Chapter 21

6.6K 154 3
                                    



Chapter 21

Grace Point of View


"Babe bakit wala atang kalat-kalat na students ngayon?" nag tatakang tanong ko kay Harold.

Well usually kasi pag ganitong oras madaming students na pakalat kalat lang sa campus dahil hindi pa naman nga class hour. Tinaas lang naman niya yung balikat niya as a sign na hindi niya din alam. Parang may mali talaga.

And I don't think this is something good.

Nagumpisa na kaming mag lakad ni Harold para pumunta sa classroom ko. Ihahatid niya kasi ako. Sa ibang building kasi siya dahil bussiness management yung kinuha niya samantalang journalism naman yung course ko.

Naiilang naman ako na humawak sa braso ni Harold. Bawat daanan kasi namin nag bubulungan eh. Ang sama talaga ng feeling ko. Isa pa, bagamat sanay akong pinag titignan ng mga tao at pinag bubulungan, ibayong kaba pa rin ang nararamdaman ko sa ugong at tingin ng mga estudyante ngayong araw. Gustuhin ko man silang taasan isa-isa ng kilay kaso naalala ko na may image pala akong pinanghahawakan kaya nginitian ko na lang sila. Patience Grace, wala lang yan.

Wala sa sariling nagulat ako ng biglang tumunog ang cellphone ko. Agad ko itong tinignan at lumabas ang pangalan ni Loisa. Panatag na bumuntong hininga ako, at least siya lang.

Grace? Na saan ka na? parang natatarantang tanong niya sa akin.

Bahagyang napataas naman ako ng kilay ko ng marinig ko ang tono at pagkabahala sa tinig niya. Ano bang problema ng babaeng to?!

I'm on my way in our room. Why? kinakabahan na tanong ko rito.

Hurry up, omg. she said with urgency and then she hang up.


"What happen?" nag tatakang tanong ni Harold sa akin. Bigla naman akong napasandal sa braso niya at napahawak ng mahigpit Ano ba talagang nangyayari?


"I don't know. I really don't know." mahinang sagot ko sa kaniya.

Binilisan naman namin yung paglalakad namin hanggang sa makarating na kami sa building ng journalism. Nagtatakang tinignan ko naman yung mga taong nasa labas ng room namin. What the hell?! Bakit andaming tao?!



"Grace, I don't think that we should go inside." kalmadong sabi sa akin ni Harold. Tinignan ko naman siya. Bagamat seryoso ang mukha nito, mababakas mo rin ang kaba sa kaniya. Gusto ko man na sundin yung sinasabi niya kaso parang may nag sasabi sa akin na kailangan kong makita yon. Na kailangan kong makita kung anong man meron sa class room na yon.


Bigla naman nag sitingin sa akin yung mga estudyante na na sa labas ng room pati na rin yung mga na sa room. Naramdaman ako ang biglang pag bilis ng tibok ng puso ko kasabay nang bulungan ng mga tao.


"Ang lakas ng loob niya."

"Eww akala ko pa naman matino yung pamilya niya."

"I can't believe it!"


"What a family eww."


Hindi ko pinansin yung sinabi nila at nag mamadali ako na pumasok papasok sa class room. Bigla naman akong napatigil at nanigas sa kinatatayuan ko noong makita ko kung anong meron sa loob.



Naramdaman ko ang pamumuo ng luha sa gilid ng mata ko habang pinagmamasdan ko ang video ni mama na kasama ang iba't ibang lalaki pati na rin ang video ni papa habang kasama si mama pati na rin yung unang pamilya niya.


Denise Point of View


"Ohh? Kamusta na yung pinapagawa ko sayo?" tanong ko sa kaniya habang nilalaro ko pa yung hawak kong wine glass.




"It was fine, pahiyang-pahiya siya." nangingisi naman na sagot niya sa akin.



Bigla naman akong napangiti. Kamusta naman yon Grace? Masaya ba? Masaya bang pang dirihan ng mga tao? Pang-una pa lang yan. Paano pa kaya kung na sa gitna na tayo ng revenge ko?

-----
Edited*

My RevengeWhere stories live. Discover now