Kabanata I

122 11 0
                                    

Kabanata I

Timothy Laguardia


All hell broke loose after that secret meeting. I made choices that almost destroyed my career, their trusts, and the whole point of all. But before everything else, what started it was the day I finally decided to know my father.

"Happy birthday, hijo! Ano ang gusto mo para sa kaarawan mo? Sapatos? Cellphone?"

Isang banyagang lalaki na nagpakilalang tiyuhin ko raw ang dumalaw sa amin nang araw na iyon. Maximum Colombo, kapatid ng aking ina na si Maxine Colombo. Patay na.

Sa gilid ko ay kanina pa ako parang demonyong binubulungan ni Jones. Cake. Cellphone. Iyong jersey namin sa liga. Pera...

Halos hindi maubos ang listahan sa utak ko pero habang pinagmamasdan ko ang mukha ni Maximum Colombo ay biglang dumaan sa isip ko ang maamong mukha ni Mama.

Batang-bata pa ako noon kaya wala akong masyadong matandaan pero alam kong maaga siyang namatay dahil sa sakit. Minsan ay naaalala ko ang mukha niya pero madalas ay parang isang aninong may boses na lang. Nang mamatay siya, ang lolo ko na ang nag-alaga sa akin pero palipat-lipat kami ng tirahan, ngayon ko lang napagtanto kung bakit.

My grandfather was the retired General Maximiliano Colombo of the Army, a cabinet member of a previous administration. They said he was strict but did his job justly. He had many enemies because of this.

Unti-unti'y naubos ang pera niya marahil na rin sa pagpapagamot noon kay Mama at sa pagpapalipat-lipat namin. 'Di nagtagal ay namatay rin ito dahil sa kahinaan. Naiwan ako sa kapatid ng asawa niya, dito kay Lola Faola at sa pinsang si Jones, hanggang ngayong fourteen na ako.

"Alam ko na, gameboy! Maganda raw 'yon na gadget, Lexine!"

Hindi ko pinansin ang pinsan at sa halip ay pinagmasdang maigi ang lalaki. Kung halos makalimutan ko na si Mama, nakalimutan ko na yatang tuluyan si Papa. Maaaring ang lalaking ito ang pinakamalapit na pwede kong mapagtanungan.

"Kilala mo po ba ang tatay ko?" tanong ko sa isang mahinang boses.

Naglaho ang mayabang nitong ngiti at bahagyang napatingin sa pinsan kong nalaglag ang panga.

"Kung kapatid ka talaga ni Mama... hindi ba dapat ay kilala mo ang Papa ko?"

"Uhh, una na muna ako, Lex! Laro lang..."

Hinayaan kong umalis si Jones kaya kaming dalawa na lang ni Maximum Colombo ang natira sa labas ng bahay kung saan tanaw na tanaw ang asul na dagat.

"Yes..." kritikal niyang saad. "I know your father. Alpha Lewis."

"T-Talaga?"

"Of course, boy. He married my sister after you're..." Kumunot ang noo nito pero tumitig nang mas malumanay. "Pasensiya na, Alexine, kung ngayon mo lang ako nakita. I stayed abroad for a long time to avoid the family. Siguro ay maraming tanong sa isip mo ngayon pero huwag kang mag-alala dahil sinisigurado ko sa'yong nagsabi ako ng totoo."

Okay.

Dalawang beses akong kumurap. "Mabait ba ang...Papa ko sa Mama ko?"

Tumango ang lalaki at ngumiti, hindi na astang mayabang.

"Pwede mo ba akong dalhin sa kaniya, bilang regalo mo sa kaarawan ko, kung ganoon?"

Hindi kaagad ito nakasagot. Napanguso ako.

Sa likod ng mura kong pag-iisip, matagal ko nang hinahanap ang presensya ng isang ama pero ngayon ko lang naisatinig iyon. At...parang hindi pala okay sa pakiramdam. Kasi bakit kailangan ko pang hilingin iyon? Hindi ba dapat ay siya ang pupunta sa akin? Hindi ba dapat ay nasa tabi ko siya?

Horrors in the Light (Ruins of Helen #1)Where stories live. Discover now