C29

30 1 0
                                    

PLEASE, SAY YES.

That weekend was the best for me. Kasama ko ang mga kaibigan ko na nagsaya sa dalawang araw na iyon.

I was really happy that I met them. Na sumali ako sa photography club. Parang nabuhay ulit ako pagkatapos ng isang taon.

It's already monday at napapaenglish na ako putangina!

Nandito na ako sa school habang ngingiti ngiting naglalakad. Isa ito sa mga napansin ko. Parang may nagbago sakin.

Nabawasan ang pagkabobo ko.

Ata?

Kahapon.. Hindi namin napagusapan ang tungkol sa pag amin niya ng nararamdaman sakin.

Hindi ko alam ang i-aakto ko sa harap niya gayong wala ang kaibigan ko para mapagtakpan ang awkwardness sa amin.

Sasagotin ko na ba siya? Mag yeyes na ba ako?

"Tangina ang assuming ko, hindi pala nanliligaw sakin 'yon." Bulong ko sa sarili at nagkamot ng batok.

Napailing nalang ako dahil doon at napagpasyahan nang tumungo sa classroom.

Napansin kong maraming tumitingin sa akin at may ibubulong sa katabi nang malapit na ako sa Music Room na madaraanan ko.

Inismiran ko nalang sila at handa na sanang tumuloy, nang bigla nalang silang Isa isang humarang sakin ng nakalinya.

"Hoy mga bobo, anong inalmusal niyo at natatanga kayo?!" Sigaw ko sa kanila pero nginitian lang nila ako na nagpakunot sa noo ko.

Hindi talaga ganito mga tao dito, anong nangyari?

Napairap nalang ako at dadadanan na sana sa gilid nang isa-isa rin silang nagsi-alisan na parang nahiwa sa gitna papasok sa Music Room.

"Anong kalokohan 'to? Gusto niyo bigwasan ko kayo isa-isa!?" Sigaw ko sa kanila.

"Just get in!" Rinig kong sigaw ng isang lalaki.

Inismiran ko nalang siya at kunot noo ko silang tingnan isa isa bago naglakad patungo sa pintuan.

Agad Kong pinihit ang doorknob nang nasa tapat na ako. Bumungad sakin ang madilim na paligid. Humakbang ako ng kaonti para makapasok, nang bigla nalang sumara ang pintuan na nagbibigay ng liwanag mula sa loob. Agad nila itong isinara.

"Tangina niyo! Sabi na eh! May balak kayo sakin! Help me papa Laurent!" Sigaw ko habang hinahampas ang pintuan.

Mukhang nilock nila ito dahil nang pihitin ko ang doorknob ay hindi ito mabuksan.

"Tanginaniyo talaga kapag ako nakalabas dito, hahanapin ko kayo isa-isa at paduduguhin ko ang mg–"

Natigil ako sa paghampas at pagsipa sa pinto nang may marinig akong strum ng gitara.

Agad akong nakaramdam ng takot dahil sa dilim tapos may biglang nagstrum ng gitara.

"S-sino ka tanginamo!" Sigaw ko sa dilim at nakahanda na ang kamao.

Walang sumagot sa akin pero nakarinig ako nang mahinang tawa ng lalaki at nagpatuloy na sa pag strum.

'Yog strum ng gitara.. alam ko yung kantang iyon.

Please, Say Yes.(Under Editing)Where stories live. Discover now