LOML: 09

241 17 0
                                    

Borj's Point of View

Nagising ako dahil may tumatawag sa cellphone ko, buti nalang at hindi nagising si Roni. Dito kasi ako sa room niya natulog, hindi kami lumabas kahit isang beses kahapon dahil gusto naming masolo ang isa't isa.

Nagpadala na lang din ako ng mga pagkain dito, lalo na 'yung mga gustong kainin ni Roni. Alam ko naman na sa mahabang panahon na tumira siya sa Italy, bihira lang siya makakain ng mga pagkaing hinahanap ng panlasa niya.

"Hello sino 'to?" nagtatakang tanong ko dahil hindi naka save sa cellphone ang number na tumawag.

Baka si Ayra....

"Borj si Ayra 'to, hanggang ngayon hindi mo pa rin sini-save ang number ko!" pagtataray niya.

"Bakit?" binalewala ko lang 'yong sinabi niya dahil wala talaga akong balak i-save ang number niya, kasi kung gusto ko edi sana matagal ko ng ginawa.

"Anong bakit? Tara sabay tayo mag breakfast." Pag-aaya niya saakin. Napansin ko naman ang pag galaw ni Roni, pagtingin ko inaantok pa siyang tumingin saakin.

"Ayra, hindi ako pwede ngayon." Biglang kumunot ang noo ni Roni kaya sinenyasan ko siya na tapusin ko lang ang tawag at ni-loud speaker ko para madinig din niya, nakatitig lang siya saakin.

"Borj, akala ko ba lagi tayo magsasabay mag breakfast pag nandito ako sa resort mo?" Tanong niya saakin, na lalong nagpakunot sa noo ni Roni.

Hindi na ako sumagot sa tanong ni Ayra at agad ko na itong pinatayan ng tawag.

"Sabay pala mag breakfast ha," pagsu-sungit niya saakin.

"Babe wala 'yon, masyado lang kasi talaga siyang makulit tsaka wala naman akong sinabi sakaniya na sabay kami lagi mag-umagahan."

"Makulit pero di kayang iwasan? O baka naman nagkaka-mabutihan na kayo noong mga panahong wala ako?" deretsahang tanong niya.

"Roni hindi---" hindi ko tapos ang sasabihin ko nang bigla siyang tumayo at nagtungo sa sofa.

"Alam mo Borj umalis kana, baka nag-aantay sa'yo, nakakahiya naman." nakatingin lang ako sakaniya, at siya naman ay nililibang ang sarili sa kaniyang cellphone.

"Ganiyan na ba talaga tingin mo saakin?" Seryoso kong tanong sakaniya, kaya napatingin siya saakin.

"Ewan ko Borj, bakit nga ba hindi ko naalala na okay na nga pala kayo ni Ayra haha, baka nagiging sagabal na ako sainyo " sarkastikong sagot niya saakin.

"Roni naman walang something saamin ni Ayra, hanggang kaibigan lang ang tingin ko sakaniya. Maniwala ka naman sa'kin oh." Lumapit ako sakaniya at pinatayo ko siya para mayakap siya ng maayos.

"Please Babe, kahit anong mangyari saakin ka lang maniniwala. Alam mo ba itong resort saating dalawa nakapangalan, Boro Resort." Humiwalay naman siya sa yakap at nagtatakang tumingin saakin.

Borj & Roni....Boro

"Anong saatin, Borj? Akala ko namali lang ako ng dinig kanina, kaya pala nandito ako sa VIP room."

"Binili ko 'to Babe at pinaayos, pero saating dalawa nakapangalan may karapatan ka din dito."

"Nababaliw kana ba, Borj? Pinag hirapan mo 'to dapat sayo 'to ng buo!" Napansin ko naman ang pagka inis sa boses niya.

"Roni, mali ba na ikaw ang gusto ko kahati sa lahat ng meron ako?"

"Ano ibig mong sabihin, Borj?" nagtataka niyang tanong.

Love Of My Life Where stories live. Discover now