KABANATA 16

2 0 0
                                    

KABANATA 16

Yakap

Kanina pa ako nakatitig sa cellphone ko sa text ni Kiernan na nagsasabing nasa bahay na raw ito.

“Waaaaaaah!!” at nagpagulung-gulong ako sa aking kama.

Hinawakan ko ang malaki kong teddy bear at tinignan ito ng maigi.

“Nakakainis ka, alam mo ‘yon? Di ka naman ganyan sa akin noon. Ang sungit sungit mo at halos mandiri ka nga sa akin.” pinagsasapak ko ‘yung teddy bear na animo’y si Kiernan iyon.

“Yan tuloy lalo akong nahuhulog sa’yo. Mas lalo kitang nagugustuhan.” ngumiti ako

Ibinaon ko ang mukha ko sa unan, sana hindi ito panaginip. Ayaw kong masaktan pero umaasa akong meron..

Wala akong ginawa kung hindi magreview sa araw ng sabado. Wala rin naman sina Momsky at Paps kaya ako lang ang nasa bahay. Gusto ko sanang papuntahin sina Polonio at Funny dito sa bahay ngunit tumanggi silang dalawa.

Sa araw ng Linggo ay nagsimba kaming pamilya. Pagkatapos ay umuwi rin agad dahil may pupuntahang party ang magulang ko. Sinasama nila ko pero agad akong umiling dahil pakiramdam ko hindi ako mage-enjoy sa party na iyon dahil karaniwan ay mga kabatchmates nila ang mga imbitado.

Nanuod ako ng movies pagkatapos kong magbuklat ulit ng mga notes ko pero nakakadalawang movies palang ay tinatamad na ako.

Tumunog ang cellphone at tamad ko iyon kinuha.

Kiernan:
Are you free today?

Napaayos ako ng upo.

Ako:
Hmm. Nagrereview ako for midterm exams. Why?

Bigla akong natigilan nang masend ko ang text. Naalala ko nung tanungin niya ako kung bakit ako nakakakuha ng mataas na score sa mga quizzes ko kahit hindi ako nakikinig sa mga professor namin. Ang akala niya nagchi-cheat ako.

Tumunog ulit ang cellphone ko. Napailing ako sa mga naiisip.

Kiernan:
Oh! I’m sorry. Maybe next time?

Bakit ano ba ‘yon? Mabilis akong nagtipa.

Ako:
Actually kahapon pa ako nagrereview. Ako lang kase mag-isa sa bahay. No distractions kaya nareview ko lahat ng notes ko. May sasabihin kaba?

Napakagat ako sa labi ng masend ko na ‘yon. Feeling ko ang haba ng text ko sa kanya. Napabuntong hininga ako at binuksan ang TV. Ilang beses ako naglipat-lipat ng channel at napili ang MYX Channel.

Napatingin ako sa phone ko.

“Wala pa rin?”

Di kaya iniisp niya na dahilan ko na naman ‘yon para makaiwas na naman sa pag-aaral.

Magtitipa na sana ulit ako ng panibagong mensahe nang tumunog ito. Nagulat ako kaya nabitawan ko ‘yon.

Tumatawag si Kiernan.

“Hello?” walang sumasagot kaya tinignan ko kung nasa linya ba siya.

“Hello Kiernan?”

“Hi!” nabigla ako nang magsalita ito. Napapikit ako ng maramdaman ko ang bilis ng tibok ng puso. Napahawak ako doon.

Calm down heart. Boses palang niya ‘yan pero bakit ang gwapo ng dating sa akin?

“H-hi! M-may sasabihin kaba sa akin?” napalunok ako.

“Wala naman. Gusto lang kitang ayaing magdinner….”

Ibinaon ko ang throw pillow sa mukha ko. Wait lang Kiernan. Kikiligin lang ako. Gusto kong tumili pero hindi ko magawa.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 06, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

LAVENDER KOHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon