PROLOGUE🌻

11 26 0
                                    

KRISTINE'S POV

NAKAPIKIT kong kinapa ang alarm clock sa side table nitong kama ko nang tumunog ito. Mabilis ko itong in- off at saka bahagyang nagbulat para tignan ang oras.

" 6:30 "

Ikalawang linggo ng pasok ko na pala ito bilang isang senior high. Nakakatuwang isipin dahil malapit na kaming tumuntong sa college, kami ng kaibigan kong si Beatrice na kaklase ko pa mula noong second year highschool pa lang kami.

" Morning sunshine... "

Mahinang usal ko sa sarili habang nag uunat ng katawan saka muling pumikit. Napakamot ako sa sariling leeg kasabay nang pagmulat. Agad na dumapo ang paningin ko sa glass door ng terrace na andito lang din sa loob nitong kwarto ko.

" Bakit bukas 'yung kurtina? "

Sa isip- isip na pagtataka ko habang naka- kunot ang noo pero kalauna'y nabago din nang mapagtanto ko'ng baka si mommy ang may gawa nun.

" Tsk! Si mommy talaga... Alam niyang ayaw ko nang nasisinagan habang tulog e, "

Reklamo ko sabay busangot at buntong hininga. Saglit akong napatulala habang na sa terrace lang ang tingin. Ilang minuto din ang pinalipas ko bago ako nagdisisyon na tumayo at magmadali sa pagkilos para maligo.

" Baka pagalitan na naman ako nung sundo ko. "

Usal ko sa sarili kasabay nang pagmamadali. Matapos kong maligo ay nagbihis na ako agad at umupo sa harap ng vanity table ko para mag- ayos. Habang nag aayos nga ay biglang tumunog ang door knob dahil sa pagpihit dito nang paulit- ulit kaya agad akong nagbaling nang tingin doon.

" Haru? ikaw ba 'yan? "

Nagtatakang tanong ko habang abala sa pagsusuot ng hikaw.

" Yeah, I'm glad you're awake. Tulog mantika ka talaga. "

Pagrereklamo pa niya mula sa labas ng pinto. Napangiti ako at muling humarap sa salamin para isuot pa 'yong isang hikaw sa kabilang tenga ko. Bahagya pa kong natatawa dahil sa mga panenermon nito mula sa labas ng pinto kahit di ko naman gaanong rinig.

" Hindi ka paba tapos, Tin? "

Si Haru pala ay childhood boy bestfriend ko slash kapitbahay. Sa sobrang close namin ay palagi na lang kaming napagkakamalan na in a relationship, na palagi lang din naming tinatawanan kasi magkababata lang talaga kami at kapatid lang ang turingan sa isa't- isa. Mas ahead ng isang taon ang edad nito sakin. Nineteen siya while seventeen naman ako.

" Turning 18 next month, hehe "

" Aiissh! Pagong ka talaga. "

" Eto na! Eto na!--- ay wait! Just give me another second! "

" Oh, god! "

" 1 minute na lang Haru, I swear! "

" Minute?! you said ' seconds ' "

" Haru, shut up! Tinataranta mo ko! Maaga pa oh?! "

By the way... hindi pala talaga ' Haru ', 'yong totoong pangalan niya, Jimmy. palayaw ko lang 'yon sa kanya nakuha ko sa isang anime character.

" Hey, kakain ka pa ng almusal. "

Pagrereklamo pa ulit nito. Agad kong hinila ang bag at nagmadaling tumakbo palapit sa pinto para buksan iyon at humarap sa kanya.

" Good morning! " masiglang bati ko sa nakasimangot nitong itsyura.

" You're so slow fixing yourself. Hindi kana nagbago. "

 𝐋𝐨𝐯𝐞 and 𝐂haosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon