Chapter 14

12 2 0
                                    

14: Sharing is Caring

"Mamshiecakes! Tara, let's have lunch!"

Kasalukuyang lumabas kaming tatlo nina Samantha at Kent papunta sa cafeteria ng Claudious. Nakakalabit sa braso ko si Sam habang nasa kabila ni Sam si Kent.

Nagpaalam naman sa akin si Angel na hindi raw siya rito kakain. Baka tinawagan niya na naman si Ben para magsama sila. Swerte nila't laging libre ang lunch time para magkasama sila.

Pagkarating namin doon ay kumuha na rin kami ng pagkain namin at saka pumwesto sa isang tabi. Habang kumakain kami ay nagkukwento lang si Sam ng mga ganap-ganap niya.

"Alam mo Mamsh, inangasan na naman tayo ng bata natin," sabi nito na parang hindi makapaniwala. "Jusko, ang pogi-pogi kahapon ni Coby doon sa Byalles! Inangkin niya na 'yong school boy drip, grabe! I have no words."

Napangiti naman ako sa tuwa. "Talaga? May picture ka ba riyan?" tanong ko sa kaniya. Agad naman siyang rumesponde ng tango at inilibas ang phone niya na may picture ni Coby. Lalo pa tuloy akong napangiti at napahiyaw. "Grabe ka na, Manager Sam!"

"Bagay 'yong outfit ano?" masayang tanong ni Sam. "Kuya talaga nitong si Coby, magaling pumili ng damit. Gustong-gusto ko style nito e."

"Ang cute-cute ng Coby natin."

"Totoo, talaga Mamsh," sabi nito at natawa. Nakita kong unti-unti siyang napatingin siya sa kamay ko. "O, may bracelet ka rin pala, Mamshiecakes?"

"Hm?"

"Bigay rin ba ni Manager Kent?" tanong niya. Napatiningin naman ako rito at napatango.

"Ah oo, bigay ni Kent kagabi," sabi ko. "Yellow ba favourite color mo?"

"Obvious naman siguro, Mamshiecakes!" natatawang sagot nito. "Ang galing ni Kent ano?"

"Oo nga e," sabi ko. "Kahit saan mo yata 'to isabak si Kent, lalaban 'to."

Tumawa lang si Kent sa sinabi ko. "Grabe naman 'yon, Miss Ashley," sagot niya. "Mga ganiyan-ganiyan palang kaya kong iambag dito, parang sa giyera mo naman ako ipapatapon."

"Sus," sagot ko kaagad. "Masyado ka na namang pa-humble e totoo naman talaga na magaling ka?"

"Truth ka diyan, Mamsh. Si Kent, lagi nalang nagpapabebe," sabi naman ni Samantha na pabirong tinarayan si Kent. Natawa lang si Kent sa amin at saka inutusan kaming kumain.

Habang kumakain ay sabay-sabay na tumunog ang mga phone namin, something like notifying us. Napabukas ako kaagad ng phone ko. Agad naman nanlaki ang mata ko sa nabasa ko.

"Chavez x Ramos' New TV Show Eyes Claudious Entertainment Actors for Male Lead Roles"

Napatingin naman ako sa dalawa na nakatingin din sa kanilang mga phone. Nanlalaki rin ang mga mata nito sa gulat.

"Mamshiecakes, si Angel ba 'tong nasa isang picture?" tanong agad ni Samantha.

I just analyzed the image of a silhouette and I can certainly tell that it's Angel. Bumibilis ang tibok ng puso ko sa adrenaline rush.

"Sino pa ba dito sa Claudious ang sumali bukod pa kay Angel at Mykel?"

"I think merong sumali sa Team Dane," sambit ni Kent. "Noong Saturday lang po, nakita ko po si Miss Vivien dito sa agency, and people said sa Team Dane daw ang punta. But still I don't know."

Napatango lang ako. "Mamaya, maghanap tayo ng picture ni Mykel na tugma rito."

After eating, we immediately went back to the office. I told them to look for Mykel's picture while I contacted the public relations team of Claudious to prepare articles of either both. I also thought of a strategy that would make the audiences go wild.

Miss-Managed YouWhere stories live. Discover now