Chapter 9

8.1K 186 6
                                    

Chapter 9 

 Denise  Pov:

"Nak" naramdaman kong may tumatapik sa akin. Tinakpan ko naman ng unan yung mukha ko. Gash! Inaantok pa ko!

"Hmmm"Ang aga-aga pa eh!

"Gising na nak"

"Manang 15 minutes.." 

"Ano ka bang bata ka may pasok ka pa bukas dalian mo na amoy alak ka pa naman.." panenermon niya sa akin. Nako eto nanaman tayo sa ceremony ni manang. 

"Tatayo na po" inalis ko na yung unan sa mukha ko at umupo. Kung hindi ko lang talaga love si manang! Napa pout naman ako. Grabe inaantok pa talaga ko huhu!

"Kayo talagang mga kabataan hindi ko kayo maintindihan oo.." narinig kong reklamo ni manang.. Hmppft bakit ba kasi napaka makaluma ni manang? Hindi tuloy siya makasakay sa trip ko. Buti pa si manong fred cool lang!

"Uso kasi manang" pamimilosopo ko sa kaniya pagkatapos tumayo na ko sa pag kakaupo ko sa kama. Umiiling naman siya na tinignan ako sabay inayos yung pinaghigaan ko.

"Alam mo Denise, alam ko na malaki ang problema mo pero wag mong idaan sa alak anak.Tandaan mo madami paring nag mamahal sayo andito lang ako pwede kang mag open sa akin, okay?" lumingon naman ako kay manang at ngumiti sa kaniya.

"Thank you manang kaya labs kita eh" hihi paano na lang ako kung wala si manang! Hinug ko siya hihi eh bakit ba love ko to eh! Sakaniya ko lang na fefeel na may kwenta pa yung buhay ko at may nag mamahal pa sa akin.. Yung parents ko? Nevermind wala naman silang pakealam.

"Dalian mo na jusko malate ka pa" reklamo ulit niya.

"Eto na po" dali dali naman akong pumasok sa banyo.. Seriously, ang baho ko nga eww!

Nakakatamad kayang pumasok, ansakit pa naman ng ulo ko may hang over pa. After umalis ni Cesz dumiretso na ko sa bar wala lang trip lang buti nga naka uwi pa ako ng buhay eh.

**

"Nak mag breakfast ka na pinag luto kita.." 

"Hindi na po. Sa school na lang ako mag breakfast.."

"O sha sige tawagin ko na si Fred para maihatid ka na sa school mo.."

"Ako na lang ho..."

"Saglit lang Denise!" not again paalis na lang eh. Tinitigan niya ko. Err.

"Po?"sigaw ko pabalik.

"Aba bata ka bat ganyan suot mo?!!!" lalalalala~~~ ayan nanaman tayo lagi na lang suot ko yung issue dito!

"Wala po akong uniform  tsaka manang college na po ako hindi  na ako high school student." excuse ko lang yan kasi sa University namin may uniform talaga depende sa course mo pero ano naman ngayon? I have my own rules.

"Nako! Ano bang nasa isip niyong mag kapatid ha?!"medyo inis na din siya alam kasi niya na always ready si ate pero na lang ngayon hehe alam naman kasi ni ate na hindi rin ako maguuniform no. Duh!

"Bye manang! Love you!" mapapahaba lang kung mag eexplain pa ko sakanya late na nga diba?

 Bait ko no?

**

Acually thirty minutes ang biyahe ko papunta sa school kung si manong ang mag dradrive pero dahil ako 10 minutes lang. Magaling kasi ako sadya huwag na kayong mag taka.

*SCREEEEEEEEEEECH* Damn.

**

My RevengeWhere stories live. Discover now