KABANATA 3

1.1K 7 0
                                    

KACEY's POV

Kacey: Hello, cutie! First step accomplished. Nandito na ko sa bago kong bahay sa Malaking Bato subdivision. Grabe! Ang laki pala nitong subdivision na 'to. Nakakahilo sa dami ng bahay. Anyway, maayos naman itong nakuha kong bahay. Tamang-tama lang sa akin. Haha! Oo naman. Mababait sila. Very accommodating. Kapag naayos ko na lahat dito sa bahay, mag-o-organize ako ng pool party. I want you to attend the party, so I can introduce you to my neighbors. Okay. Don't stress yourself out. Magpahinga ka na. I love you!

Hay… Ngayong nasimulan ko na ang unang hakbang sa aking mga plano, oras na para simulan ang part two. This is so exciting! Parang nakikini-kinita ko na ang resulta sa dulo ng gagawin kong ito.

Nakakaamoy ako ng tagumpay. Tagumpay para kay Kacey Lobuton! Grabe! Ang bantot talaga ng name ko. Dapat pala Kacey na lang. Kacey lang. Nakakaamoy ako ng tagumpay para kay Kacey! Much better.

Pero bago 'yan ay sisimulan ko na munang mag-ayos ng mga gamit. This is going to be a looooong day.

----------

THIRD PERSON POV

Sa dining area ng bahay ng mag-asawang Santillan…

Sandy: Hindi muna ko sasabay sa gym ngayon, sweetie pie. Pupunta ako sa ukayan natin. Tatao ako ngayon doon dahil weekend. Baka maraming tao? Kaya gusto kong tumulong sa mga tao natin doon.

Edgar: No problem, sweetie pie.

Sandy: Ikaw, Krista? May lakad ka ba ngayon? Pwede namang hindi ka muna tumao sa ukayan kung may lakad kayo ni Saul.

Krista: Wala, Ate Sandy. Baka may raket ngayon 'yon? Tatao na lang ako sa ukayan. Tutulungan kita. Pero kapag na-bored ako, pupunta ko sa gym para mag-workout. Sasamahan ko na rin si Kuya Edgar.

Nararamdaman ni Edgar ang tingin sa kanya ni Krista, pero hindi siya humaharap dito. Naiinis pa rin siya rito dahil sa ginawa nitong kababuyan sa kanya. Oo. Natutuwa siya sa atensyon ng mga babae, pero hindi siya kailanman pumapatol dahil masaya na siya sa kanyang asawa. Ugali niya lang talagang magpatakam, pero wala siyang planong tumikim. Ibang usapan na iyon.

Sandy: No problem, Krista. At least may makakasama ang Kuya Edgar mo.

Gustung-gusto na ni Edgar murahin si Krista, pero hindi niya magawa rahil kasama nila ang asawa niya. Magdududa ito at wala siyang balak na sabihing ipinasok niya ang kanyang kamay sa loob ng shorts ng pinsan nito para makuha ang wedding ring niya.

Napatingin si Edgar sa kanyang wedding ring. Parang nararamdaman pa niya roon ang malagkit na katas ng pinsan ng kanyang asawa. Naninigas ang alaga niya, pero wala siyang balak pagbigyan ang kagustuhan ng malanding pinsan ng asawa.

Paniguradong lalandiin na naman siya nito kapag pumunta ito sa gym mamaya. Puwes ipapahiya niya lang ito rahil hindi siya kailanman magtataksil sa kanyang asawa.

----------

Sa bahay ng pamilya Madrigal

Tok! Tok!

Binuksan ni Mila ang pinto at bumungad sa kanya ang tagapangalaga ng anak nila ni Paul na si Georgia.

Mila: Ikaw pala, Georgia. Napaaga ka yata. Pasok ka.

Aagawin Kita Sa Asawa Mo...Where stories live. Discover now