KABANATA 5

9 3 0
                                    

KABANATA 5

Unang beses

Sa nagdaan na buwan ay naging busy kami. Hindi ko naman akalain na ganito pala ang buhay kolehiyo. Maraming reports at kung anu-ano pa ang pinapagawa sa amin. Hindi ko ganon nakakausap sina Polinne at Funny dahil lagi nilang inaasikaso 'yung mga reports nila. Tapos ko na rin naman 'yung mga reports ko dahil ayaw kong may inaalala pang gawain sa school.

Minsan ay nainis pa sila sa akin ng mag-aya akong magmall nalang at huwag ng pumasok sa subject na NSTP. Sinigawan nila kong dalawa dahil imbes na asikasuhin ko raw 'yung mga kailangan kong gawin ay nakukuha ko pang maggala.

"Lavender kung ikaw nagagawa mong magloko pwes kami gusto naming gumraduate!" minsan sigaw sakin ni Funny.

Medyo na-hurt ako sa sinabi niyang iyon kaya itinikom ko nalang 'yung mouth ko.

Sa t'wing nagdidiscuss naman 'yung mga professor ko, ni hindi ako nakikinig sa kanila kaya madalas akong pagalitan ng mga ito. Minsan pa ay naparatangan akong nangopya dahil nakakuha ako ng perfect score namin sa quiz. Halos matawa ako sa kaisipang iyon. Ni minsan ay hindi sumagi sa aking mangopya. At may dahilan din naman ako kung bakit hindi ko kailangan makinig sa mga professor ko sa t'wing nagtuturo sila.

Well, actually nakikinig naman talaga ko sa kanila, muka lang hindi kase madalas ay nagsusulat lang ako sa likod ng papel ng kung anu-ano pero alam ko naman kung ano ang sinasabi ng mga prof ko.

Laging ganon ang eksena, di ako makikinig pero nakakakuha ako ng mataas na marka. Kahit na nag-uusok na 'yung ilong ng mga prof ko ay hindi ko sila pinapansin. Tanging sina Funny at Polinne lang naman ang nakakaalam ng dahilan ko kaya naman natatawa nalang sila.

May practice kami ng Volleyball ngayon dahil pasok na rin naman kami ni Funny. Ako lang mag-isa ngayon dahil absent 'yung dalawa kase sabay silang nagkasakit.

Nakamaiksi akong shorts at blue'ng T-shirt. Natatawa na naman ako nang makitang pinagtitinginan na naman ako ng mga kalalakihan dito. Simula nang sumali ako sa team halos lahat ata ay kilala na ko dito. Nagkaroon na rin ako ng Fan Page sa facebook at maging sa twitter. Madami na rin gustong makakuha ng numero ko syempre hindi ko iyon binigay at mayron din mga nagbibigay ng mga tsokolate at bulaklak.

Nagulat naman ako nang may humarang sa'king nakajersey din ng pangbasketball. Nanlaki ang mga mata ko, kung maaari ay iniiwasan ko itong lalaki na 'to dahil tinakbuhan ko siya dati. Halos hindi ko na nga matandaan ang pangalan niya dahil isang buwan ko na rin siyang hindi nakikita.

"I think may kasalanan ka sa akin?" nakangisi siya habang inilalapit ang sarili sa akin habang ako naman ay umaatras. Pinagtitinginan na rin kami ng mga estudyante.

"HA-HA-HA talaga?" plastic kong tawa, nag-iisip kung paano makakatakas sa kanya.

Tumango-tango lang siya sa'kin.

"Uh sige, sorry kung meron man. Sige Mikael, alis nako. May practice pa kami." lalagpasan ko na siya nang hawakan niya ko sa braso.

"What did you say? Mikael?" nakakunot niyang tanong

Patay! Mali ba? Mikael diba? Napatingin ako sa wrist watch ko at late nako.

"Oh My Gosh, Mikael, sorry talaga. I need to go." Hinila niya ko at ipinulupot ang mga kamay sa baywang ko. Halos hindi nako makahinga sa ginawa niya. Nakangisi siya habang diretsong nakatingin sa akin. Ilang beses akong napalunok.

"At kelan mo pa pinalitan ang pangalan ko sa Birth Certificate? You've got to be kidding me, sweetie." Inilapit niya sa tainga ko ang bibig niya.

"It's Michael not Mikael." Napasinghap lahat ng mga babae nang halikan ako nito sa pisngi. Hindi ako makagalaw sa ginawa niya.

LAVENDER KOHWhere stories live. Discover now