Vingt Et Un

111 2 3
                                    

I think this is the longest update? Well, cheers to 1.19k reads and 130 votes! Your votes and comments are highly appreciated!

•||•

Iaxah's PoV


"So, shall we start?" natuon namin ang aming atensyon sa headmaster nang magsalita ito. Bahagya pa akong nagulat nang makitang sa akin siya mismo nakatingin.

Now, I'm on the hot seat.

"Can you start telling us what really happened to you outside the school?" napatingin ako kay Kalix nang pangunahan niya ang pagtatanong. Napatawa ako ng kilay. Why is he asking me that? Headmaster's the one who's supposed to ask me first and not him!

"Hindi mo ba sasagutin?" he impatiently asked.

"Why would I? Hindi ka naman si headmaster, duh?" mataray ko'ng sabi saka siya inirapan bago ibinaling ang tingin kay headmaster.

Napabuntong hininga ang headmaster. "What really happened to you when you're outside the school?" pag uulit ni headmaster. Napanguso ako bago nagsimulang magkwento.

"After the incident happened during the party, I drifted to sleep dahil siguro sa sobrang pag iyak ko. Okay naman yung pakiramdam ko nun, not until I woke up. Nagising ako sa isang hindi pamilyar na lugar. Sa mismong gitna ng gubat." Panimula ko, dahilan para matuon sa akin ang atensyon ng lahat ng naroroon sa loob ng silid.

"Takot na takot ako, hindi ko magawang humingi ng tulong dahil hindi ko naman alam kung nasaan nga ba talaga ako at kung ano yung mga nilalang na nakapalibot sa akin. Hindi ko nakilala ang sarili ko. Hindi ko nga maalala kung paanong naging puti ang buhok ko. Sobrang gulo ng isip ko. At first, I thought nasa isang shooting ako at nagtatago lang sa kung saan ang camera man, pero hindi, eh. Hindi... No one was there... Tanging yung mga nilalang na iyon lang ang kasama ko. Mga nilalang na naglalaway habang nakatingin sa akin na tila ba anumang oras ay lalapain na nila ako." A tear fell from my eye, agad namang dumukwang palapit sa akin si Clifford upang hagurin ang aking likod na tila ba ako'y kaniyang pinakakalma.

"Shhh... Kung hindi mo pa kayang ilahad sa kanila, ako na ang magbibigay sa kanila ng detalye, okay? So, hush..." Clifford said softly. Tumango ako saka pinunasan ang mga luhang kanina pa pala rumaragasa mula sa aking mga mata. Clifford gave me an assuring smile before he averted his gaze into the Alphas before looking at the headmaster. "Iaxah suffered from a short-term memory loss due to trauma. Hindi siya makausap ng maayos at lagi lamang tulala, naging matatakutin din siya at laging napapraning. Buti nalang at matapos ang dalawang buwan ay paunti until na rin'g bumabalik ang alaala niya. She told me that her name is Iaxah Sylvah Jaix who has a celebrity life in France, and said that her life was totally changed the moment she step a foot in the Philippines where she met a certain Eric Casquejo. Ikinuwento niya sa'kin lahat ng naaalala niya sa bawat araw habang tinuturuan ko siyang makipaglaban."

"So, Miss Jaix, you already know how to fight?" tanong ni Headmaster Cever sa akin kaya't tumango ako. "Alam mo na ba kung anong uri ng kapangyarihan ang meron ka?" tanong muli ni headmaster na ikinatahimik ko saglit.

"She's a two typed elemental user. Sa mga araw na tini-train ko siya, napag alaman kong hindi lamang kuryente ang kaya niyang manipulahin, kundi pati na din ang liwanag," si Clifford na ang sumagot para sa akin.

"Oh... kaya pala nangunguryente ka nung nahimatay ka! Ang astig!" napapapalakpak na sabi ni Alissy.

"And how can you explain the echo?" asked Razer.

"She has the ability of echokinesis and sound wave manipulation," sagot muli ni Clifford.

"So, if you're a two typed elemental user... Dapat nasa alpha ka. Kabilang ka sa mga elite," ani headmaster. I gritted my teeth. 'What the fuck?! I don't want to!'

Missing Princess of XenoaWhere stories live. Discover now