02

2 0 0
                                    

Napa tigil ako sa paglalakad Hindi ko alam kung ano Yung nararamdaman ko kumakabog ang puso ko.

Kinakabahan man ay pinagpatuloy ko ang paglalakad Hanggang sa harap ng building ng apartment. Ngumiti ako Kay Kuya Guard at diretso na pumasok.

Dahan dahan akong umakyat ng hagdan papunta sa third floor. Nang makarating ako sa third floor ay diretso akong naglakad papunta sa pintuan ng kwarto ko.

Kinuha ko sa bag ang susi at binuksan ko na Ang pinto. Pag pihit ko ng doorknob ay sabay na pag bukas ng pinto sa kanan ko at iniluwa into Ang lalake na dahilan ng kaba at bilis ng tibok ng puso ko.

Siya Yung bagong lipat Pala sa kabila. Sabi ng may Ari ng building noong Isang Araw ay may lilipat daw Dito sa katabing kwarto ko.

Hindi ko maiwasan na tumingin sakanya pero halos mapaatras ako ng nagtagpo ang tingin naming dalawa.

Tinignan niya ako sa mata at diretso sa uniform ko napansin ko na tinignan niya ang patch ng university kung saan ako nag aaral.

" Kanina pa nakabukas ang pinto mo Hindi kaba papasok? " Halos mamula ako sa sinabi niya kaya Hindi ko na Siya sinagot at pumasok ako agad.

Nilock ko ang pintuan at tumakbo papuntang kama ko. Nakakahiya!!!

Habang hinahampas ko ang sarili ko sa unan dahil sa hiya kanina ay biglang tumunog ang alarm ko.

6:30 pm na.

Ibig sabihin kailangan ko ng Kumain at Gawin ang iilang activities na pinapagawa.

Naghanda na ako ng pag kain at pagkatapos ay sinimulan ko na Ang pag sagot ng mga activities namin.

Lumipas ang 30 minutes at natapos ko lahat ng activities pagod man ay Wala akong magawa kung Hindi ay mag prepare para pumasok sa coffee shop.

Pagkatapos ko mag ayos ng sarili ay kinuha ko na Ang maliit ko na bag at diretsong lumabas ng kwarto.
Habang dahan dahan ko sinara ang pinto ng kwarto ay napatingin ako sa kabilang pinto.

Naalala ko kanina kung gaano kagwapo ang nakatayo sa pinto sa kabila hayss.

Habang pababa ng hagdan ay nag text ako kina Nanay kung kamusta na sila. Buti Naman at okay lang sila.

Nakarating na ako ng coffee shop at sinuot ang apron para mag start na sa shift ko.

///////

Time check.

2:30 am

Pauwi na ako ng bahay at usual pagod nanaman ako dahil madaling Araw na dahan dahan akong papasok ng kwarto ko. Halos magulat ako ng biglang bumukas ang kabila.

" Hindi uwian ng babae Yung ganitong Oras" malalim na boses ang nagsalita kaya napatingin ako

" Ah ano may trabaho Kase ako " sagot ko at umiwas sa tingin niya pero hindi na ako nakarinig ng sagot kung hindi ay ang pagsarado ng pinto.

Tsk. Bastos tuh.

Pagkapasok ko ay diretso ako sa kama at natulog. Hindi ko na kinaya ang pagod.

~~~~~~~~

Pawis na pawis na ako kakatakbo dahil 30 minutes late na ako. Ang alam ko ay may bagong professor ngayon at papalit Kay Professor Cheska.

Eh dalawang magkaibang subject kami ngayon Kay Professor Cheska at ibang Professor na ngayon.

Kung minamalas ay First subject namin Yung isa dun.

2 hours yun at chat ng chat sina Tasha at Jared saakin. Magugulat daw ako pag nalaman ko kung sino yung bagong professor namin.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 05 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

LOVE 01: AGE GAPWhere stories live. Discover now