LOML: 12

268 15 0
                                    

Roni's Point of View

Ito talaga si Borj kahit kailan e. Buti nalang may kumatok sa pinto, pero sa totoo lang ang lakas ng kaba ko. Pag bukas ko ng pinto, si Jelai at Missy pala.

"Sis tara, nag-aantay na doon sila Kuya mo." pag-aaya ni Missy

"Sis, nakita mo ba si Borj, wala kasi siya sa room niya?" tanong naman ni Jelai

"Hindi ko alam, sis, tsaka di ba nga hindi naman ako hanapan ng nawawala. Alam niyo tara na, hayaan na natin 'yon." Kunwaring pagtataray ko para lang makaalis na kami.

Agad naman silang lumakad kaya sumunod na ako sakanila. Nagchat ako kay Borj na sumunod nalang siya saamin after 5 minutes para hindi makahalata ang barkada.

"Hindi pala hanapan ng nawawala ha! Mamaya ka saakin Ronibabes" reply niya saakin.

"Babe nasabi ko lang naman 'yon dahil nagpa-panggap tayo diba!"

"Oo nalang Ronibabes, sige sunod nalang ako diyan" reply niya saakin.

"Hoy sis, anong ngini-ngiti mo diyan?" biglang tanong ni Jelai, hindi ko napansin na nakangiti na pala ako habang ka chat si Borj.

"Wala sis, natawa lang ako sa nakita ko sa facebook" mukhang napaniwala ko naman siya sa sinabi ko dahil hinayaan nalang niya ako.

"Muntik na ako mahuli ni Jelai na kausap ka grrr" chat ko kay Borj at nag react lang siya ng natawang emoji .

Kaunting lakad lang ay nakarating na kami sa pwesto nila Kuya, halatang nauna na silang magtampisaw sa dagat dahil mga basa na sila. Ilang minuto lang ay dumating na din si Borj.

Aba'y ang loko feel na feel ang hangin, may paghawi pa sa buhok at naka suot pa ng shades. Pero sa totoo lang, ang hot niya sa suot niya.

Erase.erase.erase

Bawal magkasala ngayon, jusko po ngayon palang ang lakas na ng karisma ni Borj paano pa pag basa na ang suot niya?

"Sister, ang laway mo baka tumulo" sabi ni Kuya, kaya inasar kami ng barkada.

"Asa Kuya noh, mukha ngang palaka yan e." Pagtataray ko.

"Ikaw Roni sumosobra kana ha, kung ako mukhang palaka...ikaw mukha kang walis tingting" kunwaring inis na sabi ni Borj, si Kuya naman ay nagpipigil ng tawa.

"Ang sabihin mo sexy ako, jusko Borj aminin mo na. Kung makatingin ka nga sa katawan ko grabe e!" Confident kong sabi sakaniya.

"Saan ka naman kumuha ng kakapalan ng mukha ha, hindi ka sexy. Mas sexy pa nga si Ayra kaysa sayo e." Naka ngisi niyang sabi.

Teka parang nasaktan ako sa sinabi niya.

Alam ko pinag ti-tripan lang namin ang barkada, pero parang nainis ako sa sinabi niya. Hindi nalang ako nagsalita at dumeretso na ako sa dagat. Sumunod naman saakin sila Jelai at Missy.

"Sis, okay ka lang ba?" nag-aalalang tanong ni Missy.

"Oo naman noh, wala na din naman akong pake sa taong 'yon" seryoso kong saad.

"Sure kaba sis, pero halata kasing nasaktan ka sa sinabi ni Borj?" nag-aalalang tanong ni Jelai

"Sis, kahit nasaktan man ako sa sinabi niya wala na ako magagawa doon, tsaka okay lang talaga ako. Hindi ako papaapekto sa PANGIT na 'yon" nilakasan ko talaga ang word na PANGIT para madinig ni Borj at malaman niyang naiinis ako sakaniya.

Nakita ko din ang kaba sa kilos niya, siguro napagtanto niya na mali siya ng nasabi kanina. Tumatawa naman si Kuya dahil sa mga nakikita niyang scenario saamin ni Borj, ang loko talaga ni Kuya.

Love Of My Life Where stories live. Discover now