Gets mo na? Gets ko na!

478 3 0
                                    

Ang init ngayon ng panahon noh!

Gusto nyo bang mag coke sakto, libre ko

Sarap uminom ng coke sa panahong ito

Sa munting lilim dulot ng pulang payong na’to

 Ang lamig ng coke na hawak ko

Sakto talaga, pamatid ng uhaw ko

Magkwentuhan kaya muna tayo

Habang hindi pa ubos ang coke na’to

Sa wakas, natuyo na ang pawis

Pati ang pagod ko ay naalis

Nagkasayahan tayo at nagbiruan

May awayan din paminsan minsan

At sa inyo, marami rin akong natutunan

Hay… ang ikli talaga ng oras

Ang lahat nga talaga ay may wakas

Di ko namalayan, ang coke ay ubos na pala

Sige, paalam na, hanggang sa muling pagkikita

Dulot ng TungangaWhere stories live. Discover now