Chapter 07

17 4 0
                                    

07: Too Shy

Napapikit ako nang dalawang beses bago ako nakasagot sa kaniya. "O-oh wow," tangi kong naisagot at kinuha ito. "Thank you."

Bumukas na rin 'yong elevator kaya pumasok naman na kami agad. Buti nalang may mga pumasok din na ibang mga employees. At this moment, I think I'm feeling shy to be left alone with Kent.

I silently gulped as I stood by a corner away from Kent. Lalo lang tuloy na mainit sa kapaligiran. What is happening to me? I can feel my heart beating so fast, I don't understand!

Well, it feels new anyway? It's ok to feel... butterflies from it.

Butterflies? No way. I shook my head continuously

Pagkalabas namin ng elevator, dali-dali na akong pumunta sa desk ko at umupo nang maayos. Maya-maya ng kaunti, biglang tumunog phone ko nang may nag-text.

It was from Samantha at hindi raw siya makakapasok kasi nilagnat daw siya. Ok, now this is so awkward. Kami lang ni Kent ang nandito sa office? Whooo. Everything's good, Ashley. Everything's fine. It's alright.

Napatingin ako bigla sa daisy na naipatong ko sa ibabaw ng desk ko. Agad ko itong inilagay sa maliit kong vase kahit alam kong matutuyot lang din siya. Kent really is unpredictably unstoppable.

My phone once again rang from another text message. It was from Angel. I immediately opened it.

Angel De Guzman

Good morning, Manager! I made salad for breakfast po. I'll be shopping alone this morning pero don't worry, I'll be fine. Anyway, may kasabay ka na ba mag-lunch?

I blinked twice before replying. I almost forgot about greeting Angel this morning sa kakaisip ko sa mga ganap ngayon, pero why the heck is he asking kung may kasabay bako mag-lunch? Hirap naman nitong replayan knowing malisyoso ang magiging reaksyon nito. Napabuntong-hininga ako saglit bago ko naisabi na may kasama na akong mag-lunch.

Me

Good to know nag-prepare ka ng breakfast mo. Mag-ingat ka sa mall, pasama ka kay Ben kung gusto mo. May kasabay ngalang ako this lunch, sorry. Eat with Ben.

Mabilis lang siyang rumesponde sa message ko. Was he perhaps waiting for my answer?

Woah, kasabay reveal?

Napa-irap lang ako sa kaniya.

You know who :))

°°°

I was making coffee when I suddenly stopped from a woman's scream I heard from outside. Iniwan ko muna 'yong tinitimpla ko para lumabas ng kusina.

I saw some of the employees entering the printing office. Napakunot ako kaagad ng ulo. What could go wrong here inside? Dali-dali akong pumunta rin doon. Mag-isang tumaas ang mga kilay ko nang makita ko si Kent na nakaluhod na nagpupulot ng mga nakakalat na mga papel.

"Napakalampa mo naman? Paano ka ba nakarating dito sa taas? This is so stupid, nagmamadali ako please?" pagsisisigaw ni Tiffany kay Kent. Agad akong napakunot-noo sa inasta niya. This woman is always testing me.

Dali-dali kong tinulungan si Kent kasama ng iba sa pagpupulot habang walang tigil sa kakadada si Tiffany.

"Ayos ka lang ba, Kent?"

"Sorry, Miss Ashley," natatakot na sabi nito.

"My gosh, Castro. Tao mo ba 'tong tatanga-tanga na 'to?" tanong niya na para bang nang-iinsulto.

Napangisi naman ako sa asar. Naghahanap ba ng gulo 'tong babaeng 'to? Agad akong napatayo at napatingin sa kaniya. "Mahiya ka naman sa mga pinagsasasabi ng bibig mo, Manager Tiffany. Napakaperpekto mo yata, ha?" tanong ko naman sa kaniya na nakataas ang kilay.

Miss-Managed YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon