Chapter 2

0 0 0
                                    

Mga bandang alas singko ng umaga ako bumabangon para matulungan ko si mama sa kusina kahit hindi naman mabigat yung trabaho niya, may maraming katulong ang mansiyon kaya kunti lang ang trabaho ni mama at dahil siya ang katiwala dito mansiyon  siya yung nag-uobserba sa mga katulong dito kung ginagawa ba nila ang kanilang trabaho.

Pero pagdating sa pagluluto si mama lang ang pweding magluto dahil iyon ang bilin ni Gionique ayaw niya sa iba itinuring mama na din ni Gionique si mama, maging si mama din ay anak ang turing niya dito kasi simula pa pagkabata nito ay si mama ang nag alaga dito dahil busy ang mga magulang nito sa kanilang negosyo at dahil din don naging malapit kami ni Gionique sakatunayan kuya na din ang turing ko sa kanya.

Naalala ko pa noon nung ipinasok ako ng kanyang mama sa mamahaling school kung saan siya ang nag-aaral din ay inaway ako don dahil di daw ako pwedi nang malaman iyon ni Gionique ay nagalit ito nalaman ko nalang na suspend ito ng dalawang buwan dahil nireport ni Gionique.

Malaki ang utang na loob ko sa pamilya nila una sa lahat kinupkop nila kami nina mama at papa binigyan ng desinting trabaho tapos sila din ang nag papaaral sakin. Kaya gagawin ko ang lahat para masuklian ang kanilang ginawang kabutihan sa amin.

"Magandang umaga po ma!" bati ko kay mama habang nagluluto siya ng almusal namin ni Gionique.

"oh gising kana pala! halika paki balatan tong sibuyas" saad nito kaya agad akong tumugon, nang malapit ng maluto yung niluluto ni mama ay nag paalam akong maliligo na ako.

At dahil maaga pa may panahon pa ako para sa mga kaechusan ko katawan sabi kasi ni mama dalaga na daw ako kaya dapat kong alagaan yung sarili ko. Pagkatapos non ay agad akong bumaba para mag almusal at para maka-alis na din para pumasok sa school.

"Morning" si Gionique iyon, kababa lang sa hagdanan galing sa kanyang kwarto. Yung kwarto ko kasi andito sa baba malapit sa kwarto ng ibang katulong iisa lang silang ginagamit na kwarto maliban sa amin ni mama, simula kasi nung nag high school ako ay pinalipat ako ni ma'am Elise sa kwartong iyon dahil dati sina mama ang katabi ko sa isang kwarto na malapit rin sa kwarto ng mga katulong.

"Saan ang good?" sabi ko dito? 

"There's no good in my morning, so it's just morning" sagot naman niya

"Pasan mo ba ang mundo? dinaig mo pa si Zit eh pero good morning din" asar ko dito syempre malaya ko itong naasar.

"Is she has a problem?" kunot nuong tanong nito sakin kaya na pangisi ako.

"Bakit concern ka? Ikaw ha may crush ka sa bff ko no?" asar kong muli sa kanya at dahil don mas lalong kumunot ang nuo nito. Kasi ito lagi ang ekspresyon niyo kapag inaasar ko sya sa kaibigan ko. Baka nga crush niya yun eh.

"Your just hungry Jez come on let's eat" sabi nito at kinaladkad agad ako nito papuntang dining room.

"Oyy ang kuya ko nag bibinata na, crush mo si Zit no? promise shut up lang ako" mas lalo ko pa siyang inasar minsan lang kasi kami nakakapag usap dahil lagi silang magkakasama ng kanyang mga kaibigan niya, kaya lubos-lubosin ko na.

"Stop calling me kuya! I'm not old and stop your nonsense let's just eat, we're going to be late" kaya ayon tinikum ko na yung bibig ko at kumain.Pagkatapos naming kumain ay sabay kaming lumabas ng mansiyon.

"hop in!" nakaprada agad sa harapan ko yung sports car ni Gionique.

"Ayoko nga baka ma issue pa ako sayo! tsaka ayokong makita yung bwesit mong kaibigan, mag jejeep nalang ako" pag tanggi ko dito, kahit alam ng mga taga Yanxy na magkaibigan kami ni Gio at nakatira ako sa kanila ay may mga tao paring mahilig maeissue kaya minsan ayokong nagpapansinan kami ni Gio sa school para iwas issue ganon.

"You sure?"

"Yups kaya layas na!" natatawang pag taboy ko sa kanya. Nang makaalis ni Gi ay lumabas na din ako sa gate at nag simulang maglakad patungong sakayan. At dahil maaga pa maluwag ang jeep ngayon kaya pwemisto ako malapit sa labasan para mabilis akong makalabas kapag baba na ako.

"Morning!" masayang bati ni Zit sakin ng makarating siya, agad itong umupo sa likuran ko kung saan sya naka-upo

"Morning din, may assignment ka?" sabi ko habang nakangiti din ng humarap ako sa kanya.

"Pag sasabihin ko wala anong gagawin mo?" pabirong tanong nito sakin.

"Ikaw pa? kailan kapa pumasok na walang assignment kaya wala kang maluluko Zithea Del Mundo! dali pa kupya" saad ko sa kanya, iniba ko ang posisyon ko kaya kaharap ko na siya at ang likod ko ay ang kaharap ng block board. Nilabas niya ang assignment niya na nasa papel at dahil matino akong kaibigan yung papel na din niya ang ginamit ko.

"Pa hiram na din ng ballpen" dagdag ko pa, umiling lang ito sa akin at ibinigay yung ballpen niya sa akin kaya nag simula na akong mag sulat.

Nang matapos akong kumupya sa assignment niya ay umayos na din ako ng upo at nag pasalamat, syempre para pakupyahin pa niya ako ulit.

"Good morning Jez!" napatigil ako sa ginagawa kong pag aayos ng mga gamit ko sa desk ko nong narinig ko iyon. Tamad kong inangat ang tingin ko sa kanya naka ngisi ito sa harap ko.

"Morning" tipid kong bati pabalik

"Good mood ka ata ah!" naka pakapameyang pa ito.

"Kaya wag mong bwesitin Ditch" sabi ni Justin sabay tapik sa balikat nito at pumunta sa kanilang upuan maging sina Gionique, Ethan at Kean. Sumimangot agad si Ditch dahil sa sinabi ng kaibigan niya, para talagang bata si Ditch minsan.

"Sige mamaya nalang kita kukulitin Jez!" anak ng! may pa schedule patong asungot nato para bwesitin ako!

"Ditch!" umalingawngaw ang boses ko sa buong classroom dahil sa inis ko kay Ditch, pano ba naman yung journal book ko na kaninang ipinasa ko kay prof ay kinuha niya kaya pinatawag ako sa office bakit daw di ako ang submit at pano ko nalaman na nakay Ditch ang journal ko? simple lang dahil kami lang daw ang hindi nakapag pasa.

Nilibot ko ang buong paningin ko sa classroom nguti wala akong nakitang Ditch, wala akong pake kung naka tingin ang lahat ng mga kaklase ko maging si Zit at ang kaibigan ni Ditch  ay nakatingin saakin. Bwesit asan nayong lalaking iyon?

"Hoy asan ang kaibigan ninyong asungot?" tanong ko sa apat na mga lalaking kaibigan nito.

"Ewan ko kung saan yun" kapit balikat na sagot sakin ni Kean, pinasadahan ko rin ng tingin yung tatlo pero umiling lang din sila.

Your Behalf Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin