013

2.3K 95 15
                                    

WINTER

Pagkapark ko ng sasakyan, tumingin ako sa paligid dahil baka may nakasunod saamin ni maam summer pero mukhang wala naman.

Ang nakita ko lang ay si sir alcantara na naghihintay na saamin sa tabi ng dalampasigan.
Kitang kita ko ang mga candle na nag iilawan. May table din sa gitna.

Kung wala lang akong nararamdaman sa girlfriend nya baka na sweetan pa ako sa pakulo nya, pero hindi ko magawang maging masaya.

Nasasaktan ako.

Tumingin na ako kay maam. Tumitingin din sya sa labas at mukhang tumitingin tingin din.

Sumandal ako sa upuan ko at tahimik lang syang pinag masdan.

Pinakiramdaman ko ang puso ko. At masasabi ko na sobra sobra ang tambol nito.

I love her.

I already love her.

Mabilis kong pinunas ang isang butil ng luha na tumulo mula sa mga mata ko bago pa sya tuluyang humarap saakin. Pero sa tingin ko napansin nya yun dahil bigla syang natahimik habang nakatitig saakin.

Mabilis akong umiwas ng tingin sakanya at pilit na ngumiti.

"Balikan na lang kita mamaya. Mag text ka na lang maam." Pilit kong pinatatag ang boses ko ng sabihin ko yun sakanya. Nanatili lang rin akong nakatingin sa harapan.
"Sige na, nag hihintay na yung boyfriend mo. enjoy your night with him." Sabi ko.

Narinig ko na ang pag pihit ng pinto kaya muli na akong tumingin sakanya. Lumalabas na ito sa sasakyan ko.

Pagkalabas nya muli syang humarap saakin at muli akong pinag masdan pilit akong ngumiti sakanya at kumaway.

"Ingat ka." Sabi nya. Ngumiti ako sakanya bago nya isarado ang pinto.

Hinintay ko muna syang makalapit sa boyfriend nya.

Agad na nag unahan ang luha na kanina ko pa pinipigilan.

They kiss each other pag kalapit ni maam sakanya.

Yumuko ako sa manibela at doon tahimik na umiyak. Hinawakan ko rin ang dibdib ko para pigilan ang paninikip ng dibdib ko dahil sa pag iyak.

Kahit pilitin kong maging masaya para sakanya, hindi ko magawa.

Paano? Paano ako magiging masaya? Kung nandito ako lubog na lubog sa sarili naming patibong.

Sa sariling patibong ng mga magulang ko.

I really hate it.

Kung maibabalik ko lang ang panahon, pipilitin ko na hindi ito mangyari. Lalabanan ko ang mga magulang ko para lang hindi mangyari ang gusto nila.

Kung naging matapang lang sana ako noon, edi sana hindi ito nangyayari ngayon.

Pinunas ko ang luha ko bago ako tumuwid ng upo.
Nakita ko na pinaghihila ng upuan ni sir alcantara si maam summer.

Binuhay ko na ang makina ko at mabilis itong pinaharurot paalis.
Pinatay ko ang cp ko dahil kanina pa tawag nang tawag ang team mates ko. Baka hinihintay na nila ako sa bar.


Magulo at maingay na bar ang sumalubong saakin pag pasok ko. Nag sasayawan ang mga tao. At sa tingin ko mga lasing na sila. 9 oclock na rin kasi ng gabi. Kaya mga wala na sa sarili ang mga tao.

Nakita ko na ang team mates ko sa isang vip room. Glass wall kasi ang bar, kaya kahit nasa vip room ka ay kita ka pa rin. Ang pinag kaiba lang ay hindi ka maririnig sa loob at hindi mo rin maririnig ang nasa labas.

ARRANGED MARRIAGETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon