Chapter 4 🌻

5 2 0
                                    

*****************
Continuation...


MASAMA ang tingin sakin ni Hailey kasaby ng marahang paglalakad nito palapit sa kinatatayuan ko. Hindi ko maiwasang kabahan para sa mga susunod na mangyayare.

Kinuha nito ang isang ballpen na nakapatong sa mesa saka niya pinakatitigang mabuti ang matulis nitong panulat, kasunod nang mala- dimunyong pag- ngiti.

“ Did you just.... ” panimulang sambit nito saka inangat ang tingin sa'kin. “ Hit me?! ”

Bulyaw nito kasabay nang mabilis niyang paglapit at pagtutok ng ballpen sa ilalim ng babà ko dahilan para bahagya akong mapasinghap at magtaas noo.

“ Kayang kaya kong butasan itong leeg mo, Kristine. Alam mo naman siguro 'yun diba? ”

" Hailey! That's enough, tara na! " tawag sa kanya ni Drake .

Lumingon sandali si Hailey kay Drake na nasa pinto saka padabog akong binitawan dahilan para mapaatras ako at makahinga ng maluwag. Ibinato nito sa'kin ang ballpen at tumama naman 'yon sa ulo ko.

" We're not done yet. Mark my words kristine, you'll pay for what you did. "

Pagbabanta nito bago tumalikod at naglakad palabas nitong class room kasama ang iba pa. Medyo nanghina ang tuhod ko dagil sa pangyayareng 'yun dahilan para mawala ako sa balanse at mapa- upo na lang sa sahig.

" Kristine, ok ka lang? "

Nag-aalalang tanong ni Bea sa'kin matapos nitong magmadali na lapitan ako. Napatingin ako sa kanya at  saka ito saglit na pinag masdan. May dugo parin ang gilid ng labi nito at kitang- kita rin ang pamumula ng pisngi dahgil sa mga pagsampal na ginawa ni Hailey sa kanya kanina.


" I'm fine, Beatrice... Tara na sa clinic. " Pag- aaya ko sa kanya saka siya hinawakan sa braso at inalalayan sa pag-tayo.

Paglabas namin ng room ay naka salubong namin si Mrs. Gutierrez, teacher namin sa second period.

" And where are the two of you going? " Nagtatakang tanong ni ma'am sa'kin saka ito napabaling kay Bea.

" What happened to your face? " gulat na tanong niya na hinawakan pa ng bahagya ang pisngi ni Beatrice para usisain.

" Napa--- "


" We played a game. " pagputol ni Bea sa sasabihin ko sabay ngumuti ng pilit.

" Naglaro?? "

" Y- you what? Played? " Nagtatakang tanong ulit ni ma'am na napa tawa pa ng bahagya " What kind of game is that para humantong sa pamumula ng ganyan ang mukha mo, ha? And look, you have a cut on your lips too. "


" Isang tanong pa sasampalin kita "

Gulat na gulat kaming pareho ni ma'am Gutierrez nang sabihin 'yon ni Bea . Palihim ko pa itong kinalabit upang sitahin.

" What did you just say, miss Topacio? " Kunot noo na tanong ni Ms. Gutierrez sabay pamewang.

" Hehe,  sabi ko po... 'yung nilaro namin ni Tin, ay ' Isang tanong pa sasampalin kita ' hahaha! eh, alam niyo naman po ako diba? masyado po akong matanong kaya ito, laging talo hehe! " paliwanag ni Bea na siyang ikinataas ng kilay ni Ms.

" Na damage yata ni Hailey ang utak nitong si Beatrice."

" Ahmm, ma'am? punta lang po kami ng clinic saglit. Ok lang ho, ba? "

Sabat ko upang putulin na rin ang tensyon sa pagitan nilang dalawa at baka kung saan na naman 'to humantong. Napabuntong hininga muna si Miss, bago tumugon.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 05 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

 𝐋𝐨𝐯𝐞 and 𝐂haosWhere stories live. Discover now