wakas

33 0 1
                                    

Pagkatapos ng lahat,
salamat pa rin sa iyo.
Ano man ang naging kahinatnan,
salamat pa rin.

Hindi ko kailanman pagsisisihan na ako’y sumugal.
Mahirap,
nakakapagod,
nakakawala ng lakas,
at nakakababa ng tingin sa sarili ang mga nangyari.
Kahit na alam na alam kong yakap mo lang ang makakapagpagaling, kakayanin kong mag-isa, pagsisikapan ko.

Ayoko nito, hinding-hindi ko magugustuhan gawin ito. Pasensya na, nawawala na talaga ako sa sarili ko. Pilit ko na pinipiga puso at isip ko ; Pilit kong sinasabi na mawawala rin ’tong pagod ko at mapapalitan ng napakagandang memorya nating dalawa. Pero hanggang kailan ba? May hinihintay pa ba ako? Hindi na kasi talaga kita matanaw eh.

I hope that the pain we have experienced lead us to the right places. Proud na proud ako sa’yo. May nagmamahal sa’yo lagi at ako ’yon. Magpapahinga na ako, I had a good time with you that I will forever cherish. Our love might be blocked by the circumstances, but you are surely my greatest of all. We had a good run. Salamat, Kaie!

Nagmamahal,
Kenzo :) 🤍

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 25 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

it's always youWhere stories live. Discover now