Chapter 1

0 0 0
                                    

"hoy bata!" sigaw ko sa isang batang lalaki na na-iiyak dahil tinatahol siya sa alangang aso nina Ma'am Elise dito sa tabi ng pool kaya lumapit ako doon sa aso tinaboy ito.

"hoy okay ka lang ba? di kaba kinagat ni King?" pangalan iyong ng aso nina ma'am Elise, tumango ito sa akin  sa tanong ko.

"Salamat bata" sabi nito at ngumiti sakin, parang nakalimutan agad niya ang nangyari kanina na halos maiyak ito dahil sa takot.

"Wag kang manggaya!" singhal ko sa kanya

"Eh tinawag mo'ko bata eh, patas na tayo" angal nito sakin kaya sumimangot ako

"Ako nga pala si Ditch hindi bata ang pangalan ko at tsaka big boy na ako!" masiglang sambit nito sakin

"Diko naman tinatanong ang pangalan mo at tyaka anong big boy eh maiiyak kana kanina dahil kay King! May big boy bang umiiyak?" masungit na angal ko sa kanya.

"Sungit naman, tsaka natakot lang ako no kung ikaw kaya taholin ng aso baka iiyak ka agad" bawi nya naman sa akin
"Ikaw anong pangalan mo?" Tanong nito nang hindi na ako nagsalita at akmang aalis .

"Wala" tipid kong sabi wala akong balak magpakilala sa kanya diko sya gusto

"Wala? Wala ang pangalan mo? Meron bang ganon?" parang di makapaniwalang saad nito, pansin ko din ang pagmadaldal nito.

"Wala akong pangalan!" inis na sagot ko dito

"Pwedi ba yon? Dali na anong pangalan mo?" pangungulit nito sa akin

"ayoko" sabi ko at tumalikod sa kanya pero sinundan niya ako papunta sa entrance door pa punta sa sala ng bahay ni ma'am Elise.

"Sige na kasi bakit ayaw mong sabihin sakin?" grabe ang kulit nya alin ba don sa sinabi ko ang hindi niya naintindihan?

"bakit ba gusto mong malaman yung pangalan ko?" inis na tanong ko sa kanya

"So we can be friends" masayang sabi nito sakin

"Ayokong maging kaibigan ka" saad ko dito

"Bakit naman?" nakasimangot na tanong nito sakin

"Basta ayoko lang!"

"Ang sungit mo naman, pero okay  lang gusto pa din kitang maging kaibigan" bahala sya sa buhay niya diko sasabihin ang pangalan ko.

"Ditch!" sigaw ni Gionique siya ang anak ni ma'am Elise diko alam magkakilala pala sila nito makulit nato.

"Gi buti bumababa kana, muntik pa akong makagat ng aso niyo buti nalang nakita ako ni sungit" daldal nito kay  Gi, ang ingay niya talaga.

"Really? Sorry for that I'll tell yaya later to handle  King and what was just did you say? Sungit? You mean si Jez?" kunot nuong tanong ni Gi, ang galing alam na nya ang pangalan ko

"So Jez pala ang pangalan mo sungit?" parang ngiting tagumpay ang nasa labi niya ngayon.

"Lets go Ditch the guys are already waiting for us upstairs, sige Jez taas lang kami pero kung gusto sumama kana rin maglalaro kami ng PC games ngayon" paanyaya  ni Gi, gusto ko sana kaso baka kailangan ni mama ng tulong sa kusina.

"Sama kana samin para di kana masusungit" dagdag pa ni kulit

"Hindi na muna Gi, tutulongan ko pa si mama eh" pagtangi ko dito kaya tumango lang ito

"Ah ganun sige, akyat ka lang sa taas mamaya kung gusto mo" sabi nito  at naglakad patungong hagdanan

"bye Jez! Magkaibigan na tayo ha!" Masayang sambit nito habang nasa hagdanan sila ni Gionique.

"Oii baka ako yang iniisip mo ha! crush muna ako no?" nakatunganga lang ako ngayon dito labas ng mansiyon habang dinidiligan yung mga halaman ni ma'am Elise tapus may asungot na sumulpot.

"Ikaw Jez ha! May pagnanasa ka na ba sakin? Wag kang mahiyang magsabi sa atin-atin lang din naman promise diko ipag-sasabi" anak ng ang kapal talaga ng mukha ng lalaking to kaasar, sabado ngayon kaya tumutulong ako sa gawain dito sa mansiyon. Dati subrang saya ko kapag weekends kasi diko makikita tong asungot nato pero nong nakaraan halos kada sabado at linggo parati siyang nandito. Parang ginawa na niyang bahay tong ang bahay nina Gionique kaysa sa bahay nila.

"Ikaw yung mahiya sa mga pinagsasabi mo Ditch kilabotan ka nga" inis na binalingan ko sya ng tingin, pero parang wala lang sa kanya.

"Ang sungit mo pa din tulad nong una nating pagkikita" nakangiting saad nito sa akin

"Wala akong pake, kaya wag mo'kong bwesitin!" singhal ko sa kanya at tinalikuran siya para ipag patuloy ang ginagawa ko

"Today is the exact day that we meet twelve years ago" sabi nito dahilan para lingunin ko siya nakangiti pa din ito sa akin. Tanda pa din niya iyon? twelve years ago na? grabe bilang ba nya talaga?

"Sana sa susunod na taon sabay na tayong bilang, sige Jez see you around!" sabi nito at pumasok na ito sa loob ng mansiyon, nakunot ang noo ko anong ibig niyang sabihin?

Your Behalf Where stories live. Discover now