019

2.6K 107 4
                                    

WINTER

Pagkatapos ng klase ko dumeretso ako sa ssc building para puntahan si callione at sunny.
Nag text saakin si sunny na puntahan ko sila sa ssc building dahil namiss daw nila akong kasama.

Hindi na kasi kami masyadong nakakapag bonding dahil gawa nung tournament na halos wala na akong time makita pa sila. Tapos nung natapos naman ang tournament, hindi pa rin kami nakakapagbonding dahil sa andami dami kong hinahabol na activity na hindi ko mga nagawa dahil sa practice rin namin para sa tournament.

"Zup." Bati ko sakanilang dalawa pagkapasok ko.
Pabagsak na umupo ako sa tabi ni sunny. Si callione naman nasa swivel chair nya at nakaharap sa laptop.
"Saan tayo?" Tanong ko sakanilang dalawa.

"Shopping? How about that?" Tanong ki sunny.
Andyan na naman sya sa shopping shopping nya tapos kami na naman ni callione ang papabitbitin nya ng mga pinamili nya.

Wala kaming tiwala dito pag nagyaya sya mag shopping. Auto tanggi ako kapag shopping ang naisip nyang bonding naming tatlo.

Sino ba naman kasing gugustuhing sumama sakanya sa shopping? e halos bilhin nya na ang buong boutique sa sobrang dami nyang pinamimili tapos kami gagawing taga bitbit.

"Passed." Agad na sagot ko sakanya.
Tumawa ito ng malakas.
Umiling na lang ako bago tumingin kay callione na sinisimulan ng ligpitin ang mga gamit nya.

"Dali na. Magdadala ako ng bodyguard for my things."
Pilit nya saamin.

"Sinabi mo na rin yan dati" bara ko na naman sakaniya. Napasimangot na lang ito.

"Sa condo ko na lang." Napatingin kami parehas kay callione na kakatapos pa lang ligpitin ang gamit nya.
Kinuha nya ang bag nya sa table.
"Lets go."

"Ano namang gagawin natin dun?" Tanong ni sunny sakanya.

"Wag ka ng mag inarte. Mag momovie marathon lang tayo." Sabi ni callione sakanya.

"Edi sana sa sinehan na lang tayo."

"Oo, para maisingit mo na naman iyang pag shoshopping mo." Sinimangotan ako ni sunny.

"Che. kontrabida mo talaga."
Sabi nya bago hinila si callione palabas.
Sumunod na rin ako sakanila para ma lock na ni callione ang office.

4:30 pa lang ng hapon kaya mataas pa ang araw pag labas namin.

"Ano nga pala yung isap usapan kanina na nag away daw si maam autumn at maam summer sa canteen?" Tanong ni sunny saakin habang nakakapit sa mga braso ko. Para syang tuko.

Tinignan ko sya.

"Aba ewan ko."

"Nandoon ka daw e."

"Ano naman ngayon kung nandoon ako?" Tanong ko sakanya.

"Ikaw daw yung nasa gitnan nila." Sabat naman ni callione. Lumapit rin sya sa isang side ko at kumapit din saakin.
"Ikaw ata pinag awayan."

"Luh?" Hindi makapaniwalang sabi ko.

"Bakit naman nila ako pag aawayan?" Tanong ko.
"Matagal lang na nakapila si maam autumn, e nagugutom na ata si maam summer."

"Ngayon lang nag away ang dalawang yun sa harap ng maraming tao." Sabi ni sunny.

"Wala akong alam dyan." Sagot ko sakanila. "Tyaka bitawan nyo nga ako." Hinila ko ang kamay ko mula sa pagkakahawak nilang dalawa. Nag tagumpay naman ako.
"Para kayong mga tuko kung makakapit."
Sabi ko habang pinapagpag ang mga kamay ko sa hangin.

"How dare you compare us to a gecko?" Hindi makapaniwalang sabi ni sunny. Inismiran ko lang sya. Akma nya sana akong hahabulin pero agad na akong tumakbo papuntang parking.

ARRANGED MARRIAGETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon