko na ng loob kahit parang ako hindi ko alam kung pano.
Sa tingin ko sa mama niya kaya niyang gawin ang lahat mapaghiwalay lang kami.
At nagsisimula na siya ngayon..
Bumuntong hininga muna siya bago bumitiw sa pagkakayakap.medyo kumalma na siya.

Mahal,sorry kung natuluan ko ng luha 'yang damit mo huh'.,
Sus. .akala ko naman kung ano sasabihin nito seryoso 'yung tao bibiruin niya lang..
Tatawa tawa niya pa at pinupunasan ang pisngi na may bakas pa ng luha.
Diba,may sinabi ako sa'yo nun dito nung una nating kilala?
Nakakunot noo pero nakangiti ko sakanya.
Yup,i'll remember that.
Tumawa siya ng bahagya kaya napatawa na din ako..

Maria louisa:

Naalala ko nga 'yung time na 'yun alam niya kasing may problema ako ialok niya ba naman na puwede kong gamitin ang damit niya na pampunas ng luha at sipon?
Kaya natatawa nalang ako eh.hehe. . .

Oo nga pala kaya hindi ko kasama ang mga body guards ko kasi tinakasan ko sila.

Flashback;

Frend,anong gagawin ko kailangan kong makita at makausap si steve.
Sabi ko sa kaibigan ko na ngayon problemado dahil din sakin para kasing mga taga bantay lang daw yung tatlo sa labas ng mga flowers namin at yung isa pa naman medyo malaki katawan nagtataka tuloy ang iba naming mga customers kung bakit may mga tao sa labas yung iba natatakot na pumasok..
Teka lang frend magiisip isip muna ako huh'.sakit sa ulo kasi 'yang mga guards mo eh' nawalan pa tuloy tayo ng ibang customers.

Kaimbyerna.!!
Habang hawak niya ang magkabilang sentido na hinihilot hilot pa.
Ako naman nakatunganga na lang sakanya nagaantay sa plano.
Bigla naman siyang napangiti at tumayo saka niya ako hinatak palabas.
Nagulat man sumunod nalang ako.
Mga kuya,kakain lang kami nitong alaga nyo huh'..
Siniko ko nga..palagay nito sakin aso?
Okay po mam louisa susundan po namin kayo.
Sagot nung isang medyo malaki katawan garry 'ata pangalan nito.
Hinatak ulit ako nitong kaibigan ko.
Ng nasa labas na kami ng restaurant magkalapit lang naman kasi to eh.,huminto ang bruha kong kaibigan kaya huminto na din kami.
Oh'..baka naman susunod pa kayo niyan sa loob huh?
Magmumukha lang kayong timang unless kung may pera kayo at kakain din okay lang pumasok kayo pero wala kaming panlibre sainyo ha..KKB tayo dito.
Nakapamewang niya sa tatlo at ano namang bagong pausong salita nito?
Anong KKB frend??
Tanong ko na nakakunot noo.
Kanya-Kanyang Bayad ang ibig sabihin nun.
Paingos niyang sabi napatawa nalang ako at tinignan ko 'yung tatlo napapakamot sa ulo.
Sige po mam dito nalang kami magaantay sa labas.
Sabi nung payat siya 'ata si nelson .
Good..so,pasok na kami bye..
Pangaasar pa ng lukaret kong kaibigan.

Frend,ano plano?
Tanong ko nang makaupo na kami sa may dulo ng table yung hindi kami makikita.
eto na nga..meron pang exit door dito kaya dun tayo dadaan.
Ngiting ngiti niya..napataas kilay ko sakanya.
Ayaw pa maniwala??
Syempre sa employees entrance and exit nila tayo doon dadaan.
Parang may kakaiba sa mga mata nitong bruha na ito..
Eh,pano?
Wala naman tayo kakilala dito..
Pagingos at pangalumbaba ko sa table.
Babe,ano ready na ba kayo?
Nang maulinigan ko ang boses lalaki automatic na napamaang ako..
Nakalongsleeves na suot at slacks na black formal na formal ang suot.
Teka,.siya ang Manager ng restaurant na 'to ah??
Yes,babe. .
Pagpacute ng kaibigan kong mahaliparot at tumayo na saka ako hinila.bruha to nawiwindang pa nga ako sa nangyayari ganun ganun na lang..mamaya ka sakin..!

End of flashback*

Ganito nalang gawin natin mahal..
Hanggat maaari gumawa ka ng paraan para malusutan mo ang mga body guards.
Bumalik ulit ang aking ulirat na kasama ko steven ngayon.
Tumango tango ako sakanya..
Huwag kang susuko mahal ko kaya natin 'to kapag may sapat na akong pera pakakasalan kita at kukuhain na kita sa mom mo.
Sabi niya na punong puno ng sinseridad.
Napangiti ako sakanya dahil hindi siya susuko kahit ganun ang ugali ng mom ko hindi niya pa rin ako iniiwan.
Kaya pano ako bibitaw kung mahal na mahal ko ang taong ito?

Kaya natin 'to mahal ko..
Sabi ko ng puno ng pagasa at tuwa.

Kayang kaya..
Sabay naming bigkas at nagkatawanan nalang kami..

Napakasarap ng feeling kahit na may problemang dumating ang mahalaga kakayanin at walang bibitaw.,
Napangiti ako at napatingala habang umutal ng pasasalamat at nawa'y malagpasan pa namin ang ibang pagsubok na dumating..

Hacienda Catalina series 1:ForeverMore(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon