Chapter 17

1.3K 74 21
                                    

"Keep the change"


Nang makababa na ako umalis na yung taxi, napatingin ako sa paligid hindi ko alam kung saan lugar to pero ang ganda. Mula sa aking kinakatayuan tanaw ko ang napakagandang karagatan.





May natanaw akong bahay sa malayo kaya naglakad ako papunta doon, palubog na ang araw kaya tanaw ko na ang napakagandang sunset


"Tao po.... tao po"

Napabuntong hininga ako nang makitang walang tao sa bahay, para siyang rest house maliit lang siya pero maganda ang design.


Tatalikod na sana ako nang may nakita akong isang babae nasa tabing dagat habang nakatingin sa papalubog na araw, naglakad ako palapit doon sa babae. Kahit malayo siya alam ko siya to, si freen.


Habang papalapit ako mas malinaw sa'kin ang mukha niya, bahagyang hinahangin ang buhok niya


"Freen,"  sabi ko nang makalapit na'ko



Lumingon siya sa'kin napaawang ang labi niya nang makita ako



"Can we tal-"


"For what huh?"  She cut me off  "Ano na naman ba gusto mo? Lumayo na ako diba nilayuan na kita dahil 'yon ang gusto mo pero bakit nandito kapa?"



I bit my lower lip ngayon ko lang siyang narinig magsalita ng ganito, ang sakit



"I'm sorry" mahinang sabi ko pero sapat na para marinig niya


"Nilayuan na kita diba, lumayo na ako dahil doon ka magiging masaya" tinignan niya ako  "Bakit nandito ka?, ano ba talaga gusto mo? Hindi pa ba sapat ang mga sakit natanggap ko? Kulang pa ba?"  She looked at me with pain in her eyes



"I'm s-sorry" I started crying  "I'm sorry  sa lahat"  lumapit ako para hawakan ang kamay niya pero lumayo siya sa'kin,



"A-alam ko hindi mo ako gusto at lalong hindi mo m-mahal ginamit mo lang ako" her voice broken  "Pero kahit na ganon mahal parin kita ikaw parin ang hinahanap ng puso ko"  


Nakita ko ang unti-unti pagtulo ng mga luha niya, na lalong nagpasakit sa puso ko


"Noong umalis ka hinanap kita," 

Nagulat ako nang marinig iyon mula sa kanya "A-ano?"


"Hinanap kita e, hinanap kita dahil hindi ko kayang mawala ka. Kayang kong tanggapin ang lahat ng sakit wag ka lang mawala sa'kin" tumingin siya sa'kin nakita ko ang sakit sa mga mata niya  "Okay lang sa'kin kahit gamitin mo ako wag ka lang mawala sa'kin"

"I'm sorry,"  wala akong ibang masabi kundi sorry alam kong kasalanan ko ang lahat.



"Kaya kong tanggapin na ginamit mo lang ako, kaya kong magpakatanga para sayo"  she's still crying  "Ang hindi ko kaya iyong mawala ka, It hurt so much"



Lalo akong napaiyak parang dinudurog ang puso ko ngayon habang nakikita siyang umiiyak.




"Hinanap kita noon halos libutin ko na ang buong mundo mahanap ka lang, pero kahit anong gawin ko hindi kita mahanap hindi kita makita. Kahit masulyapan ka lang kahit makita lang kita mula sa malayo  okay na sa'kin" 




"Freen I-"  lumapit ako sa kanya ulit pero umatras siya 



"Limang taon na ang lumipas pero ikw parin, ikw parin ang gusto ko, ikw parin ang tinitibok nito kahit anong gawin ko ikw parin ang hinahanap nito"  tinuro niya ang puso niya  "Noong bumalik ang saya ko okay na ako e,  Seeing you happy is enough for me, pero iyong makita kang masaya sa iba ang sakit-sakit non, paano mo nagagawang ngumiti sa iba habang ako nandito naghihihintay sayo? Paano mo nagagawang ngumiti sa iba habang ako  durog na durog"  Tumingin ulit siya sa'kin "You don't know how much it hurts when you ignore me I pretend it's okay but the truth is it really hurts. Why are you making my life a living hell?"





Walang tigil ang pagbuhos ng luha ko nagu-guilty ako sa mga ginawa ko sa mga nangyare ang sama-sama ko.


"I'm sorry.... nandito nako bumalik na--"



"Bumalik ka nga pero hindi para sa'kin. Ayokong mawala ka, pero ayoko din naman pilitin ka na piliin ako dahil hindi ganon ang totoong pagmamahal"  tumalikod siya at naglakad palayo




Sinundan ko siya at saka ko siya niyakap sa likod




"I'm sorry, I'm so sorry"  iyak ko sa kanya




Naramdaman ko ang pag-alis niya sa kamay ko mula sa pagkakayakap ko sa kanya, nang tuluyan na niyang maalis naglakad ulit siya hindi man lang niya ako nilingon. 



Nakatingin lang ako sa kanya habang umiiyak, sana lumingon siya sa'kin sana bumalik siya at yakapin ako....



Tuluyan na akong napaupo sa buhangin at humahagulhol. Nang mawala siya sa paningin ko


Iniwan na niya ako, ayaw na niya sa'kin


Bakit ganito ang nangyare? Bakit kung kailan pwede na ayaw na niya?


Kasalanan ko naman lahat, kasalanan ko naman kung bakit to nangyayare. Walang dapat sisihin kundi ang sarili ko.





MD

SHE SUCKS AT LOVEWhere stories live. Discover now