00

18 0 0
                                    


Sabi nila ang pagmamahal ay Wala sa edad at estado ng Buhay. Yun ang nakikita ko sa mga magulang ko.




Bilang nag iisang anak at pinagkakatiwalaan na makapagtapos kahit mahirap na umalis ay kakayanin ko.







Habang nag iimpake ay nakikita ko kung paano punasan ni Nanay ang pawis na Tatay habang nagpapahinga ito galing sa bukid.









" Anak galingan mo sa Maynila, tumawag ka kapag namimiss mo kami" Saad ni Tatay habang hinahanda ko ang mga gamit ko




"Opo Tay atsyaka tatawag Naman po ako kapag Hindi po ako busy , maghahanap nadin po ako ng mapagkitaan para Hindi kayo masyadong mag alala ni Nanay sa Pera " Sabi ko habang kinukuha ang iilan ko pa na damit








" Anak wag kang magpaka pagod Doon kapag madami ang mabebenta na gulay ng Tatay mo ay magpapadala kami kahit kunti " Sabi ni Nanay








Ngumiti nalang ako sa dalawang magulang ko na kahit sa ganitong estado ng Buhay namin ay masaya kami at kahit walong taon ang agwat ng edad nila ay kitang kita ko ang pagmamahalan nilang dalawa.







Pumasok ako ulit sa maliit ko na kwarto at nahagip ng mata ko ang litrato namin noong nakapagtapos ako ng senior high sa bayan.








Kinuha ko ito at nilagay sa bag ko kahit papaano ay may litrato akong matitignan pag namiss ko sila.





Bukas ng madaling Araw ang alis ko. Eroplano ang sasakyan ko papuntang Maynila. Mamimiss ko ang Iloilo Dito ako lumaki pero para sa pangarap namin Nina Nanay kailangan ko mag aral ng kolehiyo para makapag tapos.





Sumapit ang Gabi at tulog na Sina Nanay habang Ako ay pinagmamasdan sila na nakahiga sa maliit na papag at magkatabi.







Ang saya lang tignan ng ganitong Buhay pero pag si Tatay ang magsabi masaya nga pero kailangan umasenso.







Hindi na ako nakatulog at nagising nalang si Nanay ng 1am at nakitang nakaligo na at nagkakape ako.







" Magbaon ka ng tinapay anak at baka magutom ka sa biyahe " saad Neto pero nakikita ko na Ang lungkot sa mga mata niya







Habang nakatalikod ito ay naririnig ko na ang hikbi niya. Agad ko siyang nilapitan at niyakap. Nag iyakan na kaming dalawa.







Ilang minuto din at biglang may kumatok sa pintuan. Kaya nagising na din si Tatay..pinunasan ko ang luha ni Nanay.




" Mag iingat kayo Dito Nay....alagaan niyo po Yung sarili niyo ni Tatay " Sabi ko sakanya at niyakap Siya






" Fate anak...andito na Ang Tito Henry mo" malungkot na Sabi ni Tatay






Agad ko na kinuha ang dalawang bag na Dala ko at niyakap sila ulit.





" Tutuparin ko ang pangarap natin Nay at Tay " Saad ko at bumitaw na sa yakap




Nang makasakay na sa Tricycle ni Tito Henry ay kumaway na ako kina Nanay at Tatay. Habang papalayo sa bahay ay kusa ng tumulo ang mga luha ko .



" Pamangkin kaya mo Yan! Para sa pangarap! " Pag papalakas ng loob saakin ni Tito kaya ngumiti ako






Para sa pangarap Fate Ruiz.


Pero Akala ko para lang sa pangarap ang pumunta ko sa Maynila pero Hindi lang pala.






Kung gaano kalayo ang Iloilo at Maynila ganoon din kalayo ang edad ng taong mamahalin ko sa edad ko.



*****

(Author)

Please support my new story!







LOVE 01: AGE GAPWhere stories live. Discover now