Prologue

2 2 0
                                    

It's almost 2 years na ng makilala kita, I still remember that night that you say 'hi' to me, and to be honest I still can't forget you. Palagi ka pa ring dumadaan sa isip ko, araw araw namimiss ka ng puso ko. At ngayon hindi ko alam kung magagawa ko pa bang palayain ang sarili ko at ang puso kong nagmamahal sayo.

Nakakatawa, sa pekeng mundo lang naman kita nakilala pero bakit parang kilalang kilala na kita at hindi kita kayang mawala?

I know I'm still too young para malaman ang detalye ng love, pero ngayon alam ko sa sarili kong sayo lang ako nakaramdam ng ganito.

Hindi ko nga alam kung bakit nananatili akong naghihintay na sa dulo ay wala naman. Ngayon palang kasi ay wala na ang salitang 'pag asa'. Sabagay, saan ko ba makukuha iyon kung nakalimutan mo na ako? Baka nga hindi na ako nag e-exist sa past mo.

Tuloy ngayon ay napapaisip ako, pinagsisisihan mo kaya isang beses na pinasok mo ang buhay ko? Para kasing hindi mo ako kilala sa tuwing umaakto ka, ayaw mo na siguro akong maging parte ng buhay mo, tama ba?

Nakalimutan mo na siguro yung mga pangako mo? Sigurado akong wala ni isa ang matutupad don, ayos lang naman dahil wala na nga tayong koneksyon ngayon.

Pero sa totoo lang ay hindi ko pa rin matanggap yung katotohanang wala ng Ikaw at Ako na tutupad sa mga pangarap at pangako na sabay nating binuo noon. Hyst, ako nalang siguro mag isa? Pwede naman siguro yon kahit na ako nalang, kaya ko naman gawin lahat yon.

Hyst, kailan kaya matatapos 'to? I mean yung paghihintay ko sayo kahit na wala namang kasiguraduhan na babalik ka pa o kahit na magka ayos tayong dalawa. Is there hope? Ayoko na ulit sana umasa, masakit kaya mabigo sa dulo.

Pero kasi.....ikaw na yan e, ano pa nga bang magagawa ko kundi ang umasa ulit na maibabalik ang lahat sa dati? Ikaw kasi e, kasalanan mo'to sinabi mong sasaluhin mo ako kaya hinayaan ko ang puso kong mapaibig sayo, tapos ngayon nag iwanan tayo ang saklap ng buhay ko. Hindi ko na kasi magawang palayain ang puso ko mula sa pagkakabilanggo sa pagmamahal ko sayo.

Kakayanin ko pa kaya? Malapit ng magdalawang taon, tapos limang taon lang ang sinabi ko sayo noon bago palayain ang puso ko sayo. Aabutin kaya o magagawa ko kaya? Kasi sa tuwing papasok ka sa isip ko diretso na sa puso ko e kaya ayon! Nabubuhay ulit ang lahat ng nakaraan natin sa akin kaya hindi kita magawang kalimutan.

Hindi ko na nga maintindihan 'tong sarili ko e, tama pa kaya 'to? Normal pa kaya 'tong ma in love ako sayo? Ang kabaliwan ang isang tulad mo dahil sa love? Hindi ko na tuloy masabi kung love na'to o obsessed lang tayo ako sayo.

Balik ka nga, 'tas sabihin mo sa akin kung ano 'to. Alis ka nalang ulit pagkatapos, oops! Syempre joke lang, dahil kapag bumalik ka hindi na kita ulit pakakawalan. Sasayangin ko pa ba yung chance na makasama ka ulit? Syempre hindi na 'no! Ikaw na yan e.

Pero may chance pa nga bang naghihintay sa atin sa future?

^^

"Oh hep! Tama na ang pag iisip sa kaniya. Kilalang kilala na kita, kaya shh stop na okay?!" Mabilis kong naiangat ang ulo ko para tignan kung sino ang matapang na humarang ng kamay niya sa harap ng mukha ko.

Masama ko siyang tinignan kaya napitik ako nito sa noo.

"Don't look at me like that babe, lalo kang pumapangit e." Pang aasar na aniya saka naupo sa tabi ko pagka akbay.

Mabilis kong tinanggal ang kamay niya sa balikat ko at mabilis na tumayo para lumayo.

Patuloy ko lang siyang sinamaan ng tingin hanggang sa magsalita siyang muli.

"Trust me, hindi na nga kasi yon babalik! Para ka lang tanga jan na umaasa e. Kung ako sayo? Sayo nalang ako. " Sambit niyang muli at kumindat pa sa akin pagkatapos.

STILL WAITING FOR NOTHINGDonde viven las historias. Descúbrelo ahora