Chapter 1 - Petunia Beatriz Almonte

107 1 0
                                    

"Cute."

Nia smiled. "Thanks."

Kaagad niyang tinalikuran ang customer pagkaabot niya ng paper bag na naglalaman ng mga pinamili nito. Ayaw naman niyang maging assumera kaya binalewala 'yon ng dalaga. Pinakitunguhan pa rin niya nang maayos ang kostumer hanggang sa magbayad na ito sa kahera.

Huwebes ngayon at hindi siya karaniwang nandirito sa shop. She's supposed to be at her laboratory, mixing ingredients for a new batch of products she was meaning to release to the market by the third quarter of this year. Pero tatlong buwan na ang nalagas sa kalendaryo simula nang magpalit ng taon pero hindi pa rin siya kontento sa kinalabasan.

Jared Asuncion, her business partner, has been breathing down her neck since the beginning of this month. Alam naman niyang nadiskaril na ang schedule nila. They're supposed to be on the first phase of testing sa mga panahong ito pero hindi maatim na ilabas ni Nia ang produktong tinatrabaho niya magpahanggang ngayon.

Para bang may mga bagay pa siyang hinahanap na hindi naman niya maintindihan. She's been in the industry long enough to trust her instincts. And those same instincts have been driving Jared crazy for a while now. Patunay ang walang tigil na pag-vibrate ng cellphone niya sa bulsa ng suot niyang candy pants. At kung nasa harap niya si Jared ngayon, hindi imposibleng tinadtad na siya nito ng kurot.

Masuwerte lang siya at nasa Thailand ang lalaki ngayon para sa isang conference. Sa susunod na linggo pa ang balik nito. Ibig sabihin, hanggang Huwebes sa susunod na linggo na lang siya puwedeng mag-inarte. Kahit naman kasi may mga pagkukulang siya sa trabaho ay alam niyang hindi niya puwedeng sagarin.

"Miss?"

Napukaw si Nia ng boses mula sa likuran. Paglingon niya ay agad siyang nagtaka nang mapagsino ang may-ari ng boses. Sino pa nga ba? 'Yong lalaking sinabihan siyang cute, na inakala niyang nakaalis na ay bumalik pala. Ngayon ay malapad ang ngiti nito habang nakatunghay sa dalaga. Napaisip siya tuloy baka may nakalimutan ito, o kaya naman ay kulang ang naging sukli niya.

She put on her practiced smile. "Yes, sir?"

Inalok nito sa kanya ang cellphone. Saglit siyang natanga, hindi maintindihan kung ano ang gustong ipahiwatig ng lalaki. Binibigyan siya nito ng cellphone? Why? May cellphone naman siya. Parehas din ng model ng hawak ng lalaki. Aanhin pa niya ang isa pang cellphone? 

Saka kahit paano ay kaya pa naman niyang tustusan ang luho sa katawan. She didn't work harder than the rest of her peers for nothing. Dumaan siya sa puntong mahimbing na ang tulog ng karamihan sa siyudad pero siya ay gising na gising pa at inaasikaso ang maliit na negosyo.

At twenty-six, Nia is the co-owner of The Maanyag Project. It is a vegan, cruelty-free and environment friendly skincare and cosmetics that caters to all, including children. Kay Jared nanggaling ang bulto ng kapital nila sa negosyo, samantalang si Nia naman ang responsable sa mga formula ng produkto nila.

"Uh...I'm sorry. Para saan po 'yan?" tanong ni Nia sa lalaki.

The genuine confusion on her face must have taken the guy by surprise. Saglit itong hindi nakapagsalita, nanatiling nakatitig lang kay Nia na para bang hindi ito makapaniwala. Pero hindi rin naman nagtagal ay bumawi ang lalaki. Tumawa ito, lumabas ang maliit na biloy sa kaliwang pisngi. Natuon doon ang atensyon ni Nia, nawala sa inaalok na gadget ng lalaki.

Aaminin niyang may hitsura din naman ang lalaki. Hindi rin naman siya bulag, o ipokrita para i-deny 'yon. Nasa beauty industry siya, hindi na rin bago sa kanya ang mga ganoong tipo o hitsura. It's just that he's simply not her type. Ewan ba niya, walang atraksyon sa kanya ang kagaya nitong mukhang matimtimang birhen ang katumbas sa babae. The guy is too polished, too bright and proper for her taste. Bagay naman dito ang suot nitong salamin. Wala lang talagang dating kay Nia.

Fortejo Bastards: Fourth FortejoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon