Ang Simula

222 16 6
                                    

Ang Simula

Alexine Lewis


Paano tumitigil ang isang tao sa pagluluksa?

Paano mo sasabihin sa sarili mo na ginawa mo na ang lahat?

Simula pagkabata nang magkaisip ako, hindi ko pa man din alam, nagluluksa na pala ako. Hanggang ngayon. Hindi ko alam kung paano ako titigil dahil pakiramdam ko ay mahihiwalay ako sa sarili ko. Para bang wala nang ibang alam na lenggwahe ang puso ko. Hindi na nito alam kung paano kilalanin ang saya, pag-asa. Pagmamahal.

Ang sabi nila, hustisya raw ang makakapagbigay ng kahulugan sa lahat. Maging ako rin ay may paniniwalang ito ang magiging libro na magmumulat sa akin ang salitang pagtanggap. Hindi pala. Dahil kapag pala buong buhay mo ay walang nagturo sa'yo kung papaano, ang lahat ay isang malaking pagdududa.

This was my life's work, and I was already half-way done. Grief is the last act of love. Sorrow is the entrance to faith. Wrath is also the hand that holds hope and perseverance.

Yet why was I still in the same spot since the beginning? I learned nothing about grief. Grief is still grief.

How do I stop? How do I move on?

How do I tell myself it is over? At ease, soldier.

Umihip ang katamtamang hangin na siyang nagpagalaw ng mga bangka sa ibaba ng tinatapakan kong tulay. Tuwing iihiip ito ay naririnig ko ang pagtama ng kahoy sa bato. Kalmado ang tubig-dagat sa hapong iyon.

Naroon ako na nakatayo ilang pulgada mula sa tubig at ilang minuto bago ang paglubog ng araw. Hinihipan ng hangin ang buhok at damit ko habang nakatanaw sa hindi kalayuang balsa. There she sat with her feet dangling in the waters and the hem of her dress now soaked.

I had watched a thousand sunsets in my life. I memorized when it would turn orange or red, but now, hiding behind her long jet-black hair like a cloak, the last sun rays shined green. Hindi berde na madalas kong makita sa aming uniporme kung hindi berde na diyamante.

Pumagaspas ang mga ibon sa mababang himpapawid.

The green lights sparked into the blue sea, and each time it hit my eyes, I would dive into the past in broken fragments. The ringings bells. The golden memorial cross. The castle of ruins. And when I would blink, I would resurface back here. To her reflection in the waters, to her hair swaying softly, to her quietness.

Kalahati ang nakita ko mula sa pagsasalubong namin sa corridor ng school nang hindi pa kilala ang isa't isa. Sa tree house na ginawa ng aking ama bago siya namatay. Sa luma ngunit gintong globo sa library. Laban sa kalahati ng tinatanaw kong munting mga alon ngayon.

The mess hall, the lost sigil, their vineyard and the hidden maze. My cousins and hers. Our stupid fights and her laughs echoing in between. I remembered it all.

Muling umihip ang hangin at itinulak ang mga bangka. Pinanood ko ang pagtingala niya sa mga ibon kasabay ng paghina ng tunog ng kampana sa aking memorya.

"Lex! Galing ako sa terminal! Wala raw silang nakitang sumakay sa mga barge–"

Nilingon ko si Jones na napatigil nang makita ang kalmadong dagat. Isang ngisi ang pinakalawan ng pinsan ko sa kabila ang taas-babang dibdib.

I crossed my arms and let my gaze gravitate back to the waters. Sa likod ko ay naririnig ko na rin ang papalapit na batang si Atoy.

"Papa! Tito Lex! Hindi namin nakita ng mga kalaro ko sa talipapa! Susubukan po namin sa port–"

"Ayos na, 'Toy! Nakita na ng Tito Lexine mo..."

"Po?! Saan?"

Hindi ako kumibo at hinayaan silang mag-ama sa gilid. Soon enough, they joined me in that quiet afternoon. Paminsan-minsan ay kumakaway si Atoy at kahit walang sigla ay kumakaway rin...siya...pabalik.

Horrors in the Light (Ruins of Helen #1)Where stories live. Discover now